Ang higpit ng yakap ni Harris kay adel habang papunta sila sa opisina nito. Panay ang tanong nito kung okey lang ba talaga ang kasintahan, si adel naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari, si Harris ang may kagustohang ilihim nila ang relasyon nila pero ito rin mismo ang umamin sa harap ng national at international press tungkol sa totoong relasyon nila.
"Now what..?" tanong ni Adel kay Harris.
napakunot ang noo ng governador.
"Anong now what..?"
"You just confirmed in front of those press people na girlfriend mo nga ako..."
"ah yun ba...matagal ko na dapat ginawa yun... napapagod na akong magtago Adel.... at isa pa dahil sa nangyari ngayon mas gusto kong lagi kang nasa tabi ko... para personal kong nasisiguro ang kalligtasan mo."
"Hindi mo naman kailangang gawin yun..."
"enough of that argument sweetheart.. from now on... ako na ang masusunod pagdating sa security mo..."
"H..." magsasalita pa sana si adel pero kinabig na sya na Harris at siniil ng halik.
"I love you so much Adeline and its killing me knowing that i don't have a power to protect you... so please let me do this."
walang nagawa si adel kundi ang sumangayon sa pakiusap ni Harris.
"So whats the Plan.?" tanong ni Adel.
"Hintayin muna natin si James sya ang magsasabi kung ano ang makabubuti nating gawin sa ngayon... for the meantime magpapa press conference muna ako to clarify things concerning our relationship."
"Sigurado ka na ba sa gagawin mong yan Harris."
"Yes I am Sweetheart... I want the world to know na girlfriend ko si Adeline Daza and the world will knoW how much I love you.
Tila gustong sumabog ng puso ni Adel sa sinabing yun ni Harris.
Hindi sya makapaniwala na gagawin yun ni Harris para sa kanya.
Pero ginawa nga nya. Humarap si Harris sa Presscon at inamin nya na kasintahan nya nga si Adel at sinabi nya rin kung gaano nya ito kamahal.
Katatapos lang presscon ng dumating si james, pinagpapawisan pa ito at bakas ang pagaalala sa mukha.
"Anong development James..?" Tanong agad ni Harris.
"This is not good Governor Fuentes.... maraming gustong pumatay ngayon kay adel... una na sa listahan ay ang mga pulitikong tinira nya sa programa nya, pangalawa ay ang mga kalaban mo sa pulitika they want you out in the game Gov at gagamitin nila si Adel laban sayo. "
"Mga lintik sila!!...bakit hindi ako harapin nila... ako ang kalaban nila hindi si adel.!!" Galit na sabi ni Harris.
Agad hinawakan ni Adel sa kamay ang kasintahan para pakalmahin ito.
"Alam mo kung gaano karumi ang pulitika sa Pilipinas Governor Fuentes... you been in that game for how many years. ang pamilya mo ay mga pulitiko kaya dapat alam mo kung ano ang kaya nilang gawin para sirain ka at para manalo sila..?"
Napabuntong hininga si Harris, mahigpit ang hawak nya sa kamay ni adel.
"Anong pwede nating gawin ngayon.?"
"Dalhin mo si Adel sa ligtas na lugar hanggat hindi pa ako nakakapag organized ng matibay na security para sa kanya... sa ganung paraan mas magiging ligtas sya."
"No....hindi ako magtatago bakit ko gagawin yun wala akong kasalanan sa kanila." Mariing pagtutol ni Adel.
"Sweetheart please... di ba sinabi ko na sayo from now on... ako ang masusunod pagdating sa security mo."
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romantiek" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...