CHAPTER 6

59K 1.4K 13
                                    


" adel ang dahilan kung bakit hindi ko iniwan ang dgc ay dahil sa alam ko ang lahat ng pinagdaanan ng kompanyang ito at ng daddy at mommy, saksi ako sa kanilang mga paghihirap at tagumpay kung papano silang nagsikap mabigyan ka lang ng magandang buhay, para sa daddy mo ang dgc ay hindi lang basta negosyo adel, hindi lang pera ang pinaguusapan dito kundi sya mismo, ang dgc ay ang daddy mo adel, this is his pride, and dignity, kapag ibenenta mo ito para mo na ring ibinenta ang daddy mo, alam ko mahirap para sayo ang bumalik sa lugar na puno ng alala ng mga magulang mo, pero gusto kong gawin mo yun, gamitin mo ang mga alaala nila para ipagpatuloy mo ang buhay mo, adel mas masarap mabuhay kasama ang magagandang alaala ng mga taong mahal mo. Anak mahalin mo ang dgc, dahil nabuo ito dahil sa pagmamahal, hindi ito utos kundi pakiusap. Mahal na mahal ka ng mga magulang mo maikli man ang panahon na nagkasama kayo, alam ko na pinunu nAman nila ng pagmamahal ang puso mo."

Ilang minuto ng natapos ang video pero nakatitig pa rin si adel sa celfone na hawak, at yakap yakap pa rin sya ni tyler.

" okey lang umiyak adel."

" no use...ng mamatay sina daddy at mommy wala na akong ginawa kundi umiyak, pero wala namang nangyari, hindi na sila bumalik at hindi rin nawala ang sakit, tapos ngayon naman si tito,"

" malaki ang nagagawa ng pagiyak adel, kung hindi ka umiyak ng umiyak noon kina tito at tita baka wala ka rito ngayon, dahil nasa mental hospital ka."

tumingala ng bahagya si adel para makita ang mukha ni tyler gusto nyang malaman kung seryoso ba ito. ngumiti ito ng seryoso at hinalikan sya sa noo. thats it seryoso nga ito, kaya lalo syang sumiksik sa dibdib nito.

Matagal rin sila na nakaupo lang doon, yakapyakap sya ni tyler, pareho silang nakatingin sa kabaong iniisip nya yung mga sinabi ni tito carlos nya, lumapit sa kanila ang tita agnes niya.

" tyler iho, nandiyan ang mga taga kapitolyo, kasama si gov."

" okey mom...ako ng bahala sa kanila, adel, okey ka lang ba dito o gusto mo munang pumasok sa loob ng family room, " nagaalalang tanong sa akin Tyler.

" okey lang ako dito, go ahead."

at naghiwalay sila, pero bago tuluyang umalis si tyler ay hinaplos muna nito ang pisngi nya.

" smile babes, youre more beautiful when your smiling." at muli sya nitong dinampian ng halik sa noo bago tuluyang umalis.

Ilang minuto pa syang umupo roon, ng mapansin nyang unti unti ng dumarami ang mga tao at may naupo na sa tabi nya ay naghanap ang kanyang mata ng malapit na exit, pero wala syang makita, maliban doon sa kung saan sya pumasok kanina, malaki ang silid kaya medyo malayo pa ang pinto dahil nasa unahan sya, at marami na ring tao hindi lang sa loob kundi lalo na sa labas, puro kasi salamin ang dingding at pinto kaya kitang kita nya pati ang mga tao sa labas.

Narinig nyang may nagbubulungan sa malapit sa kanya.

" Di ba yan yung girlfriend ni gov.?"

napakunot ang noo ni adel, naisip nya kung bakit may mga taong mahilig pagusapan ang ibang tao.

" hindi girlfriend yan ni tyler, nakita mo na ngang hinalikan di ba." sabing pangalawang boses.

" hindi baka yan yung kapatid ni tyler." sabi ng voice 3.

lalong napakunot ang noo ni adel ng marealize nya na siya pala ang pinaguusapan ng mga ito, siya lang namam kasi ang hinalikan ni tyler kanina and knowing tyler hindi yun basta basta ng hahalik ng babae kaya sigurado syang sya ang tinutukoy ng mga ito. Dahan dahan nyang nilingon ang mga naguusap sa likod nya at makita nya ang isang grupo ng mga kabataang babae, at tila kinilig pa ang mga ito ng makita sya ng harapan, kumaway pa ang mga ito sa kanya nagtaka si adel sa reaksiyon ng mga ito kaya agad syang tumalikod.

THE GOVERNORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon