CHAPTER 33

48.8K 1.1K 33
                                    

Tatlong araw na nanatili si Adel sa Hospital at sa talong araw na yun ay isang beses lang syang pinuntahan ni Harris yung araw na ipinagtapat nya rito ang lihim na pag papaimbistiga nya sa kaso ng Daddy nito.

Pero kahit hindi pumupunta ay lagi itong nagpapadala ng pagkain nya at dalawang beses sa araw ito kung magpadala ng mga bulaklak, na may kasamang notes na.... "I Miss You and I Love You..." Pero kahit ganun ay alam ni adel na may nagbago kay Harris.

Bago lumabas ng Hospital ay pinuntahan nya muna ang mommy nito na alam nyang naka confine rin sa kaparehong Hospital na kinaroroonan nya.

"Miss saan ang silid ni Mrs Fuentes.?" Tanong nya sa nurse.

"Sino pong Mrs Fuentes.. Ang ina po ba o ang asawa ni Gov.?"

Nanikip ang dibdib nya... Hindi na itinago ni Harris sa hospital na asawa sya nito.

Siguro panahon na rin na lumantad na sya dahil alam nya na yun naman talaga ang gusto nito.

"I'm the wife and I'm looking for her mom." Nakangiting sabi nya.

Biglang naging Alerto ang Nurse..

"I'm sorrry maam... Samahan ko na po kayo sa silid ni Mrs Fuentes the mother." Nakangiting sabi ng nurse.

"Thank you."

Habang naglalakad ay alam ni Adel na panay ang tingin sa kanya ng Nurse.

"I'm sorry po sa nangyari sa Baby nyo."

Napatingin sya sa nurse. At ngumiti... Yung ngiting may halong sakit.

Hindi sya nagsalita.

Ng makarating sa silid ay ang nurse na ang kumatok para sa kanya, at ito na rin ang nagbukas ng pinto.

Nakita nyang nagulat ang Daddy ni Harris pagkakita sa kanya.

"Adel iha..." Sabi nito.

Lumapit sya dito para mag mano, matapos makapag mano ay mahigpit syang niyakap ng matandang fuentes.

"I'm so sorry sa nangyari sa apo namin... Kung alam lang sana namin naka nakagawa kami ng paraan para protektahan ka at ang bata."

"Sorry din po kung itinago namin sainyo ni Harris... Akala kasi namin yun ang makakabuti pero hindi pala."

"Its nobodys fault... Kung meron mang may kasalanan dito si Villareal yun, alam ning sya ang may pakana ng lahat pero wala lang makuhang ebidensya laban sa kanya."

"Wag na po kayong magalala alam ko ang totoo alam kong wala kayong kasalanan...magbabayad ang totoong may kasalanan pangako ho yan...."

"Adel anak..."

"Kumusta na ho si Tita..?"

"Tawagin mo akong mommy asawa ka ng anak ko." Sabi ng ina ni Harris na kanina pa pala gising at nakikinig lamang sa usapan nina Adel at Harold.

"Okey na ako... Pasensya ka na nakisabay sabay pa ako sayo... Nahati tuloy ang atensiyon ng anak ko."

Hinawakan ni adel ang kamay ng ginang.

"Wala ho yun... "

"Nagpupunta ba sayo ang batang yun.?... Mula kasi ng mapasok ako sa hospital na to minsan ko lang syang nakita.... Ikaw ba pinupuntahan nya.?"

Nakangiting umiling si Adel.

"Pero okey lang ho lagi naman syang nagpapadala ng mga pagkain at bulaklak."

"Ano bang nangyayari sa anak mong yun Harold.?"

"Hindi ko alam... Hindi ko rin sya makontak si tracy nga nababaliw na sa kahahanap sa kanya."

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon