Chapter 40.1.1

773 18 4
                                    

CRAIG'S POV.

I'm on my way to Sophia's crib. I won't stop courting her hangga't hindi siya napapa sa'kin. She's all mine, and alam ko namang sa akin din ang bagsak niya nito sa bandang huli. Actually, I'm almost near na rin sa kanila. I need to wear my handsome ways and my attractive smile para maraming pogi points sa kanya.

Suddenly, I feel confuse. May color white BMW car na nakapark sa harap ng gate ng mansion ng mga Alfonso? Yes, it is as I slowly drove my car nearer. May sumakay na boy and girl sa car at may naiwang girl in front of their wide gate. At kung hindi ako nagkakamali, si Sophia ang sumakay dun sa car kanina, and si Tanya 'tong naiwan. Yup! Am right.

Ako naman ang nagpark ng kotse sa harapan ng gate ng mansion at agad akong bumaba. Gulat na gulat pa yata ang reaction ni Tanya when she saw me in front of her. May dala siyang boquet of red roses and letter on the other hand. Siguro, galing na naman 'to dun sa nagpapadala ng flowers everyday kay Sophia?


Me: "Uh... Where's Sophia? Siya yung sumakay from the white car, right?" I asked her para masundan ko na yung car.


Tanya: "Uhm... ka-kasi..."


Me: "Kasi ano? Tanya, please? Where did Sophia go? At sino yung kasama niyang umalis? Tell me!" Hindi ko na mapigilan yung init ng ulo ko. Mukhang nag alanganin pa rin yung reaction ni Tanya.


Tanya: "Si-Sige... Sasabihin ko sa'yo..." Napakamot pa sa ulo 'tong si Tanya. Bullshit! She's a waste of time! "Narinig ko yung pangalan nung nagdrive sa kanya paalis... Uhm... Jo--- Jonas daw e. Oo, tama. Jonas nga."


Me: "Jonas?!" Bigla akong nakaramdam ng kaba nang malaman ko kung sino ang kasama ni Sophia. "Saan daw sila pupunta?!" Pagmamataas ng boses ko.


Tanya: "Tsk! Hay, nako. E, Craig... Natagpuan na ni Sophia. A-Alam na niya kung nasaan si..."


Me: "Sino?!" Lalo na kong nainis ngayon.


Tanya: "Yung... tunay na ama ng dinadala niya. Yun daw yung pupuntahan niya ngayon." Parang tumigil yung oras ko sa narinig ko. Nakaramdam ako ng poot and badvibes. Feeling ko, 'di na ko mapakali.


Me: "What?!" She just slowly nodding at me. Shiz! No, it can't be! "Saan daw sila nagpunta?"


Tanya: "Hi-Hindi ko alam."


Me: "Say it to me!" No, walang wala silang kawala sa'kin.


Tanya: "Uh... Sa-Sa playground daw rinig ko." Hindi na ko nag aksaya ng panahon at agad na kong sumakay ulit sa car.

Hindi... Hindi ako pwedeng iwanan ulit ni Sophia. Hindi ako makakapayag! Hinding-hindi! Kung maaaring makapatay ako... gagawin ko lahat 'yon. Huwag na huwag lang maagaw muli si Sophia mula sa akin.

-----------------

SOPHIA'S POV.


Jonas: "Oh, andiyan lang 'yon. Bumaba ka na. Dahan-dahan lang uh? Mapano kang bigla diyan. 'Wag masyadong malikot sa sobrang saya." Paalala sa'kin ni Jonas. Lumuwag naman ang ngiti ko pa sa kanya.


Me: "Hindi ka pa rin nagbabago. Kuya pa din kita." Ngumiti lang din siya sa'kin.


Jonas: "Oo naman. Ikaw pa din naman ang bunso ko... Kahit pa mas mayaman ka na kesa sa'kin." Nagtawanan na lang kami ng mahina.


Me: "Maraming salamat, Jonas. Dumating rin yung matagal ko ng hinihintay. Makakaharap ko na siya ulit. Makikita ko na yung taong mahal ko." Naka sweet smile lang kami ni Jonas at tumango lang siya. Bumaba na ko ng sasakyan at saka naglakad ng konti papuntang mini park.

Habang iginagala ko ang mga mata ko para makita ko na rin si Paulo, lalo lang palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro sa excitement ko kaya ako ganito.

Naiiyak iyak na kong palingon-lingon lang. Nararamdaman ko si Paulo. Nararamdaman kong malapit lang siya dito. Mabagal lang akong naglalakad habang patuloy na iginagala ang mga mata ko. Nasasabik na kong makita, makausap, mayakap at mahalikan man lang ulit yung mahal ko. Yung taong mahal na mahal ko.

Ewan ba sa'kin. Para akong si Alice na nasa Wonderland. Yun bang feeling ko, ang daming obstacles bago mo makita yung talagang kailangan mong makita. Wala pa rin akong nakikitang Paulo, pero ramdam ko talaga siya e. Ramdam ng puso ko talaga.


"Patricia?" Oh my... May tumawag sa'kin mula sa likod ko. Pero, kilala ko yung magandang tinig na 'yon. Grabe, ang lakas ng kabog ng dibdib ko tuloy.

Hindi ako mapalingon agad sa likuran. Parang 'di kasi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kilala ko na ito. Ang taong kay tagal kong hinihintay.

Dahan-dahan na kong lumilingon sa kanya. Oh my Lord talaga! Andito na. Heto na 'to. But... on one... on two... on three...

Isang napaka gwapong prinsipe ang natanaw ko nang makita ko na siya. At sobrang luwag ng ngiti niya sa'kin. Halos nasa three meters away din siya sa'kin. Muling ngumiti ang puso ko na tila nalagyan na ito ng baterya. Kusang ngumiti ang mga labi ko pati na rin ang puso kong nangungulila noon. Si Paulo... Si Paulo na mahal ko, ay muli't muli kaharap ko.


Paulo: "I saw a walking angel. That's why, I follow you." Sweet niyang ngiti sa'kin. Oh, ang puso ko!


Me: "Kanina ka pa hinahanap ng puso ko." Balik ko sa kanya at lalo siyang napangiti. Wala namang kusang lumalapit pa sa pagitan naming dalawa.


Paulo: "Patricia... I missed you... I do missed you..." Grabe, ang sarap pakinggan sa tenga. "So much!" Napangiti pa ko lalo. As in, wala talagang mapaglagyan yung kasiyahan ko ngayon. Gustong-gusto ko na siya lapitan at yakapin ng napaka higpit.


Me: "Stop calling me Patricia..." Biro ko pa sa kanya, at medyo natawa nga siya. "My name is Sophia. That's my real name."

Gusto ng gumalaw ng mga paa ko at tumakbo na sa kanya sabay yakap ng kahit ten minutes. Nagtaka ako bigla ng parang magbago yung reaksyon ng mukha niya. Parang nag mukhang nag-aalala. Parang nabago na rin tuloy ang reaksyon ko.


Paulo: "Pa--- PATRICIA!!!" Bigla akong napalingon sa gawing kanan ko at nakita ko na lang ang isang sasakyang mabilis ang takbo padiretso mismo sa'kin.

Wala. Blangko ang takbo ng utak ko at halos mapa talukbong na lang ako.


Me: "Waaaaaaaaaaaaaah!!!" Tanging sigaw ko na lang kasabay ng napakalakas na kabog ng dibdib ko.


Nakaramdam ako ng napakalakas na pagtulak na nagmula sa hindi ko malaman kung saan o sino, at lumagapak ako ng buong-buo sa sahig, nang makaramdam din ako ng pagkahilo at pagdidilim ng paningin. Bumagsak ako ng malakas sa sahig at ang huling narinig ko na lang ay ang isang napakalakas na pagbangga ng sasakyan sa isang puno o poste.


Unti-unti akong napapadilat... ngunit... tila wala akong marinig... Tila mabagal ang pag galaw sa kapaligiran ko. Si... Paulo? Nasaan si Paulo? Napansin ko na lang pala na nakadapa ako sa sahig... dahil na rin ramdam ko ang paghawak ko sa lupa... na parang gusto kong humingi ng tulong.


Tulong... Tulungan niyo ako... Ang anak ko... Ang baby ko... Napakasakit ng tiyan ko ngayon... Tulungan niyo kami...


Nang medyo lumilinaw na ang paningin ko, ngunit mabagal pa din... Mabagal pa din ang galaw sa paligid ko... May nakikita akong lalaki... Lalaking duguan sa may bandang harapan ko... Hindi maaari. Hindi ako naniniwala. Hindi si Paulo ang nakikita ko. Hindi maaari! Wa-Wala siyang malay... duguan na nakaplakda sa may bandang harapan ko...


Ang tiyan ko!!! Ang baby ko... Tulong... Tulungan niyo ko... Tulungan ninyo kami...


Me: "T-Tulong... T-Tulungan ni-ninyo... k---"


-----------------


Awtsubells! </3

No, it can't be. Pero... abangan na lang natin sa magiging next update ko. And my next update would be the 'EPILOGUE.' :)

Oyyy! September 17 KQs, ha? Kaabang abang ano po? :)

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon