PAULO’S POV.
Ngayong araw na ‘to, back to normal ang lahat. Back to reality actually. Nandito na kami sa salas ngayon nila Mommy, Jonas at Lorraine. At heto, nakahanda na si Lorraine sa pagbalik niya sa California.
Lorraine: “Paano ba yan? I need to say goodbye.” Ngumiti siya ng matipid sa’min. “Tita, Jonas… Paulo. Thank you so much kasi kahit naging pangit yung attitude ko sa inyo, you still forgive me.”
Mommy Theresa: “It’s okay, hija. Nothing to worry about what happened.” Mommy smiled.
Lorraine: “I want to say sorry for being mayabang and maarte, Tita.”
Mommy: “No, no. Okay lang, hija. Kinalimutan ko na agad ‘yon.” Napakabait talaga ng Mommy ko kahit masungit sa ibang bagay.
Lorraine: “Jonas?” Lorraine looked at Jonas. Medyo serious nga lang yung reaction ni Jonas pagkatingin niya kay Lorraine. “I’m really really sorry for what I’ve done. Sorry sa mga matatalas kong pananalita sa’yo nun. Pero… sobrang nagpapasalamat ako kasi, ikaw yung naging way para din umamin ako. Para… para matauhan ako.” Jonas nodded and he simply smiled as acceptance.
Jonas: “Wala na ‘yon. Okay naman na ang lahat.”
Lorraine: “Paulo?” Finally, sa’kin naman siya humarap. “Sorry din. As in, super sorry sa lahat from the bottom of my heart.” Tumingin lang ako ng blangko sa kanya. “Kahit mali ako nung una pa lang, nagawa mo na kong kampihan. Kahit na, nalaman mong makasarili ako… you did accept me pa rin.”
Paulo: “Dapat na lang siguro na matuto ka pa talaga.”
Lorraine: “I… I will change for good. Naisip kong natatapakan ko na pala yung ibang tao. Naisip kong mas malaki yung balik sa’kin ng karma after ng mga kasalanan ko.” Okay naman na talaga sa’kin si Lorraine after of what she did. Kaso, may konting galit pa rin ako dahil sa sobrang pagkakamali na ginawa niya sa’min. “Gusto kong magsorry talaga ngayon kay… Patricia. Sa kanya ko nabuhos lahat ng galit ko. At least… at least, I’ve tried.” Nagkibit-balikat siya.
Paulo: “Dapat lang talaga na kay Patricia ka magsorry ngayon.”
Lorraine: “Before I leave… I’ll say sorry to her.” Napatingin lang si Lorraine sa ibaba. Kinuha na ng driver niya ang mga maleta niya para isakay sa kotse.
Mommy: “You take care there, okay? Ingat ka sa flight mo.” Ngumiti ng matipid si Lorraine at biglang niyakap si Mommy Theresa.
Lorraine: “Sorry Tita ha? And I owe you bigtime. Thank you so much.” Napansin kong may tumulong luha mula sa mata ni Lorraine. And bumitaw na si Lorraine sa pagkakayakap niya kay Mommy. “Guys, lalabas na ko.” Sinundan naman namin siya hanggang sa palabas ng pintuan.
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Novela JuvenilSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...