Chapter 15.

726 16 1
                                    

Tadtad ng bagong UD's noh? Pinaghandaan ko yan. :D

BASAAA!

-----------------------------

PATRICIA’S POV.

 

 

 

 

 

Pag gising ko, naabutan kong kumakain na ng almusal sina Nanay at Tatay at mukhang patapos na.

Me: “Magandang umaga po Nay, Tay.”

 

Tatay Lito: “Magandang umaga, Patring. Oh, hali na’t mag almusal ka na dito. Tapos na rin kami ng Nanay mo kumain.” Ngumiti lang ako at nag nod sa sinabi ni Tatay.

Nanay Pearl: “Mag mumog ka muna bago ka kumain. Tuwang tuwa pa yang mga bacteria sap anis mong laway.” Sabay natawa si Nanay.

Me: “Hala, Nay? Magmumumog naman talaga muna ako noh.” Tumawa ako ng matipid habang nagkukusot pa ng mata ko at pumunta na ko sa may lababo.

Tatay: “Sige na. Mauna na ko sa taniman Pearl at Patring.”

 

Nanay: “Sige, at maghuhugas muna ako ng mga pinagkainan bago ako pumuntang manukan.”

 

Me: “Hmmm. Hm hmmmmm hmmmm.” Sabi ko habang nagmumumog sabay luwa ng tubig. “Pwe! Ay, Nanay ako na pong maghuhugas ng mga yan. Sumabay ka na kay Tatay.” Paglilinaw ko kay Nanay Pearl habang nagpupunas ng bibig at mukha.

Nanay: “Oh, sige anak. Para makapasok ka na rin maya-maya sa mansion.”

 

Tatay: “Hali ka na, Pearl. Patring ha? Ikaw na munang bahala diyan.” Sabi ni Tatay habang palabas na ng pintuan at kasunod si Nanay.

Me: “Oho, Tatay! Sige po Nay!” Ngumiti na lang ako at tuluyan na silang umalis dalawa. Sinimulan ko naman na ang mga dapat kong gawin para makapasok na rin ako ng maaga sa mansion.

-------------------------------------

Papunta ako ngayon sa malawak na lupain para makalanghap muna ng morning fresh air at masinagan ng morning sun na hindi nakakasunog ng balat. Habang naglalakad na ko, may dalawa akong tao na natatanaw mula sa malayo at mukhang nagtatawanan sila. Nang mamataan ko na kung sino yung dalawang yun, si Lorraine at Paulo pala na mukhang masayang nagkekwentuhan at nagpipicture-picture sila habang nakaupo sa isang puno na pinutol na. Humugot na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga dahil sa biglaang mabigat ko na namang naramdaman. Napatingin na lang ako sa ibaba at dahan-dahang lumingon patalikod para lumakad na lang papuntang mansion.

Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED  √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon