UD UD na. :) Hihi.
--------------------------------------
PAULO’S POV.
Kumakain na ko ng dinner ngayon at ‘di pa din nawawala yung mga smile sa labi ko. Kasi starting this day, Patricia is my official girlfriend. Wala na kong kasama kumain ngayon dahil pinauwi ko na si Patricia, para bukas magkasama na kami ulit kaagad.
“Sir?” Nabaling yung attention ko sa tumawag sa’kin. Si Jonas pala, na nakangiti in sa’kin.
Me: “Oh, Jonas? Why?”
Jonas: “E, napansin ko lang ho kasi na kanina pa ho kayo nakangiti mag-isa diyan e. Mukhang ang lawak na ng imagination niyo, Sir.” Kakaibang ngiti sa’kin ni Jonas. Gets ko na siya, gusto niya kong asarin slight.
Me: “Saluhan mo muna ako dito.” Aya ko sa kanya. Umupo naman siya kaagad na parang naeexcite pa kumain.
Jonas: “Salamat, Sir. Ayos ‘to.” Natatawa talaga ako palagi dito sa taong ‘to. Ang comedian niya palagi.
Me: “Sige lang, Jonas. Kumain ka lang diyan.” Nakangiti ko lang na sinabi sa kanya. Wala ng isip-isip at agad na siyang kumain. Napa-iling na lang ako dahil natawa talaga ako.
Jonas: “Oo nga pala.” Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong ngumunguya pa siya. “Tuloy niyo nap o yung kwento niyo kung bakit ang saya-saya niyo at blooming pa kayo.”
Me: “Blooming pa talaga ha?” Nag-smirk ako. “Uhm… it is because…” Abang na abang lang si Jonas sa susunod ko pang sasabihin. “May girlfriend na ko.”
Jonas: “Naks! Kaya pala e. Inlove pala si Sir, kaya ngiting-ngiti lang oh?” Sumubo muna siya ulit bago ituloy yung sasabihin niya. “Hindi ko alam kung sino yang bago niyong girlfriend, Sir. Pero sino nga ho ba?” Natawa ako ng konti.
Me: “Si… Patricia.” Napanganga lang si Jonas bilang reaksyon niya, habang ako nagtataka naman. “Bakit ganyan yung reaskyon mo?” Nakakunot-noo ko lang tinanong sa kanya pero naka semi-smile pa rin ako.
Jonas: “Si… Si Patring mismo?”
Me: “Yup.” Nag-nod pa ko para malinawan siya. “Si Patricia nga. She’s my girlfriend.”
Jonas: “O… M… G…” Parang gusto ko ng matawa sa itsura ngayon ni Jonas. “I can’t believe this.” Biglang siyang uminom ng tubig at ngumiti ng malapad sa’kin. “Congrats, Sir! Give me high five!” Tumawa ako ng malakas at inapiran ko na rin siya.

BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...