"Hindi totoo yan.... Niloloko nyo lang ako." Nangangalaiting sabi ni lelet.
"Gusto mo ng ebedensiya... Tamang tama kakukuha ko lang ng marriage certificate namin sa NSO kasi kailangan ko para sa pagpapalit ng Family name at civil status... Gusto mo ng kopya bibigyan kita... Pwede mo rin syang iedit kung gusto mo palitan mo ng pangalan mo ang pangalan ko... Di ba magaling ka dun... Gaya ng Ginawa mo dito." Itinapon ni adel sa harapan ni lelet ang dyaryo.
"Miss Villareal madalas walang suot na damit ang asawa ko kapag magkasama kami sa kwarto he loves to walk in front of me naked... Kaya kilalang kilala ko ang katawan ng asawa ko, at sinasabi ko sayo ang pangit ng katawang nakuha mo para ilagay ang mukha ng asawa ko. My husbands has a 6 packs abs not a 6 packs fats. Kaya wag kang assuming... Ngayon umalis ka sa harapan ko bago ko ipakain sayo ang dyaryong ito."
Pagkaalis ni lelet ay isang malakas na palakpak ang ibinigay ni James kay adel.
"Wow... The tigress is awake..."
"Nakakapikon na kasi ang babaing yun eh... Mag eedit din lang ng picture hindi pa gandahan."
Natawa bigla si James.
"Yung totoo.... Nagpuputok ang butsi mo kasi hindi maganda ang pagkaka edit ng picture ng asawa mo at hindi dahil sa kayakap nya ang babaing yun."
"Yes.... Nakakahiya kaya ano na lang sasabihin ng ibang tao ang pangit ng katawan ng asawa ko... "
"Ikaw ha... Nakukuha mo pa talagang magbiro sa ganitong sitwasyon."
"Hay naku... Unti unti na akong nasasanay at isa pa kailangan kong pagaralang tanggapin na asawa ako ng isang magaling at matino na gobernador, at sa mga tulad nya na walang ginagawang katiwalian sa ginagawang paglilingkod sa bayan patuloy na gagawa at gagawa ng kwento ang mga kalaban nya para siraan sya at ako bilang asawa ay kasama sa mga sisirain nila. Kaya kailangan kong maging matatag para sa kay Harris. Dahil mahal ko sya."
"Ang swerte ni gov sayo."
"Its the other way James ako ang maswerte sa kanya kasi napaka buti nyang asawa at ama ng probinsya."
"Sana matapos na ang mga problema nyo... You deserve to be happy ."
"Sana nga kasi nakakapagod na rin."
Kinagabihan isang tawag ang natanggap nya mula sa daddy ni Harris.
"Hello dad..."
"Adel iha.... Nagkausap na ba kayo ng anak ko."
"Katatapos lang ho naming magusap sa Skype... Bakit ho.?"
"Wala ba syang nasabi sayo tungkol sa plano nya bukas sa grand campaign rally nya."
"Wala naman po."
"Adel... Anak plano nyang ipahayag bukas sa harap ng napaka raming tao ang pagurong nya ng kandidatora nya bilang governador."
"Ho... Bakit po... Anong dahilan.?"
"Hindi nya na raw kaya ang mga isyung ibinabato nila sayo.... Ayaw ka na nyang idamay..."
"Ang laking toinks naman pala ng anak nyong yun.... Ngayon pa ba sya uurong eh napakalaki na ng pinuhunan nya rito.... Buhay ng anak namin ang nawala para sa laban nyang ito tapos sasayangin nya ng ganun ganun na lang."
"Hindi ko sya masisis Adel kahit ako man siguro ang nasa katayuan nya matapos ang mga pinagdaanan nyo mas pipiliin ko ang pamilya ko ang asawa ko at ang tahimik na buhay na kasama ka."
"No dad... Pigilan mo sya. Hindi nya kailangang gawin yun...dahil kahit anong mangyari hindi ko sya iiwan.. Mananatili ako sa tabi nya... At susuportahan ko sya sa mga laban nya."
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...