UD naaaa. Hohoho! :)
-----------------------------------
PATRICIA’S POV.
Nagising ang diwa ko, pero dilim lang ang nakikita ko. Unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang paningin ko, pero kinurapkurap ko muna at saka ko lang narealize na may kumukurapkurap ring mata sa harapan ko ngayon. Ang magagandang mata na nakikita ko at natititigan ko. Meron ding isang matangos na ilong na nakadikit din sa may dulo ng ilong ko. At ang isang magagandang ngiti na nakakaganda ng gising ko ngayon.
Paulo: “Good morning sweetheart.” Bati sa’kin ng taong pinaka minamahal ko habang may kasabay na magandang ngiti. Ngumiti lang ako ng sweet sa kanya. “Finally you’re awake.”
Me: “Kanina ka pa ba gising?” Inaantok antok ko pang boses.
Paulo: “Yes.” Halos pabulong din niyang sagot, habang magkatapat pa rin ng malapitan ang mukha namin. “I’m waiting for you to wake up. Kanina ko pa kasi tinititigan yung napaka ganda mong mukha e.”
Me: “Nambobola ka na naman diyan.” Matawa-tawa ko lang na sinabi sa kanya sa inaantok ko pa ring boses.
Paulo: “I’m not kidding. Alam mo namang ikaw lang ang pinaka magandang babae sa mata ko.” Nagngitian lang kami na para bang ayaw na naming matapos ang ganito naming usapan.
Nandirito pa rin kami sa kakahuyan kung saan kami nakatulog kagabi dahil na rin sa biglaang bagsak ng malakas na ulan. Nakakasinag man ang araw na nagmumula sa isang napakaliit na bintana, ang mga ngiti pa din ni Paulo ang pinaka nasisilaw ako sa lahat. Ang sarap pala sa pakiramdam ng gigising ka ng umaga at maabutan mong katabi mo na ang isa sa dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundo. Siguro kapag ganito ang pangyayari sa buhay ko sa araw-araw, wala na siguro akong hihilingin pa.
Me: “Ikaw lang din naman ang pinaka gwapong lalaki para sa’kin.” Medyo nagtawanan kami habang naguusap lang kami ng mata sa mata. “Balik na tayo sa kanila.”
Paulo: “Kung pwede lang sana na ‘wag na tayong umuwi sa mga parents natin, lalayo na lang tayo e. Kaso, naka depende pa rin ako sa’yo. Hindi ako aalis ng wala ka sa tabi ko.”
Me: “Mahal na mahal kita.” Ngiti kong pagka tamis-tamis sa kanya habang nakatitig lang sa kumikinang niyang brown eyes.
Paulo: “Mahal na mahal din kita, at hinding-hindi ako magsasawa.” He smiled back, at hinalikan na lang niya ako sa noo kasabay ng pagharap niya ulit sa’kin ng nakangiti lang.
Me: “Hali ka na. Kumilos na tayo dito.” Humiwalay na ko sa pagkakaharap sa kanya at dahan-dahang bumangon sa hinigaan naming kahoy. Siya din ay bumangon na at muling nagsuot na ng polo niyang pinatuyo niya kagabi. Sa wakas, makakabalik na ko sa kubo. Inaalala ko na rin ang lagay nila Nanay at Tatay e. Malamang, hinahanap na ko ng mga ‘yon kagabi pa.

BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Novela JuvenilSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...