CHAPTER 12

52.4K 1.3K 19
                                    

Malayo pa ay tanaw na ni adel ang maraming tao, mahaba na rin ang nakahilirang sasakyan sa gilid ng kalsada, naramdaman nya ang marahang panginginig ng kanyang katawan napahawak sya sa gilid ng kanyang upuan, dahandahang itinabi ni harris ang sasakyan medyo malayo pa sila sa mismong sa chapel, pero tanaw na nila ang mga tao sa loob.

" gusto mong bumalik na lang tayo mamaya kapag kaunti na lang ang mga tao."

" hinihintay ka nila."

" tatawagan ko na lang si tyler at sasabihin kong kasama kita."

" no...kaya ko to." sabi ni adel.

" are you sure?."

" nandyan ka naman, hindi mo naman ako iiwan di ba.?"

HinawAkan ni harris ang kamay niya.

" hinding hindi kita iiwan adel, nandito lang ako hanggat kailangan mo ako."

" plus 5% sa trust na ibinigay ko sayo."

" thAnk you, malaking bagay na yan para sa akin."

huminga ng malalim si adel.

" kaya ko to, "

" ganyan nga..."

Kinuha ni harris ang celfone nya at may idinayal na numero.

" ngayon ko lang gagawin to, at gagawin ko to para sayo." sabi ni harris kay adel, hindi naman maintindihan ni adel ang ibig sabihin nito.

" hello, nasaan kayo,....okey make a way for us....i clear nyo ang dadaanan namin.....make it possible na mismong sa tapat ng pinto magpapark ang sasakyan namin.....pakiusapan mo ang may ari ng sasakyan....sabihin mo si governor Fuentes...pero gusto ko gawin mo yun ng mahinahon,....makiusap ka,....okey just give me a sign kung pwede na, salamat."

At ini end na nito ang tawag.

" what was that.?"

" a bit of abuse of power, pero ngayon ko lang yan ginawa, sa buong termino ko bilang governor kahit minsan ay hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko para sa aking pansariling kapakanan ngayon lang and i dont feel good about it."

" then dont do it, kung ako lang naman ang dahilan..."

" hindi yan ang ibig kung sabihin, i'm telling you this para ipaalam sayo na hindi ako katulad ng ibang pulitiko, at gusto ko yung patunayan sayo, because we have deal.."

" deal....anong deal?." tanong ni adel.

Ngumiti lang si harris, yung ngiti na muling nagpakabog sa dibdib ni adel, at lalong nagpanginig sa katawan niya.

" mukhang tama si Tyler may alziemer ka na nga."

" wala akong alziemer, nabablangko lang talaga ang utak ko kapag inaatake ako ng phobia ko."

" sorry..." at muli nitong hinawakan ang kamay niya.

" adel, look at me."

hindi kumilos si Adel nanatili syang nakatingin sa unahan ng sasakyan, hindi nya na kasi alam kung ano ang nararamdaman nya, kung para saan ba talaga ang panginginig nya dahil ba yun sa mga tao o dahil kay harris,

" Adel look at me please.."

DahAn dahang lumingon si adel paharap kay harris. at nagtama ang kanilang mga tingin.

" adel...nasa isip lang ang takot. kung kaya mo ngang harapin ang mga taong nasa gobyerno na alam mong may mga kapangyarihan at may kakayahang saktan ka, sila pa kaya, adel mga ordinaryong tao lang sila,..hindi ka nila sasaktan... at hindi ko papayagan yun, gagawin ko ang lahat para protektahan ka..." masuyong hinawakan ni harris ang pisngi niya.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon