CHAPTER 30

49.7K 1K 25
                                    

Bago sila bumalik ng probinsiya ay siniguro muna ni Harris na nasa ayos ang lahat, mula sa security sa bahay na titirhan nila hanggang sa mga pangangailangan ng asawa habang nasa bahay lang ito at nagpapahinga, at halos dalawang araw nya ring ginawa yun, kaya nagkaroon ng pagkakataon si Adel na gawin ang mga kailangan nyang gawin na lingid sa kaalaman ni Harris.

Kumuha si Adel ng ng inbistigador mula sa isang international elite group ng mga pinakamatitinik na inbistigador sa mundo. Noon nya pa sana gustong gawin yun kaya lang pinipigilan sya ni James isang malaking sampal daw kasi sa kakayahan nila kung ang mismong myembro ng NBI ay walang tiwala sa Bureau na pinaglilingkuran nito.

Naiintindihan nya naman si James at maging sya man ay ganun din ang nararamdaman kaya nga hindi nya na ginawa yun, pero ngayon na nakasasalay na ang relasyon nila ni Harris at ang magiging pamilya nila wala ng makakapigil sa kanya gagawin nya ang lahat para sa ama ng magiging anak nya.

Pero laking gulat nya ng isang Pilipina ang ipinadala sa kanya ng grupo,

"I'm Kellie Escobar maam ako po ang ipinadala ng agency para magtrabaho sa inyo."

Sabi nito habang iniaabot kay adel ang folder na naglalaman ng profile ng babae.

Tiningnan nya mula hanggang paa pabalik ang agent.

Wow... Yun ang nasabi nya sa isip nya.

Mas maganda pa sa kanya ang babae, napakasexy nito at hot tingnan kahit simpleng fitted pants at plain blue polo-shirt lang ang suot nito.

"Marunong ka bang humawak ng baril.?" Yun agad ang naitanong nya.

"Lahat po ng klase ng baril maam, muli sa pinakamaiksi hanggang sa pinakamahaba, kahit po yung baril na sa loob pumuputok ay kaya kong ihandle."

Muntik ng maibuga ni adel ang kinakain nyang manggang hilaw dahil sa sinabi ng babae.

"Sorry about that..." Sabi niya.

"Pasensya na rin po kayo maam, ganito lang po talaga ako masyadong mapagbiro."

"Okey... I like you... Pwede kayong magpartner ni James."

"James Bond po...? "

"No... Pero yun ang tawag ko sa kanya, kasamahan ko sya na NBI... You'll be working with him secretly."

"Oh no maam... Mas gusto ko pong magtrabaho ng solo."

"I understand pero sya kasi ang may hawak ng kaso ng parents ko, at bilang pagrespeto sa kanya at sa pagiging magkaibigan namin nangako ako na makikipagugnayan ka sa kanya... Dont worry mabait naman yun at ayun dito sa profile mo single ka..."

"Yes maam."

"Tha'ts better single din sya baka magkasundo kayo."

"Maam dahil po sa kayo ang kumuha sa serbisyo ko... Inererespeto ko kayo, pero kung magiging hadlang po ang James na sinasabi nyo para magawa ko ng tama at mas mabilis ang trabaho ko ipagpaumanhin nyo po pero kailangan kong magsarili ng lakad."

"Naiintindihan kita Miss Escobar but at lease try to work with him in this okey.."

"Susubukan ko po."

"Thank you... One more thing this is a secret operation ayaw kong may makaaalam nito lalo na ang asawa ko."

"Noted maam."

Pagkatapos nilang magusap ng inbestigador na si Kellie ay inihatid nya na ito sa labas ng bahay. Sakto naman ang pagpasok ng sasakyan ni Harris.

"Oh no... Andiyan na asawa ko." Sabi ni Adel.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon