"Do not let your sadness of your past and the fear of your future ruin the happiness of your present."
Kinabukasan, naglakad si Angel papunta sa hapag-kainan at nadatnan ang ama at ina na nag-uusap. Napairap nalang siya at umupo nalamang at hinintay ang mga nilutong pagkain ng kanilang kusinero.
"Good morning, dad." Bati ni Angel sa ama.
"Good morning din,hija. Di mo ba babatiin ang mama mo?"
Di lang umimik si Angel. Di parin siya makapaniwala sa ginawa ng kanyang ina. Di niya lubos maisip ang dahilan kung bakit inilayo siya nito sa kanyang sariling ama.
"Okay lang,Rafael. Salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Aalis narin ako sa susunod na araw. Kontento na akong malaman na mabuti ang lagay ng anak ko, anak natin."
"Pwede ka namang--"
"Mabuti naman kung sa ganun." Putol ni Angel sa pagsasalita ng kanyang ama. "Maganda naman at aalis na kayo"
"Angel--"
"Okay lang,Rafael. Naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan, anak. Sorry sa lahat ng ginawa ko saiyo. Di ko sinasadya ang lahat ng iyon." Sabi ng mama ni Angel.
"Magkaliwanagan nga tayo dito. Bakit di niyo pinakilala sa akin ang tunay kong ama? Bakit mo ako inilayo sakanya?" Sabi ni Angel.
"Pupunta nun ng Amerika ang ama mo. Ayaw ako ng lola mo kaya balak ka niyang isama dun sa ibang bansa. Mahal na mahal kita kaya di ko kayang ibigay ka sa lola mo. Itinakas kita at pinalaki malayo sa kanila." Mangiyak-ngiyak na sabi ng mama ni Angel.
"Mahal? Yun ba ang tawag mo sa pagmamahal? Grabe! Alam mo? Sana di mo nalang ako itinakas! Mas naging mabuti pa sana ang lagay ko sa piling ni daddy!"
Angel! Wag mong sabihin iyan sa mama mo!" Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Patawad, anak. Hinintay ko naman ang ama mo. Nangako siya sa akin na babalik siya pero ilang taon na ang lumipas kaya nagalit ako. Buong akala ko ay pinutol na niya ang pangako niya. Naghanap ako ng iba at di naging mabuti saiyo,oo. Pero pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon. Nasaktan lang ako kaya di ko namamalayang napapalayo na ang kalooban mo."
Napailing nalang si Angel. Di siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. Kahit anong gawin niya, di niya parin matanggap ang mga ginawa ng mama niya. Tumayo nalang siya at naglakad papunta sa kwarto niya.
"Wala na akong gana!" Sabi ni Angel bago umakyat sa hagdan at nagkulong sa kwarto niya.
Gusto niyang ikalma ang sarili. Sobra na siyang naguguluhan sa nangyayari. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa kanyang mga natuklasan.
"Anak?" Sabi ng kanyang ama habang kumakatok.
"Yes,dad? I want to be alone."
"I brought some food. I know you're hungry. C'mon, let me in."
Tumayo si Angel sa pagkakahiga sa kama at binuksan ang pinto. Nginitian siya ng ama na may dalang tray.
"Breakfast in bed,huh?" Sabi ng ama habang inilalatag ang tray sa bed side table.
Napangiti nalang si Angel sa ginawa ng ama at umupo ng maayos sa kama.
"Thanks,dad. You're the best."
"You know, Angel? I can't blame you on how you treat your mother, but I think you should give her a chance."
"Dad, if only you knew how cruel she was. It's really hard for me to forget all of those."
"I know and I understand. I hope you'll forgive her someday. She's still your mother and I can see and feel that she really loves you and she's already regretting the things she have done to you."
"Sorry, dad pero di ko alam kung mapapatawad ko paba siya."
"Alam mo? Nagkita kami ng mama mo di dahil sa hinanap niya ako. Nagkita kami dahil nakita ko siya sa daan habang nagmamaneho ako at nahimatay siya. Simula daw nung naglaho ka, walang araw na di ka hinanap ng mama mo. Anak, sana ma-realize mo na dapat kalimutan mo na ang nakaraan. Ang mas importante ay ang ngayon. Life is short and don't waste it on keeping grudges towards people. I hope you'll realize it someday." His father said before leaving the room.
Nagpatuloy lang sa pagkain si Angel. Mahirap parin sakanya ang pinapagawa ng ama niya, ang magpatawad.
Ganun,ganun nalang ba yun? Ilang taon rin naman akong nagtiis,ah? Sorry, dad pero mahihirapan ako sa hiling niyo. She thought while finishing her food.
Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagbihis. Agad siyang bumaba at dumiretso sa kotse niya. Nadatnan niya ang ama na nasa may gate.
"Dad, dun na muna ako sa condo ko. Ano ho pala ang ginagawa niyo dito?" Sabi ni Angel.
"Si mama mo...Pinili niya ang umalis."
Walang reaksiyon si Angel. Di niya alam kung malulungkot ba siya, maaawa o matutuwa. Nagpaalam nalang ulit siya sa ama at sumakay sa kotse at nagmaneho. Sa may gate ng village nila ay nakita niya ang ina niya na naglalakad sa tapat ng araw. May kumirot sa puso niya na para bang ibinubulong sakanya na huminto siya at pasakayin ang ina.
Mahigpit niyang hinawakan ang manibela at pinatakbo ng madahan ang kotse. Binaba niya ang bintana ng kotse at nang magtama ang mga mata nila, ang bulong ng kanyang puso ay napalitan ng sigaw ng kanyang damdamin. Bigla niyang naalala ang mga ginawa ng ina sakanya kaya agad niyang sinara ang bintana ng kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho.
No,Angel. No way! She thought and continued driving. She had no idea where she was going. Until she realized where her car brought her.
Bumaba siya sa kotse niya at pinagmasdan ang isang sunog na bahay. Napakuyom ang kanyang mga palad nang maalala ang nakaraan. Ibang-iba na ang itsura nito kesa sa dati,pero malinaw parin sa puso at isip niya ang mga naganap dito. Bumili siya ng kandila at posporo sa may tindahan at nagsindi sa tapat ng luma nilang bahay na ngayon ay mga pader nalang ang nakatayo at napapaligiran ng basura at mga halaman.
Angel, wag na wag kanang mag-aalala. Hinding-hindi kana ulit masasaktan at maaapi pa. Ibang Angel na ang nakatayo ngayon. Tulad ng mga pader na iyan, hinding-hindi nila ako magagapi. Maghintay lang sila. She thought as she watched the flame from the candle.
BINABASA MO ANG
Innocent Seductress (COMPLETE)
RomanceShe was hurt. Yes. She was judged. Yes. Pain can change people and it also changed her. She was never perfect but she was perfectly imperfect. Society sucks. It's true. But how can this innocent angel keep up with a hell-like society? Can she learn...