Ilang lingo ring pinatahimik ng Media sina Adel at Harris, sinamantala nila iyon para untiunting sanayin si Adel na humarap sa ibang tao.
Mas lalong lumalim ang relasyon nila pero iilang tao lang ang nakakaalam ng tungkol doon. Pilit nilang itinatago ang realasyon nila lalo na sa media para protektahan ang isat isa.
Mas naging matapang si adel sa pag tuligsa sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, dahil nalaman nya na pwede rin palang maging mabuting lingkod bayan isang buhay na patotoo para sa kanya si Harris... Marami mang naninira sa kanya ay alam naman ni adel ang totoo, mabuting tao at kawani ng gobyerno ang lalaking mahal nya.
Ngunit kung may mga katulad ni Harris ay may iba ring sadyang ipinanganak na halang ang kaluluwa.
Naglalakad na si adel papunta sa sasakyan nya na nasa parking lot ng network building, malayo pa ay pinindot nya na ang remote ng sasakyan nya kaya tumunog na ito.
"Adel.." hinihingal na tawag sa kanya ni Maila, kaya tumugil sya sa paglalakad.
"oh bakit may problema ba.?" tanong ni adel sa kanya.
"wala naman...may nakalimutan lang akong papirmahan sayo." may iniabot sa kanyang folder si Maila.
"Ano ba to.?" kontrata ng isa sa mga advertiser natin, alam ko kasi next week ka pa babalik eh kailangan na yang mai air this week." paliwanang ni maila.
"Ganun ba....teka doon na lang tayo sa kotse ko."
Nakakaisang hakbang pa lang sila palapit sa sasakya ay bigla na lang nayanig ng isang malakas na pagsabog ang buong paligid, at sa isang iglap ay nagliyab ang sasakyan ni adel kasabay ng pagliparan ng mga parte nito.
Sabay na napatili ang dalawang babae, agad na hinila ni adel si maila papunta sa likuran ng isang sasakyan at pinagkubli ito roon.
Agad naman silang nilapitan ng gwardiya ng building.
"Maam okey lang po kayo.?" Tanong g Guard.
"Okey lang ako manong tumawag kayo ng pulis ngayon din." utos nya sa guard, at sya naman ay agad na kinuha ang celfone nya at idinayal ang numero ni James.
"James..."
"Adel baby...whats up...?"
"Somebody tried to kill me..." Nanghihinang sabi ko sa kanya.
"Shit!!" yun lang ang narinig kong sabi ni James at naputol na ang linya.
Ang daming Media at pulis ang nagkakagulo sa harap ng sumabog kong sasakyan, walang tigil sa pagkislapan ang mga camera, may mga kumukuha ng vedio at may nagbabalita ng Live.
Ang Headline.
TV anchor commentator Adeline Daza, pinagtangkaang patayin sa papamagitan ng pagpapasabog ng kanyang sasakyan.
After two hours ay nanginginig pa rin ang katawan ko... pero kailangan ko g harapin ang mga kapwa ko media, inuulan na kasi ng tawag, text at email ang information line ng network.
"Sigurado ka bang gagawin mo ito ha adel." Paulit ulit na tanong sa akin ni Maila.
"yes mai... siguradong sigurado ako."
"Hintayin mo na lang muna kaya Si Gov."
"Alam nya na..? Tinawagan mo sya." Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Sya ang tumawag sa akin... at malamang alam nya na imposible namang hindi nya malaman eh nag news break na halos lahat ng TV Network ng Bansa."
Kinuha ko ang celfone ko at agad na pinindot ang #1, pero out of coverage iyon.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...