"If we wait until we're ready,we'll be waiting for the rest of our lives"
"Bakit po? Anong nangyari kay mama?"
"May tumawag sa akin at sabi niya na nasa ospital daw ang mama mo."
"What?! Baka naman prank lang iyan,dad? How could he get your number?"
"Binigyan ko si mama mo ng calling card ko. Angel, this isn't a joke."
"Bakit daw po? Ano bang sabi niya?"
"Natagpuan lang siyang naglalakad sa kalye nang bigla siyang himatayin."
Hindi alam ni Angel ang sasabihin o gagawin. 'Di niya alam kung malulungkot ba siya o ano.
"Tara na! Puntahan na natin ang mama mo." Sabi ni Mr. dela Bueva.
Agad silang nagtungo sa garahe at sumakay sa kotse. Habang papalapit sila sa ospital ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ni Angel.
"It's okay. I'm here for you." Bulong ni Prince sabay pisil sa kamay ni Angel.
Pinilit na ngumiti si Angel bilang tugon. Nang makarating ay agad silang bumaba at hinanap ang kwarto kung saan naka-confine ang mama ni Angel.
"Salamat sa pagdala mo sa asawa ko rito sa ospital,hijo." Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Wala pong anuman, sir. Mauna na po ako sainyo." Sabi nung binata sabay alis.
"Pumasok na tayo?" Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Sige po,dad, mauna nalang po muna kayo." Sabi ni Angel.
Agad din namang tumango ang kanyang ama at nagtungo sa loob. Hindi mapakali si Angel.
"Okay ka lang ba? Ayaw mo bang pumasok?" Sabi ni Prince na nakahawak parin si kamay niyang nanlalamig.
"I don't know, Prince. I'm... nervous. Parang nalilito pa ako."
"Don't worry,Angel, sasamahan kita."
"Thank you,Prince."
Ilang sandali palang ay lumabas si Mr. dela Bueva.
"Anak, hinahanap ka ng mama mo. Please, talk to her." Sabi ni Mr. dela Bueva.
Dahan-dahang lumapit si Angel papunta sa pintuan at huminga ng malalim.
"It's okay,Prince, I can take it from here." Sabi ni Angel.
Tumango lang si Prince at tiningnan nalamang si Angel habang unti-unting pumapasok sa silid. Puno ng kaba ang puso ni Angel at hindi siya makatingin sa higaan ng kanyang ina.
"Ma?" Sabi ni Angel.
Habang nasa gilid ng kama si Angel, lumingon ang kanyang ina at pinilit na ngumiti.
"Anak, Angel, s-salamat at nandito ka." Sabi ng ina niya na halos pabulong na.
Pinigilan ni Angel ang sarili na umiyak. Nangako na siya dati na kahit kailan ay hindi na siya iiyak.
"Ma.." Angel said with a cracked voice.
"Anak, patawad.."
At tuluyan nang bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Angel. Napaluhod siya sa tabi ng ina at umiyak ng umiyak. Hinawakan niya ang kamay ng ina at doon ibinaon ang kanyang mukha.
"Ma, 'wag na po kayong magsalita ng ganyan." Angel said between her tears.
Hinalikan ni Angel ang kamay ng ina at tumayo. Hinimas niya ang noo ng nanghihina niyang ina at hinalikan. Nakita rin niya ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ng kanyang ina habang siya ay tinititigan.
BINABASA MO ANG
Innocent Seductress (COMPLETE)
RomanceShe was hurt. Yes. She was judged. Yes. Pain can change people and it also changed her. She was never perfect but she was perfectly imperfect. Society sucks. It's true. But how can this innocent angel keep up with a hell-like society? Can she learn...