Sanctuary

4.4K 81 0
                                    

"God promises to make something good out of the storms that bring devastation to your life."

"Ano?! Paano tayo makakauwi niyan? Magga-gabi na oh." Sabi ni Angel.

"Meron namang malapit na mga bahay dito. Maglakad nalang tayo hanggang sa makakita tayo ng bahay."

"Meron kabang dalang cellphone? Tumawag kanalang at humingi ng tulong."

"Walang signal dito e. At isa pa, sino ang tatawagan ko? Si daddy? Si Harriet?"

"Ano'ng masama dun?"

"Nothing. Basta ayoko."

Walang nagawa si Angel kaya bumaba nalang siya at nagsimula na silang maglakad. Mga ilang oras narin silang naglalakad nang makakita sila ng isang bahay.

"Sa wakas." Bulong ni Angel sa sarili.

Kumatok sila sa naturang bahay at umaasang papapatuluyin sila. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan ng bahay.

"Ano hong kailan nila?" Sabi ng isang babaeng nasa sing kwenta na ang edad.

"Ahh, manang? Pwede po ba kaming makituloy kahit ngayong gabi man lang? Naobusan ho kase kami ng gas. Wag kayong mag-aalala, bukas na bukas ay pupunta ako ng bayan para bumili ng gas para agad kaming makauwi." Sabi ni Prince.

"Lola? Sino po'ng nandyan?" Sabi nung isang bata habang nakayakap sa beywang ng babae.

"Mga bisita,apo. Tuloy kayo."

Nakahinga sila nang maluwag at agad na pumasok sa bahay ng ale.

"Lola! Tingnan mo po! Ang kalat ni Jun!" Sabi nung isang batang babae.

"Jun, makinig ka sa ate mo. Wag kayong magulo dahil may bisita tayo."

"La? Sino po sila? Sila po ba ang mga magulang namin?" Sabi nung batang lalaki.

"Ay hindi, Jun. Mga bisita lang natin." Paglilinaw ng ale.

"Ako pala si Theresita. Mga apo ko ang mga 'to. Iyon si Jun.." Sabay turo dun sa batang lalaking nasa pitong taong gulang na at nakaupo sa hapag. "..at si Joy." Sabay turo sa babaeng pinaka-ate sa mga bata at nasa sampung taong gulang na."..At itong isa naman ay si Jr. Siya ang pinaka-bunso sa kanilang tatlo." Sabay himas sa ulo kay Jr na nakayakap sa beywang ni Aling Theresita.

Agad na ngumiti ng malapad si Angel at lumuhod upang mas lumapit kay Jr.

"Hi, Jr. Ako pala si ate Angel mo. Halika rito. Wag kang matakot sa akin." Nakangiting sabi ni Angel sabay alok ng yakap.

Napatago pa sa likod ni Aling Theresita si Jr. at tila nahihiya at naiilang pa kay Angel.

"Sige na. Mabait naman si ate Angel. Di kita sasaktan. Wag kang matakot."

Dahan-dahan namang lumapit si Jr. at agad na niyakap si Angel. Kinarga niya ang bata at tila nanggigil pa rito.

"Ang cute mo naman." Sabi ni Angel sabay pisil ng mahina sa pisngi ni Jr.

Palihim na napangiti si Prince sa ginawa ni Angel. Di niya maiwasan ang humanga sa kabaitan at kawilihan ni Angel sa mga bata.

"Salamat po talaga sa pagpapa-tuloy ninyo sa amin ni, Angel. Ako po pala si Prince."

"Walang anuman. Bukas ang bahay ko para sa mga nangangailangan ng tulong."

"Ang bait niyo talaga, Aling Theresita. Salamat po ulit." Sabi ni Prince sabay sulyap kay Angel na karga parin si Jr. habang nakikipag-usap kina Jun at Joy.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon