Sacrifices Needed To Make

3.6K 66 2
                                    

"That's what you do for someone you love, you risk what you feel for whatever they need"

Biglang namutla si Angel sa mga sinabi ni Prince. Nalilito siya sa kanyang gagawin. Kung iiwan niya ito ay alam niyang masasaktan ito ng husto. Pero kung mananatili naman siya sa piling ni Prince, papatayin si Prince ng mga taong pumaslang kay Mr. King Constiago.

"Angel? Are you alright? Parang wala ka ata sa sarili mo." Sabi ni Prince na puno ng pag-aalala sa boses niya.

"I just-I need to go home."

"Ihahatid na kita-"

"No! I mean, I'm good. Kaya ko na ang sarili ko. Thank you, Prince."

Angel ran to the parking lot and left Prince. She drove back to her condo unit and locked the door shut. She gaped in surprise seeing her furnitures dismantled.

"Oh my God.." Bulong niya sa sarili.

Nanginginig siya sa takot habang pinupulot ang mga litrato ni Prince na may markang malaking "X". May nakita pa siyang isang papel na nakadikit sa pader. Agad niya itong kinuha at binasa,"Leave him or he'll be gone forever."

"Ano ba ang gusto niyo?!" Napasigaw nalang si Angel at napasandal sa pader.

Napaupo nalang siya sa sahig habang humahagulhol sa pag-iyak. 'Di niya alam ang gagawin. Alam niyang kailangangan niyang mamili.

"I love you, Prince. I hope you'll forgive me for what I'm going to do."

Kinabukasan ay maagang pumunta si Angel sa opisina. Narinig niya ang boses ni Prince na tumatawag sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglakad patungo sa kanyang opisina. Agad niyang kinuha ang mga mahahalagang dokumento sa lamesa niya at inilagay sa isang maliit na kahon.

"Angel! Open this door, please! Let's talk! What's going on?" Sabi ni Prince habang kumakatok sa pinto ng kanyang opisina.

'Di ito pinansin ni Angel at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. Nang matapos ay kinarga niya ang kahon at huminga muna ng malalim bago buksan ang pinto. Alam niyang hindi niya makakayanan ang saktan si Prince. Kailangan niyang tibayan ang loob at isiping ikabubuti ito ni Prince.

"Angel, please!" Sigaw ni Prince.

Binuksan ni Angel ang pinto at tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Prince.

"What's that? Where are you going? Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko?" Sabi ni Prince.

'Di siya sinagot ni Angel at sa halip ay naglakad patungo sa elevator. Agad naman siyang hinabol ni Prince at hinarangan.

"Why are you doing this? Angel naman! Ano'ng nangyayari?"

Nakatingin lang sa ibang direksyon si Angel at tila iniiwasan ang mga tingin ni Prince.

"Angel, please. Please don't do this to me."

"Excuse me. I need to go." Sabi ni Angel habang nagpatuloy sa paglakad sa elevator.

Agad siyang sumakay sa elevator at sinara ang pinto nito. Agad namang napigilan ni Prince ang pagsara ng elevator kaya nakapasok siya. Sinara niya ang elevator at pinindot ang "stop" button upang pahintuin ang elevator.

"Please, Angel, mag-usap naman tayo ng maayos. Why are you acting this way?" Sabi ni Prince.

Hindi umimik si Angel at siya'y nakatingin pa rin sa malayo. Kinuha ni Prince ang dala-dala niyang kahon at inilapag sa sahig.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon