CHAPTER 13

54.3K 1.3K 38
                                    


    Maguumaga na ng umuwi si Adel at hindi sya iniwan ni Harris kahit pinauuna nya na itong umuwi dahil mukhang pagod na pagod na ito, pagkahatid nito sa kanya ay saka lang ito umuwi sa kanila. Kinaumagahan ay sinundo sya nito ng ala una ng hapon dahil alas dos ang libing. nanatili lang sila sa loob ng sasakyan at lumabas lang sila ng makita nilang wala ng tao sa memorial park maliban kina tyler at tita agnes niya, saka lang sya nakapagpaalam sa tito carlos nya.

" Babalik ka na ba ng maynila.?" tanong ni harris kay adel, inihatid sya nito sa bahay nya mula sa memorial park, at inimbeta nya itong mag kape muna.

" oo....7am ang flight ko bukas."

" babalik ka pa ba dito.?"

" i dont have a choice, wala na si tito carlos kailangan kong imanage ang business namin dito."

" good to hear that, ibig sabihin magkikita pa rin tayo."

" of course...ang dami kong utang sayo, at hindi ako tumatakbo sa utang."

" utang...anong utang.?"

" sa halos tatlong araw kong pananatili rito, ginawa kitang driver, body guard, at alalay, at sigurado mahal ang babayaran ko sayo, governador ka kaya, tapos ganun lang ginawa ko sayo, ang kapal ng mukha ko no."

Natawa si Harris sa sinabi ni Adel.

" bayad ka na, baka ako pa nga may utang sayo."

" at papano naman nangyari yun." tanong ni adel,

" nagkaroon ba naman ako ng instant girlfriend na ubod ng ganda."

Nasamid ng iniinom na kape si adel kaya hinimas ni harris ang likod nya.

" sobra ka namang mag react."

" OA mo naman kasi, ubod ng ganda talaga, hindi nga ako papasang maganda."

" sinong may sabi nyan at sasapakin ko."

Biglang naalala ni adel ang kwento sa kanya ni tyler tungkol sa mga nagbabalak manligaw sa kanya noon na binobogbog daw ni harris.

" are you capable of doing that.?"

" doing what..?"

" manapak or mambogbog."

" ano naman tingin mo sa akin member of the third sex."

" no...alam mo kung ano tingin ko sayo, santo, yung tipong hindi kayang pumatay ng lamok."

" sobra ka naman, "

" no kidding, may time ba sa buhay mo na nanakit ka ng kapwa mo."

" during my high school days."

" ow....i know you...classmate tayo nung high school at wala akong nabalitaang nasangkot ka sa anomang gulo noon, ikaw yata ang pinaka matalino at pinaka good boy na studyante sa batch natin,"

" akala mo lang yun, may dark side din naman ako,"

" i cant belive it, ano bang nakakapagpagalit sayo ng husto noon para magawa mong makapanakit ng iba." alam ni adel na nagiging tsismosa na sya sa ginagawa nya pero may gusto talaga syang malaman mula mismo sa lalaki.

" teka lang bakit ba ang dami mong tanong, wag mong sabihing ako ang susunod mong subject sa programa mo,.wala akong ginagawang masama ha, at yung isyu kay lelet hindi talaga totoo yun, i swear, mamatay man ako."

" alam ko and dont worry hindi ka ganun ka big time para sa programa ko, gusto ko lang talagang malaman kung ano ba ang nakakapagpagalit ng husto sa isang governor harris fuentes."

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon