Chapter 39.

632 20 2
                                    

Dahil nagtitimpi lang ako sa update ko, heto oh, another update na. Oh, readers mukhang nandito na ang muling paghaharap. ☺

-----------------------------

SOPHIA'S POV.

It's almost 11:30PM at heto, nakaharap pa rin ako sa laptop ko. Actually, nagreresearch ulit ako para sa pinagaaralan ko sa kompanya namin. At mukhang inaantok na ko. Hay buhay, bawal daw magpuyat ang isang pregnant. Kaya nga feeling ko nahihilo na naman ako. Ngumangata lang ako ng grapes, apples, and bananas habang nakaharap ang mukha ko sa screen ng laptop ko. Ang sakit na rin ng mata ko. Kanina pa kong 7PM naka babad sa harap ng ilaw ng laptop.

*TOKTOKTOK!* Medyo nagulat pa ko sa pagkaka katok kung sino man 'yon. Bumukas na ang pinto at nakita kong dumungaw si Mama.

Mama Shane: "Why you're still awake my daughter?" Nagtuloy-tuloy ng pumasok si Mama sa kwarto ko at isinara yung pintuan, sabay tabi sa'kin sa may bed side. Kiniss ko naman siya sa cheeks niya pagkatabi niya sa'kin.

Me: "Nothing, Ma. Semi-training lang ulit. Oh, you want grapes?" Alok ko pa sa kanya. Umiling lang siya and parang inayos niya yung buhok ko.

Mama Shane: "Alam mo namang masama sa buntis ang nagpupuyat." Mahinahon niyang sabi. Isinara ko naman ang laptop ko.

Me: "Patulog na nga ako e. Mukhang kakauwi niyo pa lang po ni Papa ah?" Tanong ko na rin habang iniipon yung balat ng saging at apples na pinagkainan ko.

Mama Shane: "Yes, anak. Sa labas na kami nag dinner ng Papa mo. How was your day pala? Wala naman bang sumakit sa'yo?" Palaging ganito si Mama kada uuwi galing work. Lagi niyang tatanungin kung may sumakit ba daw sa'kin or masaya naman ba ang buong araw ko kahit nasa bahay lang ako magdamag.

Me: "Wala po, Ma. Normal lang." Sumimple lang ako ng smile sa kanya.

Mama Shane: "That's good, hija." And kiniss ulit ako ni Mama Shane sa cheeks ko. Hindi ako nagsisisi sa real family ko, because they're one of the best ever. Napansin ko namang napatingin si Mama sa may bandang right ng long bed side table ko. "Anak, hindi mo naman sinabi sa'min ng Papa mo na may balak ka palang magtayo ng garden sa kwarto mo."

Me: "Ma?!"
Natatawa kong sinita si Mama. Oo naman kasi e. Mukha ng garden yung sulok nitong room ko. Dahil sa mga araw-araw na padalang boquet sa'kin.

Mama Shane: "Ang dami na palang klase ng flowers ang nandito. Well, congrats anak." Tinawanan lang ako ni Mama. Kahit ako natawa rin sa biro niya. "Sabi mo galing kay Craig ang mga yan."

Me: "Opo, e siya lang naman po ang pwedeng magpakana ng mga ganito e."


Mama Shane: "I wanna ask you anak, ha?"
Sumeryoso naman ang facial expression ko at hinihintay lang yung itatanong ni Mama. "Papayag ka ba kung si Craig ang tatayong ama ng magiging apo ko?" Bigla akong na-speechless. Never ko naisip na maghanap ng ibang tatayong tatay ni baby. Pero, what if nga kung si Craig 'yon?

Me: "Ma, hindi pa po ako handa." Yun lang ang tanging nasagot ko sa tanong ni Mama.

Mama Shane: "Tinanong ko lang naman, anak. Ayoko ring isipin mo ng isipin ang tungkol doon." Hinawakan ako ni Mama sa chin ko para mapatingin ako straightly sa kanya. "Walang masama kung mapapalaki mo ng walang kinikilalang ama si baby mo. Pero, it still your own decision anak. I know you're strong and ramdam kong until now, malungkot ka pa rin dahil sa mga nangyari sa past mo."

Me: "Ma... Alam niyo namang... I still love him e. Hanggang ngayon, siya pa din ang hinahanap ko." I looked down dahil nagsisimula na naman akong malungkot.

Mama Shane: "Don't worry, anak. Me and your father are still here for you. Mahal na mahal ka namin at alam mo 'yon." Tinapik na lang ni Mama ng mahina yung pisngi ko and she smiled a bit. "Oh, siya. You need to rest na. Masamang nagpupuyat ka. I'll go downstairs and papaakyat ko na lang kay Yaya Maecy mo yung milk mo, okay?"

Me: "Opo, Ma. Thank you po. Good night."


Mama Shane: "Good night, hija."
We smiled to each other at lumabas na nga siya sa kwarto ko.

Tinabi ko na yung laptop ko and humiga na rin sa kama with my comforter fit in. Napalingon ako sa mga flowers na nakadisplay sa side table ko. Naisip ko, nag-iba yung pakiramdam ko nung tanungin ako ni Mama ng ganun. Si Craig? I never planned na sa kanya ako ikakasal at siya ang magiging step dad ni baby ko. Napahawak ako sa tiyan ko at I got teary-eyed na parang bumibigat na naman yung dibdib ko.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon