Dahil sa kagustohan nina Tyler at tita Agnes na maiiwas sya sa maraming tao ay pinilit sya ng mga ito na sumama kay harris.
Kaya heto sya ngayon nakasakay sa sasakyan ng binatang governor.
" saan mo gustong pumunta,?" tanong ni harris.
Hindi kumibo si Adel, dahil wala naman talaga syang gustong puntahan, ayaw pa niyang bumalik sa hotel dahil maaga pa naman, alas singko pa lang ng hapon, nilingon nya si harris na syang nagmamaneho, nakita nyang tinatanggal ng kaliwang kamay nito ang suot na necktie, samantalang ang kanang kamay nito ay nakahawak sa manibela.
Naalala nya ang sinabi ni Tyler na kaya walang nanliligaw sa kanya noon ay dahil sa binobogbog ni harris ang lahat ng gustong manligaw sa kanya, parang hindi yata sya makapaniwala doon, tingin nya kasi dito ay para itong hindi makabasag pinggan, pero hindi naman sya mukhang gay.
pero bakit nya naman kaya yun ginagawa kung sabi nga ni Tyler ay ito lang ang hindi nagkagusto sa kanya sa grupo nila, mabuti na lang pala at walang nakakaalam noon ng totoong dahilan kung bakit sya nagpapaganda ng husto actually hindi naman talaga sya nagpapaganda noon para magpapansin sa lahat. Isang tao lang naman ang gusto nyang makapansin sa kanya pero mukhang wala man lang epekto sa taong yun ang pagpapacute nya ni hindi man lang kasi sya nito pinapansin kahit sulyap man ay hindi sya nito magawang tapunan, ngayon ay alam nya na kung bakit dahil ito lang ang tanging hindi nagkagusto sa kanya sa grupo nila, buti na lang pala at hindi sya noon nagpakatanga hindi nya naipagtapat kay Harris Fuentes na super crush nya ito noon, yes ultimate dreamboy nya noon si Harris pero ni hindi man lang sya nito noon pinpansin kahit pa sya ang cheer leader ng basket ball team nila noon.
Tama si tyler may mga pangyari nga sa nakaraan na masayang balikan at alalahanin at matagal nyang ipinagkait yun sa sarili nya ang balikan ang nakaraan.
" sa bahay.." biglang nasabi ni adel.
" ano yun..sorry may sinasabi ka..?" tanong ni harris.
" gusto kong pumunta sa bahay namin."
" sigurado ka..?" tanong ni harris.
" hindi ko alam, pero gusto kong magsimulang muli, at mag move on at gusto kong simulan yun sa pagbalik sa nakaraan."
sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni harris, bigla nitong itinabi ang sasakyan at biglang niyakap si adel ng mahigpit.
" thats great....i'm so happy to hear that adel."
nabigla si adel sa ginawa ni harris pero hinayaan nya lang ito, dahil gumaan ang pakiramdam nya dahil sa yakap na yun.
" hayaan mo akong samahan kita sa yung pagsisimulang muli adel." sabi ni harris habang hawak nito ang isang kamay ni adel.
" harris..."
" please...nakikiusap ako sayo, let me be a part of this. please."
dama ni adel ang sesiredad ni harris pero may pagaalinlangan sa kanyang puso, hindi kasi sya sanay na ipagkatiwala sa iba ang personal na buhay.
" adel, if you really want to move on, why dont you start with trusting other people......, and let it begin with me, trust me, and i promise i will never fail you."
" harris."
" please...."
" okey...pero hindi ko maipapangako sayo ang aking buong pagttitiwala, mahirap pa rin kasi para sa akin to, oo nga magkakilala tayo pero hindi naman tayo naging magkaibigan at isa pa alam mo naman na..."
BINABASA MO ANG
THE GOVERNOR
Romance" adventurous woman." " sabi nga nila, but personally i don't like adventure, what i really want is to be useful in any possible way i can." " then why not become a public servant a government official." " no offense pero mas gugustohin ko pang magi...