Torn

3.6K 69 0
                                    

"You knew exactly what you had; you must thought you'd never lose it."

"Who did this to you?! Why?!" Sabi ni Prince habang humahagulhol sa pag-iyak.

Napaupo nalang siya sa sahig habang walang humpay sa pag-iyak. Bigla siyang nanghina at nawalan ng lakas. Sinuntok niya ang sahig hanggang sa magdugo ang kayang kamay. Agad naman siyang nilapitan ni Angel at niyakap.

"Stop it, Prince. 'Wag mong saktan ang sarili mo. Wala kang kasalanan." Sabi ni Angel habang yakap yakap si Prince at hinihimas ang ulo nito.

"Ito lang ang tanging alam ko para mabawasan ang sakit na nadarama ko sa puso ko."

"Prince, I'll always be here by your side no matter what. I will never leave you."

"Thank you, Angel. Well at least I still have you."

Dahan-dahan silang tumayo at muling pinagmasdan ang bangkay ni Mr. King Constiago. 'Di pa rin maiwasan ni Prince ang maiyak habang pinagmamasdan ang walang hiningang katawan ng kanyang ama.

"Dad, 'wag kang mag-aalala, I will give you justice. Ipapakulong ko ang sinumang gumawa neto sainyo. Pinapangako ko, ipaghihiganti ko kayo." Prince said and clenched his jaw and fists.

Pagkalipas ng ilang araw ay agad na inilibing si Mr. King Constiago. Marami ang nagdalamhati at nakiramay kina Prince. Hanggang sa staff ng kanilang kompanya o mapa-kliyente nila ay naroroon upang makiramay.

"We're sorry for your loss, Prince. Your father was a good man. I know you'll continue his legacy and I know he'll be proud of you." Sabi nung isang client ng kanilang kompanya.

Tumango nalang si Prince bilang tugon. Kasalukuyan siyang nakatayo at pinagmamasdan ang kabaong ng kanyang ama habang ibinababa ito sa ilalim ng libingan. Tumabi naman si Angel sakanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Goodbye, dad. I know that you and mom will watch me from up there." Sabi ni Prince sabay hagis sa puting rosas na hawak niya.

"Are you okay?" Sabi ni Angel.

"I will be okay. As long as you're here with me, everything will be okay." Sabi Prince sabay halik sa noo ni Angel.

"Kuya!! Why?? This can't be happening!"

Sabay silang napalingon nang marinig nila ang tinig ni Mrs. Cathy Alquizar, ang kapatid ni Mr. King Constiago.

"Kakamatay palang ng asawa ko tapos ngayon, ikaw pala ang susunod?! Kuya naman!" Dagdag pa niya habang humahagulhol sa pag-iyak.

"Mom, breathe." Sabi ni Harriet habang hinihimas ang likod ng ina.

Napailing nalang si Prince at nagpatuloy nalang sila sa paglakad patungo sa kanyang kotse.

Dahil sa wala na si Mr. King Constiago ay agad na pumalit si Prince sa puwesto ng kanyang ama sa kompanya. Nang makabalik na si Prince sa kompanya ay agad siyang sinalubong ng mga empleyado at binati.

"Welcome back po, Mr. Constiago." Sabi nung isang empleyado.

Wearing a black suit and tie, he headed towards the elevator and nodded all the employees who greeted and congratulated him. The elevator was about to close when it began to hault.

"Can I hop in?" Nakangiting sabi ni Angel.

Ngumiti naman si Prince at hinila ang kamay ni Angel papasok sa elevator.

"Welcome back, Mr. Prince Constiago." Sabi ni Angel.

"Thanks."

"Are you feeling much better now?"

"I really don't know. I still miss dad's presence even though we're not really in good terms simula nung pinilit niya aking ipakasal sa pinsan ko sa ibang bansa."

"Tradition ba talaga ng family ninyo 'yon?"

Tumango naman si Prince bilang tugon. Si Angel naman ay 'di pa rin makapaniwala.

"I gotta go to my office. Okay ka lang ba mag-isa?" Sabi ni Prince.

"Yeah. I'll be alright. Thank you."

Nagtungo na nga sila sa kanilang mga opisina. Si Angel ay 'di pa rin mapakali at tila takot pa rin sa nangyaring pagpaslang sa ama ni Prince. Palaisipan pa rin kung sino at kung ano ang balak nung taong pumatay kay Mr. Constiago.

"Kaya mo 'to, Angel." Bulong ni Angel sa sarili.

Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Nung kumalma siya ay binuksan niya ang drawer at laking gulat niya nang may makita siyang isang brown envelope na may malaking nakasulat na, "For Angel's eyes only". Dahan-dahan niya itong kinuha at napakunot ang kanyang noo.

"Ano kaya ang laman nito?" Bulong niya sa sarili habang unti-unting binubuksan ang brown envelope.

Agad niyang kinuha ang mga laman ng brown envelope at laking gulat niya nang makita ang mga larawan niya na papasok sa condo niya, papasok siya sa opisina, papalabas ng kotse, magkayakap sila ni Prince, papasok sila ni Prince sa isang restaurant at marami pa. Halatang binabantayan lahat ng kilos nila. Agad na kinabahan si Angel sa mga nakitang mga larawan. May nakita pa siyang isang larawan ni Prince sa loob ng brown envelope at ito'y may sulat sa likod kaya agad niya itong binasa.

"Stay away from Prince Constiago or we'll kill the both of you. Don't tell anyone about this or we'll have to kill you the soonest." Usal ni Angel sabay kuha sa isang picture na natitira sa envelope.

Napatakip nalang siya sa kanyang bibig sa sobrang takot sa nakita. Isa iyong larawan sa bangkay ni Mr. King Constiago na nakahandusay sa sahig ng opisina at duguan. May nakamarka ring "check" sa larawan at ang susunod na puntirya ay si Prince.

"Oh my God.." Sabi ni Angel sabay kuha sa lahat ng larawan at agad niya itong ibinalik sa brown envelope.

Pinigil niya ang kanyang mga luha at lumabas siya ng opisina at pumunta sa labas ng building. Kumuha siya ng lighter at sinunog ang dala-dalang envelope. Habang pinapanood ang pagkasunog ng envelope ay unti-unting bumuhos ang kanyang mga luha.

"Ano ang gagawin ko?" Bulong ni Angel sa sarili.

Napasinghap nalang siya nang may biglang kumalabit sa kanya. Agad siyang napalingon at napahinga ng maluwag nang makita si Prince.

"What's wrong?" Sabi ni Prince.

Hindi niya sinagot si Prince at sa halip ay niyakap niya ito ng mahigpit.

"I love you." Bulong ni Angel habang patuloy sa pag-iyak.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Please tell me."

"Oh how I wish I could."

"Why?"

"Tandaan mo lang 'to, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita."

"I know, Angel. I know you'll never leave me. Just like what you've said, you'll be with me til' the end of this fight. Kaya 'wag ka nang umiyak, nandito lang ako. I love you so much." Sabi ni Prince sabay halik sa noo ni Angel.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon