Revealed

4K 81 0
                                    

"Life is full of secrets and lies, so when you get screwed don't act surprised."

Nakaupo lang si Prince at inaalala ang pag-alis nila papuntang U.S. Nagdadalawang isip parin siya kung sasama ba siya o pupuntahan niya ang totoong mahal niya na si Angel.

"Prince?"

Napalingon si Prince nang maramdaman niya ang kamay ni Harriet na menamasahe ang kanyang balikat.

"Relax, babe." Sabi ni Harriet.

"Yeah. Thank you."

"What are you thinking? Ang lalim ata ng iniisip mo."

"I'm just meditating."

"Meditating, huh? Well, if you say so. By the way, excited kanaba sa wedding natin sa U.S? I have a lot of plans. It's going to be the most perfect wedding!"

Ngumiti nalang si Prince at hindi ipinahalata ang pagkalito niya sa nangyayari. Bigla niyang naalala si Angel.

Nasaan na kaya siya ngayon? I haven't seen her nor at the company. He thought.

The sound of his phone snapped him out of his thoughts. His eyebrows met seeing Angel's father calling him.

"Who is it, babe?" Sabi ni Harriet.

"It's just a client. I need to talk to him. Will you excuse me?" Sabi ni Prince sabay labas sa may pool at agad na sinagot ang tawag.

"Hello, Prince." Sabi ni Mr. dela Bueva sa kabilang linya.

"Oh, sir! Kamusta po? Kamusta po ang mama ni Angel?"

"Kakalabas niya palang sa ospital."

"Ganun po ba? Mabuti naman po kung ganoon. Bakit po pala kayo napatawag?"

"Ilang araw ko na kaseng tinatawagan si Angel pero hindi siya sumasagot."

"Ganun po ba? Hindi ko rin po alam kung nasaan si Angel e. Mga ilang araw na din kaming hindi nag-uusap."

"Talaga? Sa pagkakaalam ko ay hinahanap ka niya."

"Hinahanap po ako ni Angel? Teka, naalala ko lang po, nung isang araw kasi, tumawag siya sa akin at nung sinagot ko, hindi siya nagsasalita, boses ng lalaki at isang babae lang ang narinig ko."

"Wala kaya siya sa opisina?"

"Pupunta po ako, sir. 'Wag kayong mag-aalala, I will keep you updated."

"Sige, hijo. Maraming salamat. I'm just not used to this feeling na wala kaming communication."

"I know that feeling, sir. Sige po."

Ibinaba na ni Prince ang kanyang telepono at agad na nagbihis.

"Prince? Where are you going?" Sabi ni Harriet.

"May gagawin lang ako. It's very important, Harriet."

"But-"

Hindi na pinatuloy ni Prince ang sasabihin ni Harriet. Agad na siyang lumabas at sumakay sa kanyang kotse.

"Ano bang nangyari saiyo, Angel? Please stay safe." Usal ni Prince habang nagmamaneho papunta sa kanilang kompanya.

Nang makarating ay agad siyang sumakay sa elevator at nagtungo sa opisina ni Angel.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon