lalong nagising ang kanyang diwa ng magring ang kanyang celfone,pilit niyang inalala kung saan iyon nakalagay, sinundan nya ang tunog at nagmumula iyon sa bag na bigay sa kanya ni james. At ng tingnan nya ay si james ang tumatawag noon nya naalala na hindi pala sya nakatawag dito, tulad ng ipinangako nya.
" james..."
" at last sumagot ka na rin."
" sorry...i forgot to call nakatulog kasi ako pagdating ko dito sa hotel."
" mabuti na lang talaga ay ipinagamit ko sayo yang relong yan dahil kung hindi papatayin mo ako sa pagaalala sayo."
" sorry..."
matapos makipagusap kay james ay naligo na sya nagayos ng sarili at sumakay na sya ng taxi pa punta sa funeral homes kung saan nakaburol ang tito carlos nya.
Malayo pa ay napansin nya na ang maraming tao sa labas kung saan nakaburol ang tito carlos nya, pagbaba nya ng taxi ay pasimple syang humalo sa mga tao, ayaw nyang makatawag ng pansin. pagpasok nya sa loob ay nakita nya ang tita agnes nya may mga kausap ito at mukhang seryoso ang mga ito, malibaan sa tita nya ay wala na syang ibang kilala sa loob ng silid na yun, pero may isang lalaking nakatayo sa tapat ng kabaong na mukhang pamilyar sa kanya nakatalikod kasi ito kaya hindi sya sigurado, naglakad sya papalapit sa lalaki at sa kabaong ng tito, tumabi sya sa lalaki, nilingon sya nito, at pagkakita sa kanya ay agad sya nitong niyakap ng mahigpit.
"adeline, sis...salamat at mandito ka akala ko hindi ka pupunta.''
" tyler, its been a long time i miss you so much."
" i miss you too babes. Mabuti naka punta ka alam ko kung gaano kahirap para sayo ang muling bumalik dito."
" para kay tito carlos at tita agnes at sayo."
" tnx babes, nasaan man si daddy ngayon tiyak na maligaya sya dahil nandito ka bahagi ka ng pamilya namin."
" adeline anak" boses mula sa likod nila.
" tita agnes." niyakap ni adel ang babaing tumayong ina nya sa loob ng mahigit sampung taon.
" adel bakit nandito ka.? i mean you dont have to be here kung hindi mo pa kayang bumalik dito."
" tita nandito ako hindi lang para kay tito kundi para na rin sa sarili ko, i think its time for me to look back to be able to move on, dapat nga noon ko pa to ginawa noong nabubuhay pa si tito para nagabayan nya ako kung papano ko ito gagawin ng hindi ako masyadong mahihirapan, yun naman kasi lagi ang ginagawa nya, making things easier for me."
" thats because she loves you like a real daughter." sabi ng tita agnes nya.
" tnx tita, tyl...for sharing tito carlos with me."
" kami ang dapat magpasalamat sayo babes, kasi dahil sayo natupad ang pangarap ni dad na magkaroon ng kompletong pamilya, isang mapagmahal na asawa, magandang anak na babae at napakagwapong anak na lalaki, " sabi ni tyler.
" naku tumigil ka nga dyan tyler baka mamaya bumangon bigla ang daddy mo at batukan ka, " sabi naman mo tita agnes.
ngumiti lang si adel, ito ang isa sa minahal nya sa pamilyang ito, kaya kasi nilang ngumiti even in the worst time.
" iha gusto mo bang ipakilala kita sa mga empleyado ng kompanya mo nandito ngayon ang ilan sa kanila."
" wag na po muna tita."
" ikaw ang bahala, tyler ikaw na munang bahala kay adel pupuntahan ko lang yung mga tao sa labas."
" yes mom ako na pong bahala sa kanya."
Naupo muna sila sa isa sa mga upuan doon na nasa unahan doon lang kasi walang tao, ayaw kasi ni adel sa maraming tao,
" hangang ngayon mas gusto mo pa ring nasa background lang,"
" i think its were i belong."
Hinawakan ni tyler ang kamay ni adel.
" no....thats were you choice to belong."
" dito ako masaya."
" really..? bakit hindi yata umabot sa mga mata mo ang sayang sinasabi mo., adel wala na si dad, kailangan mo ng lumabas mula sa lungga mo, anong plano mo sa kompanya?."
" ibibigay ko sayo, "Walang emosyong sabi ko.
" youre kidding right?."
" no, pero kung ayaw mo ibebenta ko na lang at ibibigay sa foundation ni mommy ang pinagbentahan."
" wow dads knows you so well, alam nyang yan ang gagawin mo oras na mamatay sya, kaya ito may inihanda na syang speech para sayo." at ibinigay sa kanya ni tyler ang celfone nito at ipinakita sa kanya ang video ng tito carlos nya.
" kuha yan noong una syang inatake 3 months ago akala nya yata mamatay na sya kaya pinakuha nya yan sa akin."
Kinunan ang video habang nasa hospital ito at nakadextrose pa.
" adeline anak, mukhang susunod na rin ako sa mammy at daddy mo, kung sabagay namimiss ko na rin naman sila, anak wag na wag mong ibebenta ang kompanya kapag namatay ako isasama ko ang daddy at mommy mo mumultohin ka namin, kapag ginawa mo yan, hindi joke lang, adel alam mo ba kung bakit hindi ko binibitiwan ang DGC kahit pweding pwede ko namang gawin yun, yun ay dahil sa pagmamahal ko sa kompanya at sa pamilya mo, saksi ako kung papano pinaunlad ng papa mo ang kompanya nyo, dugo at pawis ang naging puhunan nya rito, alam kong hindi mo pa naririnig ang kwento sa likod ng transportation busseness nyo kaya ikokwento ko sayo, isang mahirap na reporter lamang noon sa radio ang mommy mo, ng makilala ng daddy mo, love at first site ang tumAma sa daddy mo, at dahil sa mahirap ang mommy mo kaya ayaw sa kanyA ng lolo mo, pero ipinaglaban sya ng daddy mo, iginiveup ni leonard ang lahat para kay aida, nagpakasal sila kaya kinuha ng lolo mo ang lahat lahat sa daddy mo, can you imagine a comlaude of harvard school of business administration ay walang gustong tumangap kahit janitor lang pero hindi sumuko ang daddy mo, namasada sya sa akin ng tricycle hiyang hiya ako noon sa kanya isipin mo leonard daza member of the billioners boys tricycle driver ko lang pero ang dad mo kahit minsan ay hindi yun ikinahiya nagsumikap sya madalas 2 oras lang sya kung matulog sa gabi hanggang sa makapagipon sya at makabili ng sariling tricycle, una isa lang, tapos naging dalawa,tatlo parami ng parami, ang tricyle naging mga jeep, mga taxi, bus, trucks, then he çonquers the sea alam mo bang ang mv princess adeline ay ipinangalan na sayo hindi ka pa man nabubuo sa sinapupunan ng mommy mo. gusto ng daddy mo ay maging katulad ng barkong iyon ang magiging anak nya, kayang tawirin kahit ang pinakamalawak na karagatan, kayang harapin ang pinaka mababagsik na hampas ng alon at kayang makipagsabayan sa malakas na ihip ng hangin. Yun ang gusto ng daddy mo parà sayo anak, kaya ng ipinanganak ka ang daddy mo na yatA ang pinakamaligayang tao sa mundo, ikaw ang kumempleto sa kanyang pangarap, at ikaw rin ang naging daan upang magkasundong muli ang daddy mo at ang lolo mo. Muling ibinalik ng lolo mo ang lahat ng negosyo nito sa daddy mo pero tinangihan iyon ng dad mo dahil mas pinili nya ang negosyong ipinundar nya gamit ang sariling pawis at hirap, ang negosyong naipundar nya dahil sa pagmamahal sa mommy mo at sayo."
Huminga ng malalim si adel pakiramdam nya kasi ay naninikip ang dibdib nya, at naramdaman din iyon ni tyler kaya inakbayan nya si adel at isinandal sa dibdib nya. at ipunagpatuloy nya ang panonood sa video.
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...