PATRICIA’S POV.
Alas-ocho na ng makapag ayos ako para pumasok na sa mansion at mapuntahan na yung gwapo kong boss. Ay, hindi pala gwapo. Masungit pala dapat. Pagpasok ko ng mansion, sinubukan kong pumunta muna ng dining area at baka sakaling kumakain na ng agahan si Paulo. Pero, pagkarating ko sa dining, wala akong Paulo na naabutan. Nagpasya na lang akong dumiretso muna ng kusina at baka sakaling pwede kong mapagtanungan kela Ate Gina kung nasaan si Paulo.
Me: “Magandang umaga!” Masaya kong bati kela Ate Tat at Ate Gina.
“Magandang umaga din, Patring.” Halos sabay nilang sinabi din sa’kin. Naabutan kong may nililinis sila dito.
Me: “Uhm… nakita niyo po ba si Sir Paulo?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
Ate Gina: “Ay, nagjogging kanina pa. Nagsabi lang sa’min. Heto nga oh, pinapahanda lang niya yung wheat bread at gatas dahil yun lang daw ang kakain niyang almusal ngayon.”
Me: “Uh, ganun po ba?” Napaisip tuloy ako kung bakit hindi yata siya nagsabi sa’kin ngayon ng ihahanda ko para sa kanya. “Sige, susundan ko na lang si Sir muna. Maiwan ko po muna kayo diyan mga ate.” Tumango lang sila at kaagad naman akong umalis ng kusina.
Wala na kong ibang maiisip na pagjojoggingan niya kundi sa lupain lang. Kaya doon ko naisipang puntahan siya. Habang naglalakad ako papuntang lupain, napapansin kong mukhang natatanaw ko na siya habang pabalik siyang naglalakad. Nagdecide lang ako na lapitan siya kaagad at salubungin siya.
Me: “Good morning!” Masaya kong bati sa kanya, pero nagtuloy-tuloy lang siya ng paglalakad. Ginawa ko na lang siyang sabayan sa paglalakad niya pabalik ng mansion. “Mukhang late ka na yata nagjogging ha? 8 o’ clock ka na kasi natapos e.” Hindi pa rin niya ko kinikibo. “Uhm… kakain ka na ba? Ako na maghahanda ng wheat bread at gatas mo. Sabi mo daw kasi kela Ate Gina yun lang ang kakainin mo ngayon.” Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya habang siya’y wala pa ring kibo sa’kin. Hanggang sa makapasok na ulit kami ng mansion, pero hindi man lang siya nagsasalita. “Iaakyat ko ba yung pagkain mo o isusunod ko na la---.”
Paulo: “Just shut up.” Napatigil ako sa pagsasalita ko ng magsalita na siya at humarap sa’kin. “I’ll rest for a bit then I will take my bath then I will eat my breakfast. Okay na?” Parang masungit niyang asta sa’kin. Napatango na lang ako dahil parang nawirdohan ako sa kanya at pakiramdam ko na kapag nagsalita pa ko, masasapak na niya ako. Tumalikod na lang siya ulit at patuloy ng naglakad paakyat sa kwarto niya.
Me: “Ano bang problema niya?” Hindi ko alam kung bakit ko tinatanong yung sarili ko ng ganito. Napaka gulo talaga ng lalaking ‘yon. Kahapon pa siya nagsusungit sa’kin pero wala akong magawa kundi magpakumbaba na lang sa kasungitan niya.
------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...