PATRICIA’S POV.
Habang naglalakad ako papunta ng mansion, nasalubong ko na lang din si Jonas na papalakad na rin at sumabay na nga rin sa’kin.
Me: “Magandang umaga.” Ngiti ko sa kanya.
Jonas: “Magandang umaga din.” Nakamalapad na ngiti lang din si Jonas. “Sabay na tayong pumasok ng mansion.”
Me: “Oo nga.” Tumawa ako ng mahina.
Jonas: “Nga pala, kamusta yung date niyo ni Sir Craig ha?” Nagulat ako sa tanong ni Jonas sa’kin.
Me: “Alam mo?” Nag nod siya.
Jonas: “Oo. Tinanong ko kasi kahapon kay Sir Paulo kung nasaan ka. Ang sabi niya nakipag-date ka daw kay Sir Craig kaya wala ka.” Ngumiti pa ng pang-asar sa’kin si Jonas. Nailang tuloy ako sa nalaman niya.
Me: “Uh… Maayos naman. Okay lang naman yung gala namin kahapon.” Ngumiti lang ako ng matipid.
Jonas: “Ikaw ha? Ang ganda mo talaga. Tsk tsk! Biruin mo pati si Sir Craig nakuha mo yung loob.” Parang binola pa ko nito ni Jonas.
Me: “Nakuha? Nako naman, magkaibigan lang kami ni Craig noh.” Tanggi ko pa sa kanya.
Jonas: “Hmp? Bakit? Ayaw mo ba kay Sir? Maayos na maayos naman siya uh?”
Me: *Sigh* “Kaibigan lang ang turingan namin ni Craig. Okay na ‘yon.”
Jonas: “Ay, sus! Dapat sinasabi mo sa’kin kapag may mga manliligaw ka. Magsusumbong ka sa Kuya Jonas mo dapat.” Natawa ako sa sinabi ni Jonas. Oo nga. Kuya ko nga talga siya.
Me: “’Wag ka mag-alala. Kaya ko naman ‘to. Basta, ikaw na lang din ang tatakbuhan ko kapag may problema ako.”
Jonas: “Good.” Nagthumbs-up pa siya. Hanggang sa nakarating na pala kami sa loob ng mansion. Pagpasok namin ay naabutan namin si Madam Theresa na kumakain na ng almusal.
Me: “Good morning ho, Madam.”
Jonas: “Good morning po.” Bati naming dalawa ni Jonas.
Madam Theresa: “Good morning, Jonas. Good morning, Patricia.”
Me: “Uhm, Madam? Gigisingin ko na po ba si Sir Paulo?”
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Novela JuvenilSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...