CHAPTER 31

45.4K 1.1K 30
                                    

/AN/ Haist...nawala po talaga yung drafts ko ng tuluyan dahil sa napakabagal na net...kaya heto gumawa ako ng chapter na panibago  sayang lang nung nauna kong ginawa...."



Kampanting nakaupo si Adel sa sofa sa sala ng bahay nila habang nanonood ng TV ng biglamg dumating si Haley, bakas ang labis na pagaalala sa mukha nito.

"Hale.... Napasugod ka.?" Tanong ni adel dito.

"Si Harris..?"

"Nasa kapitolyo pa... Bakit may problema ba.?"

Tumingn sa kanya si Haley na para bang hindi mapakali.

Kinuha ni adel ang remote control ng TV para patayin iyon para pagtuunan ng pansin ang tila balisang doctora, Ngunit naagaw ang atensiyon nya, ng balitang ipinapalabas doon.

Si Harris palabas ng kapitolyo at pinagkakaguluhan ng media.

"Governor ano po bang masasabi nyo sa ginawang pag amin ng killer ng mga asawang Daza na sinasabing ang daddy mo ang nagutos sa kanya para patayin ang mga magulang ng Girlfriend mo." Tanong ng isang repodter kay Harris na pilit umiiwas sa kanila.

Nanigas ang buong katawan ni Adel. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib nya.

Hindi nagsalita si Harris.

"Governor totoo po bang buntis si Miss Adeline Daza at pinipilit nya kayong pakasalan sya dahil kung hindi ay ititigil nya ang pagsuporta sa kandidatora mo. At totoo bang sinabi mong hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis nya."

Biglang tumigil si Harris at hinarap ang reporter.

"Sirain nyo na ako pati ang pamilya ko, pero wag lang ang babaing mahal ko...Wag si Adeline." Mariing sabi ni Harris.

Lalong nagkagulo ang mga reporter.

"Totoo bang ang papa mo ang nagutos para patayin ang magasawang Daza."

Muling nagsalita si Harris pero hindi na iyon narinig ni Adel dahil naagaw na ang atensiyon nya nga matinding kirot sa kanyang puson.

"Adel.." Agad syang dinaluhan ni Haley.

"Ahhh.... Haley... Ang sakit...."

"Oh God..." Kinuha ni Haley ang cellphone nya at may idinayal na number,pero walang sumasagot sa tawag nya, kaya nag dial uli sya.

"Hello Tracy.... Ibigay mo ang telepono kay Harris....."

"Maam may kasuap pong mga reporter si Gov." Sabi ng secretary ni Harris.

"Wala akong pakialam kahit presidente pa ng Pilipinas ang kausap nya... Ibigay mo sa kanya ang telepono ngayon din." Galit na sabi ni Haley.

"Pero maam..."

"Tracy ano ba gawin mo ang sinasabi ko dinudugo na si Adel."

"Hale.... Ang baby... Ang baby ko..." Nanghihinang sabi ni adel.

Sa Tv screen ay makikitang nakikipagsiksikan sa mga reporter ang secretary ni Harris na si Tracy. Ng makarating ito sa kinaroroonan ng Governador ay iniabot nito ang cellphone.

"Gov si Doctora Haley po." Sabi ng secretary na narinig  ni Haley mula sa kabilang linya.

"Hello Haley... Si Adel kumusta sya...?" Hindi lang sa cellphone naririnig ang sinabi ni Harris kundi maging sa TV rin.

"Shes Bleeding Gov..."

Yun lang at walang sabi sabing hinawi ni Harris ang mga reporter na nasa harap nya at mabilis syang tumakbo palabas ng Kapitolyo.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon