Getaway

6K 120 1
                                    

"The hardest part is waking up in the morning,remembering what you were trying to forget last night."

Nag-impake na si Prince para sa kanilang outing. Tumunog ang phone niya kaya agad niya itong kinuha at sinagot.

"Hello,Harriet?" Sabi ni Prince.

"Babe? Are ready? I'm so excited already! Sunduin mo ako dito sa bahay ah?"

"Yeah,sure. I'll be on my way. See you. Bye." Sabi ni Prince sabay baba ng phone niya.

Mabuti na siguro toh. Para naman makalimutan ko kahit papaano si Angel. He thought and continued packing his bag.

Pagkatapos niyang mag-impake ay agad siyang nagmaneho papunta kina Harriet upang sunduin ito. Pagkadating niya ay agad siyang pumasok at binati ang mga katulog.

"Manang,nasan na po ba si Harriet?" Sabi ni Prince.

"Nasa taas pa po,sir. Mukhang naghahanda pa po sa kanyang mga gamit."

"Ahh sige po. Salamat."

Umupo nalang si Prince sa sofa at hinintay si Harriet.

"Hijo! Kamusta ang gwapo kong pamangkin? Sabi ng mommy ni Harriet o ang tita niya na si Cathy Alquizar.

"Mabuti naman ho ako,tita." Sabi ni Prince sabay beso sa tita niya.

"Kakauwi ko lang galing sa Cebu. Hintayin mo lang sandali si Harriet,ah?"

Tumango lang si Prince at ngumiti. Umupo naman si Mrs. Alquizar sa sofa.

"Kamusta nanga po pala kayo,tita?" Sabi ni Prince.

"Still mourning for the death of my husband. Kahit 2 taon na ang lumipas, di parin ako maka-move on sa nangyari."

Tumango lang si Prince at tumingin sa picture frame na nasa gilid niya. It's their family picture.

"By the way, nasan naba si kuya?" Sabi ni Mrs. Alquizar.

"Nandun lang po sa bahay. Dinala niya ata lahat ng trabaho sa bahay. He didn't want to go out."

"Ganun ba? May sakit ba siya?"

"Di ko rin po alam. Di po siya nag-kwekwento eh."

Ilang sandali lang ay bumaba na si Harriet dala-dala ang mga bag niya. Nagpaalam na sila at agad namang namaneho si Prince sa location ng outing nila.

"On the way na daw sila." Harriet said.

Tumango lang si Prince at seryosong nagmamaneho.

"I feel that this outing will be fun! Maganda daw yung resort na napili ni Jake eh. I'm so excited."

Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Prince. 3 oras rin ang binyahe nila hanggang sa makarating na sila sa kanilang destinasyon. Sakto lang ang dating nila dahil kakarating rin pala nina Shiena at Fiona.

"Girls!" Sabi ni Harriet sabay beso kina Shiena at Fiona.

"You look super hot,Harriet. Ang swerte ni Prince saiyo." Sabi ni Fiona

"Haha! I know right! Well, nasan naba si Jake?" Sabi ni Harriet.

"Malapit na daw siya. May dinaanan lang daw kasi siya." Sabi ni Shiena.

Tumango lang si Harriet at masaya silang kumukuha ng litrato.

"Ang ganda naman dito! I'm so gonna love this outing!" Sabi ni Harriet.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon