PATRICIA’S POV.
Nasa kusina ako ngayon at tinutulungan sa paghihiwa ng mga ingredients sina Ate Gina at Ate Tat para sa lunch nila Madam Theresa. Habang nagkekwentuhan kaming tatlo, bigla na namang may umeksena at pumasok dirediretso dito sa kusina.
Lorraine: “Patricia girl?” Ayan na naman si bruha. Mukhang mangaasar na naman ‘to.
Me: “Ano ‘yon?” Malumanay ko lang na tinanong sa kanya.
Lorraine: “Can you please make some coffee for me? Brown coffee ha? Pakidala na lang sa may salas. Thank you.” Ngumiti siya ng sarcastic sabay talikod at lakad palayo. Kumunot-noo naman ako sa mga pinag uutos na naman niya.
Ate Tat :”Ang arte talaga nung babaeng ‘yon.” Biglang sabad ni Ate Tat habang naghihiwa ng bawang.
Ate Gina: “Mayaman kasi at maganda kaya akala niya nasakanya na ang lahat.”
Me: “Huwag na lang siguro nating pagusapan yan. Mamaya may makarinig pa sa’tin.” Sabi ko sa kanila habang naghuhugas ako ng kamay sa lababo. “Sandali lang Ate Gina at Ate Tat ha? Gagawin ko lang yung inuutos nung bruhilda at baka magwala yun pag matagal pa ko.” Semi-natawa naman sila Ate Gina at Ate Tat sa sinabi ko.
Pagkatapos kong gawin yung brown coffee na pinaguutos ni Lorraine ay dumiretso nga ako sa salas para dalhin na sa kanya yung kape. Naabutan ko siyang nagtatype sa iPad tab niya.
Me: “Ma’am? Heto na po yung kapeng pinagawa ninyo.” Natigil siya sa ginagawa niya at ngumiti sa’kin. Inabot niya ang tasa at hinipan muna yung kape bago dahan-dahang ininom ito.
Lorraine: “Pwe!” Bigla niyang nadura halos yung kape at nagulat ako sa reaksyon niya.
Me: “Bakit?” Kunot-noo kong tinanong.
Lorraine: “What’s this?! Ang sabi ko brown coffee, hindi kapeng barako!”
Me: “Huh? E, brown coffee naman yang ginawa ko e.”
Lorraine: “No, it’s not! Ang tapang ng lasa!” Bigla siyang tumayo at bigla na lang sinaboy sa’kin yung kape saka hinulog bigla yung tasa na dahilan para mabasag ‘to.
Me: “Aray! Ang init!” Napasigaw ako dahil napaso nga ako sa kapeng sinaboy niya sa damit ko. Abang, bastos na ‘tong babaeng ‘to ha?!
Lorraine: “You’re such a damn stupid! Pagtitimpla lang ng kape hindi mo pa alam kung papano?! Nananadya ka yata talaga e!”
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...