Chapter 11.

926 22 2
                                    

PATRICIA’S POV.

 

 

 

 

 

Good morning! Hayahay. Maganda ang gising ko ngayon, at mukhang maganda rin ang ngiti sa’kin ng araw. Pakiramdam ko nagsasayawan yung mga puno at halaman sa paligid ko, nagkakantahan yung mga ibon, nakangiti yung sinag ng araw.

Hanggang sa maalala ko na nga yung eksena kagabi…

FLASHBACK...

 

 

Paulo: “Oh, tapos ka na umiyak?” Tanong niya sa’kin habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ko. Bigla kong pinunas-punasan ‘yung mga natitirang luha sa mata ko gamit ‘yung kamay ko.

 

Me: “T-Tapos na. Hehe.” Nagpilit na lang ako ng ngiti para hindi na siya magtanong ulit.

 

Paulo: “Psh. Patricia, hindi bagay sa’yo ang iyakin. Mahilig ka ngang mambully sa’kin, ikaw pa ‘tong iiyak ng ganyan?” Nag- smirk siya. Medyo natawa ako sa sinabi niya. Hindi rin ako makatingin sa kanya ng diretso kasi umiyak ako mismo ng ganito, at SA KANYA PA!

 

Patuloy pa rin ako sa pagpunas-punas sa luha ko. May tira-tira pa kasing luha e. Tama nga si Paulo, tears of joy nga ‘to.

 

Paulo: “I understand what you’re crying of.” Bigla niyang hinawakan yung magkabilang side ng mukha ko gamit ang palad niya para makatingin ako ng diretso sa kanya. “Tama na yan. Baka magbaha ng ‘di oras dito.” Bigla niyang pinunasan yung luha ko. Lalo tuloy ako nahiya.

 

Me: “Uh… hehe… pasensya na kung nagdrama ako ha?” Ngumiti na talaga ako para sa kanya. “Alam ko bukas, aasarin mo na naman ako na iyakin ako.”

 

Paulo: “Buti alam mo.” Bigla siyang napatawa. Siya nga ‘tong bully e! “Pero, joke lang. Super naiintindihan kita, and I’m very thankful kasi napasaya kita ng ganito. Tama?” Nag nod lang ako bilang sagot. Nakahawak pa din siya sa mukha ko.

 

Naisipan niyang ihatid ako hanggang sa may fence lang na daan papunta sa kubo namin. Bilang pasasalamat na din sa lahat, niyakap ko siya at nagpaalam na ko. Pero, biglang humangin ng malakas. Yung malamig na hangin. Di ba nga, umulan kanina ng malakas pero tumigil din agad?

 

Me: “Wuuu! Ano ba ‘yon?! Ang lamig na. Sige na. Baka mahamugan pa tayo pareho. Ba-bye na talaga!” Smile ko sa kanya na may kasamang kaway.

 

Paulo: “Oo nga e.” Sagot niya habang hinihimas pa niya yung mga braso niya dahil sa lamig. “Goodnight.” Binigyan niya ko nung pamatay niyang smile.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon