Nagising si adel dahil sa sunod sunod na halik na dumadampi sa kanyang mukha, pagmulat nya ay nakita nya ang nakangiting mukha ni harris.
" good morning beautiful...its time to wake up baka mahuli tayo sa flight natin, "
biglang napabangon si adel....
" anong oras na...napasarap ang tulog ko."
" anong napasarap...ang sabihin mo nagsisimula pa lang sumarap ang tulog mo, madaling araw ka na kayang natulog."
Pagbangon ni adel ay nakita nyang nakabihis na si harris..
" nakabihis ka na...wag mong sabihing hanngang dito sa maynila ay nagbabaon ka ng damit sa sasakyan mo."
" nope...nakauwi na ako sa condo, naligo lang at nagbihis tapos balik uli dito,"
" ang aga mong nagising?."
" oo hinalikan kasi ako ng aking mahal na prensisa kaya nagising ako." naka ngiting sabi nito.
" nagising ka ng hinalikan kita, bakit hindi ka dumilat ang daya mo."
" hindi ako dumilat kasi naghintay ako baka kako may kasunod pa kaso wala na at pagdilat ko ayon naghihilik na ang mahal na prensisa. "
" di nga naghihilik talaga ako,"
" oo nga at may tono pa yung hilik mo, ganito ...harrrrrissss......harrrrrisss zzzz....," natatawang sabi ni harris.
" ikaw talaga puro ka kalokohan labas ka na nga at maliligo ako baka mahuli pa tayo sa flight."
" bilisan mo at lalamig na yung almusal."
" nagluto ka.?" tanong ni adel.
" hotdog at itlog lang yun lang kasi ang laman ng ref mo."
" sa susunod na matutulog ka rito sabihin mo sa akin para makapag grocery ako para bongga almusal natin. love you H." at pumasok na ito sa banyo at agad na isinara ang pinto niyon.
8:30 ng umaga ay nakarating na sila ng probensiya, napagusapan na nilang hindi na sila magsasabay sa pagbaba sa eroplano, para hindi sila makatawag ng pansin, magkahiwalay na rin sila ng sasakyan si harris ay dederetso na sa kapitolyo at sya naman ay susunduin ni mang victor at dederetso na sila sa upesina.
Kaaandar lang ng sasakyan nila ng may magtxt sa kanya si harris.
< wala ako sa tabi mo para alalayan ka, pero kaya mo yan isipin mo na lang na mga empleyado mo sila ikaw ang boss nila, hindi ka nila sasaktan, uminom ka muna ng gamot mo bago ka bumababa ng sasakyan para ma prevent ang panic attact...much better kung isaisa mo na lang silang kausapin, speed dial #1 kung hindi mo na talaga kaya, darating ako.HFLYSM>
Napangiti si adel sa txt ni harris kahit papano ay nabawasAn ang kaba nya. Nag txt back sya,
< Thnx, itinxt mo lang yung napagusapan natin kanina sa plane. HArris fuentes, hangang ngayon hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng LYSM.>
ilang seconds lang ay nag reply ito.
<HFLYSM- Harris Fuentes Loves You So Much.>
Yun pala yun, kinilig ng husto si adel, inilagay nya sa kanyang dibdib ang kanyang celfone pumikit sya sandali at saka muling nagtxt.
< ADLYSMTHF>
At nagreply naman si harris.
< ano naman yun.?>
Hindi na nakapagreply si adel dahil tumigil na ang sasakyan nila.
" miss adel, nandito na po tayo." sabi ni mang victor.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romantiek" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...