"Good things come to those who wait."
Si Angel ay nasa condo niya ngayon. Pagkatapos ng ilang araw na pagbabantay sa kanyang ina ay umuwi muna siya upang magpahinga. Kakagising niya palang at kakaligo. Nakatapis siyang lumabas sa banyo at inasikaso ang niluluto. Habang hinahain ang mga pagkain sa lamesa ay may nag-doorbell kaya agad siyang pumunta sa pintuan at tiningnan muna kung sino ang nasa labas. Agad siyang napangiti nang makitang si Prince ang lalaking nakapamulsa at nakangiti. Agad niya itong pinagbuksan ng pinto.
"Prince! How's your--"
'Di pa man natatapos magsalita si Angel ay agad na lumapit si Prince sakanya at sinunggaban siya ng halik. Halos mawalan siya ng hininga sa ginawa ni Prince.
"--day. How's your day?" Angel said while still catching her breath.
Agad napangisi si Prince nang makita si Angel na nakatapis lang. Sinamaan naman siya nang tingin ni Angel sabay ayos ng kanyang tuwalya.
"I'm feeling much better now. I couldn't sleep last night thinking that it would be better if I sleep next to you."
"Well, good luck with that. Teka, kumain ka na ba?"
"Hindi pa nga e. Gutom na gutom na nga ako. Baka nga, kainin na kita."
Natatawang inirapan siya ni Angel sabay tungo sa kusina. Bahagyang napatawa si Prince at sumunod kay Angel. Nagtungo sa may kalan si Angel at tinapos ang natitirang niluluto.
"Mukhang ang sarap ah?" Sabi ni Prince sabay tayo.
"Syempre! Ako ang nagluto eh."
Bigla nalang napasinghap at halos mapatili si Angel nang bigla siyang niyakap ni Prince mula sa likod.
"I'm not talking about the food. I'm talking about who's cooking it." Prince said with a smirk.
Humarap naman si Angel sakanya at sinuklian ang ngiti niya. Unti-unti namang inilapit ni Prince ang mukha niya kay Angel. Bago paman magdikit ang kanilang mga labi ay agad na sinabuan ni Angel si Prince ng hotdog.
"Gutom lang 'yan." Natatawang sabi ni Angel sabay upo sa lamesa dala ang platong may lamang mga hotdog at bacon.
Natatawa namang sumunod si Prince at umupo sa tabi ni Angel.
"Why are you smiling all the time? Anong meron?" Sabi ni Angel."Ikaw. Tayo. That's enough reason for me to be happy." Sabi ni Prince sabay hawak sa kamay ni Angel na nakapatong sa lamesa.
Pagkatapos nilang kumain ay nagbihis muna si Angel.
"Hindi mo ba ako isasama?" Sabi ni Prince.
Natatawang umirap si Angel sabay pasok sa dressing room niya. Paglabas ni Angel ay napatili siya nang buhatin siya ni Prince at ipinatong sa kama. Agad na pumatong si Prince kay Angel at ngumisi.
"Prince, get off me! Isa!" Natatawang sabi ni Angel.
"Nope."
"Dalawa!"
"Pilitin mo muna ako."
"Prince!"
"What?"
Agad na nagpumiglas si Angel para makawala sa mahigpit na pagkakahawak ni Prince sa kanyang magkabilang pulso. Pero wala siyang laban at nawalan na siya ng lakas sa kakatawa.
"Bakit ba? I like your view." Sabi ni Prince.
"Prince, tatlo!"
Ngumisi lang si Prince sabay paulan ng mga halik sa leeg ni Angel na siya namang ikinatawa niya.
"Prince! Tama na! Nakikiliti ako! 'Wag nga!" Sabi ni Angel na halos 'di makahinga sa kakatawa.
Nagpumiglas lang si Angel hanggang sa makahanap siya ng tyempo upang patumbahin si Prince. Agad namang napahiga si Prince at ngayo'y si Angel na ang nakapatong sakanya.
"Papatayin mo ba ako?" Sabi ni Angel habang hinihingal parin.
Tumawa lang si Prince at napailing. Halos 'di rin siya makahinga sa kakatawa. Humiga nalang si Angel sa tabi ni Prince habang pareho nilang hinahabol ang kanilang mga hininga.
"Sana lagi lang tayong ganito. Masaya, walang problema at matatag." Sabi ni Prince.
Humiga si Angel sa dibdib ni Prince at ngumiti. Hinalikan naman siya ni Prince sa noo.
"Just like they say it in a song, together we will stay, like a pyramid." Nakangiting sabi ni Angel.
"You don't know how happy I am right now, Angel."
"Likewise. So ano? Tara na? Baka walang kasama si mama sa ospital."
Tumango naman si Prince at agad na tumayo. Pumunta na sila ng parking lot at nagtungo na sa ospital. Dahan-dahan silang pumasok sa kwarto ng mama ni Angel upang hindi ito maistorbo kung sakaling natutulog pa ito.
"Anak?" Angel's mom uttered.
"Ma? Gising na po pala kayo." Angel said and kissed her mom on the forehead.
"Magandang araw po, Mrs. dela Bueva." Sabi ni Prince sabay mano.
"Mama nalang din ang itawag mo sa 'kin, hijo." Nakangiting tugon ng mama ni Angel.
"Salamat po, mama."
"Kung gano'y kailan ang kasal?"
Napaubo naman sina Angel at Prince sa sinabi ng mama ni Angel.
"Ma, agad-agad talaga?"
"Bakit? Saan pa ba patungo 'yan? Eh 'di ba sa simabahan pa rin?"
Bahagya naman silang napatawa at napailing.
"Sige na po. Baka gutom lang 'yan." Sabi ni Angel sabay kuha ng orange at binalatan ito.
"Hijo? Bigla ka atang natulala? Ano ang nangyari?" Angel's mom said.
"Wala naman po. Na-miss ko lang bigla si mom. Matagal na po kasi siyang kinuha ng Maykapal. Sana nandito siya para makita niya ang magiging pamilya ko." Prince replied.
"Alam mo, hindi naman nawala ang ina mo. Lumapit ka." Angel's mom said.
Prince walked towards her and sat right next to her.
"Nandyan lang siya parati sa puso mo..." Angel's mom said while pointing Prince chest. "...at parating buhay dyan sa isip mo." She said and pointed his forehead.
Napangiti naman si Prince sa sinabi ng ina ni Angel. Napangiti rin si Angel habang pinagmamasdan ang dalawang nilalang na matagal niyang pinagkaitan ng pagmamahal.
"Hugot ni mama oh! Ang lalim!" Natatawang sabi ni Angel sabay subo ng orange sa mama niya.
Napatawa nalang silang tatlo at nagpatuloy sa kanilang pag-uusap.
"Ma, aalis lang po sana ako saglit." Sabi ni Angel.
"Saan ka ba pupunta?"
"May nakalimutan lang po ako sa opisina. It's kinda important at ngayon ko lang naalala. But I promise that I'll be back the soonest." Sabay ni Angel sabay halik sa noo ng ina.
Bago tuluyang umalis ay niyakap niya muna si Prince. Agad namang pumunta si Angel sa kanilang opisina.
"Good afternoon po, ma'am." Sabi nung dalawang dalagang nakasalubong ni Angel sa elevator.
Ngumiti at tumango naman si Angel bilang tugon. Agad siyang nagtungo sa kanyang opisina at may kinuhang mga papeles at agad din naman siya lumabas. Patungo na sana siya sa elevator nang may makita siyang nakaitim na lalaki na galing sa meeting hall at agad na tumakbo papunta sa emergency exit ng building. Agad kinutuban si Angel sa nakita.
"Who's that person?" Bulong ni Angel sa sarili.
Her heart began to palpitate as she slowly walked to the hall. Gently, she turned the door knob and opened the door. Her eyes widened seeing Mr. Constiago on the floor- bathing with his own blood.
"Guard! Tulong!" Angel screamed while trying to wake Mr. Constiago.
BINABASA MO ANG
Innocent Seductress (COMPLETE)
RomanceShe was hurt. Yes. She was judged. Yes. Pain can change people and it also changed her. She was never perfect but she was perfectly imperfect. Society sucks. It's true. But how can this innocent angel keep up with a hell-like society? Can she learn...