JONAS’ POV.
Me: “Ano bang inaarte-arte mo diyan?!”
Malapit na kong mainis dito sa kausap ko. Aarte arte ng napipikon na daw siya, ayaw naman sabihin yung dahilan.
Me: “Hindi ka talaga kikibo?”
Patring: “Gusto ko ng sumuko diyan sa bwisit na lalaking yan!” Sabay tayo mula sa kinauupuan niya.
Me: “E, baka naman kasi sumusuway ka sa mg autos niya?”
Patring: “Hindi ako sumusuway! Pero palagi niya kong pinapahirapan!”
Nagpapapadyak na ng paa si Patring sa lupa dahil sa inis. At mukang namumugto na yung mga mata niya sa galit.
Me: “Baka naman din kasi nagiinarte ka pa kapag inuutusan ka?”
Patring: “Sige lang Jonas! Kampihan mo pa yang Paulo na yan!”
Me: “Oh, kalma lang Pat. Meron ka ba ngayon?”
Patring: “Tumigil ka! Wala!” Bigla siyang umirap sa’kin sabay nagpamewang.
Sa buong talambuhay ko na nakilala ko ‘tong masayahing bata na ‘to, ngayon ko lang nakita kung gaano siya mapikon sa isang bagay.
Nakakatakot pala siya pag nagalit na talaga.
Me: “Hmmm? Magkwento ka nga sa’kin kung ano talaga kinaiinisan mo kay sir?”
Patring: “Kinaiinisan ko?!” Bigla siyang lumapit sa’kin na may kasamang malalaking mata. “Lahat na lang ng bagay na alam niyang hindi ko kayang gawin ng sabay-sabay pinipilit niyang ipagawa sa’kin! Alam niyang babae ako tapos sa’kin niya papakabit yung bumbilya niya sa kwarto! Tapos sa’kin niya papaayos yung nasira niyang sliding door sa kwarto niya! Kapag tumigil ako sa pinapagawa niya, magrereklamo siya! Magsusungit siya sa’kin! Magsasatsat siya ng kung anu-anong bagay!”
Sinalubong ko na lang yung kilay ko. Wala akong nasabi sa sunod sunod niyang kwento.
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Genç KurguSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...