Chapter 35.

715 22 4
                                    

THERESA’S POV.

 

 

 

Me: “Roberto, kanina ko pa tinatawagan yung anak ko pero cannot be reach pa rin siya! I’m so worried about him.”

 

Roberto: “Baka kasama niya yung magaling niyang girlfriend.” Sagot lang sa’kin ni Roberto habang nagaayos na siya ng mga sinuot niya dahil tapos na nga ang occasion.

Me: “Wala ka man lang bang masasabing matino, ha?!” Malapit na ko mapikon dito sa magaling kong kausap ngayon.

Roberto: “E, yun yung opinyon ko lang. Anong gusto mong gawin ko? Halughugin siya dito sa buong hacienda? Wala rin namang natutulong yang pagbubunganga mo e.” Nakasimangot niyang sagot sa’kin.

Me: “Nako naman, Roberto! I’m still worried. Gusto ko siyang kausapin, because after of what he heard sa announcement kanina, hindi na siya bumalik.” *Sigh* Kumukulo na talaga yung dugo ko.

Roberto: “Wala na. Narinig na niya e. At yun naman talaga ang dapat niyang malaman sa lahat. Next step na lang na gagawin niya is to accept that.”

 

Me: “Alam mo sa totoo lang, kahit ako, ngayon ko lang naisip kung bakit hindi ko ipinaglaban yang pagbebenta sa hacienda e! Dahil bigla ko na lang naisip yung anak ko. Yung mararamdaman ng anak ko!” Halos hindi na ko mapakali sa galit ko ngayon. I can’t explain kay Roberto kung paano ko ba maeexpress yung gusto kong sabihin sa kanya.

Roberto: “Oh, ngayon nagsisisi ka? Para ka ring tanga e no? Yang anak mo, malaki na yan. Kaya kung makikipagusap siya sa’tin ng maayos, gagawin niya.” Napaupo na lang si Roberto sa bed side.

Me: “Are you in yourself, Roberto?! Ikaw ang parang tanga. Parang wala kang pakialam sa anak ko ha? Malamang, napakahirap para sa kanya na mawawala na ‘tong hacienda, tapos siya pa yung aasahan mong unang makikipagusap sa’tin?! Akala ko ba matalino kang tao?! Bakit parang napaka kitid mo ngayon?!” Tumataas na ang boses ko kasabay ng angry facial expression ko.

Roberto: “Tapos ako ang aawayin mo? Inaaway mo ko ngayon kasi hindi mo alam kung nasaan si Paulo?”

 

Me: “E, malamang! Ikaw ang tumatayo niyang tatay ngayon, so anong gusto mong maging reaksyon ko diyan sa mga sinasabi mo?! Matuwa? Tumawa ng malakas? Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Paulo! At hindi natin alam kung anong madadala ng emotions niya ngayon sa sarili niya! Hindi mo ba naisip ‘yon?!” Tumayo na lang ulit si Roberto at humarap mismo sa’kin.

Roberto: *Sigh* “Mahal ko ang anak mo, syempre. Hindi ko maiiwasang magalala para sa kanya, Theresa. Pero susubukan kong tawagan at hanapin siya ngayon.” I feel like, I want to explode because of these problems right away. Gusto kong magwala ngayon sa harapan ni Roberto, pero nagtitimpi lang ako. “At tama ka… We need to talk to him.” Calm down lang niyang sinabi.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon