We'll Fight

4.2K 79 0
                                    

"If you don't fight for what you love, don't cry for what you lose."

"Prince!"

Nagising nalang si Prince nang makarinig siya ng isang boses na tumatawag sakanya. Dahan-dahan niyang inimulat ang kanyang mata. Napaungol nalang siya sa sakit ng kanyang batok. Hinimas niya ito upang mabawasan ang sakit.

"Prince!"

Inilakbay niya ang paningin hanggang sa makakita siya ng liwanag at may taong nakaupo. Nabuhay ang kanyang katawan nang mapagtantong si Angel ang taong 'yon.

"A-Angel!" Sabi ni Prince.

"Ano'ng ginagawa mo dito?! Sana sumama ka nalang kay Harriet."

"I couldn't! I'd rather die with you than to live without you, Angel."

"Sana'y mapatawad mo ako sa ginawa ko. Sorry kung sinaktan ko ang damdamin 'yon. Please understand that I only did that because I want you to be safe."

"I know, Angel. Thank you for all your sacrifices. Pero sana 'wag mo nang uulitin iyon. I'm going to die because of sadness and depression. Don't you ever leave me again."

"Sorry, Prince. 'Wag kang mag-aalala, kakayanin natin' to. Just hold on."

"I will. Okay kalang ba dyan?"

"Oo, Prince. I've never felt better. Makasama lang kita, magiging okay lang ang lahat."

Napangiti nalang si Prince at sinukluan din siya ng ngiti ni Angel. Pinilit ni Prince na makawala sa kadenang nakapulopot sa kanyang mga kamay. Sa sobrang pagpapapumiglas niya ay nagkasugat-sugat na ang kanyang mga kamay. Si Angel ay pinipilit ding makawala sa pagkakatali niya sa upuan.

"Oopss! Naistorbo ko ba kayo?"

Agad silang napalingon at nakita nila si Harriet sa may pintuan.

"Harriet.." Bulong ni Prince sa sarili.

"Having a good time?" Sabi ni Harriet.

"Walanghiya ka, Harriet! Pakawalan mo kami!" Sabi ni Angel.

"Am I that stupid enough? Ang tagal na naming hinintay 'to at ngayon, malapit na kaming magtagumpay."

Humalakhak si Harriet at dahan-dahang lumapit kay Prince. Hinila niya ang buhok ni Prince upang iharap ang mukha nito sakanya.

"Hello, my fiancée, are ready?" Sabi ni Harriet.

"I will never marry you, Harriet. I'd rather die!"

"Be careful of what you wish for, Prince. You might just get it."

"Paano mo 'to nagagawa? Ganyan na ba talaga ka sama ang ugali mo? You're disgusting, Harriet!" Angel blurted out.

Napakunot ang noo ni Harriet at napalingon kay Angel. Agad niya itong nilapitan at sinakal.

"Look who's sitting on this chair. Ako pa ngayon ang nakakadiri? Look at you, you're weak and a loser! You will never see the sunlight again!"

Mas lalong hinigpitan ni Harriet ang pagkakasakal niya kay Angel. Hindi na makahinga si Angel at nanghihina na.

"Stop it, Harriet! 'Wag mong saktan si Angel!" Sabi ni Prince.

Ngunit parang walang narinig si Harriet. Tila nagdidilim na ang kanyang paningin kay Angel.

"Harriet!"

Napatigil si Harriet at napalingon sa may pintuan. Nakita niya si Jake na nakatayo.

"You're gonna kill her. Calm down, Harriet. Kailangan pa natin siya." Sabi ni Jake sabay lapit kay Harriet.

Napaubo si Angel nang bitiwan ni Harriet ang kanyang leeg at napahingal. Huminga naman ng malalim si Harriet upang pakalmahin ang sarili.

"I will. I'm calm. I'm calm. I'm chill." Usal ni Harriet.

"That's right. Just keep calm." Sabi ni Jake sabay lapit kay Prince.

"Walanghiya ka,Jake!" Sabi ni Prince.

Napakunot ang noo ni Prince at sinamaan niya ng tingin si Jake. Yung tinging nagsasabing gusto niya itong gulpihin.

"Is that so, Prince?" Sabi ni Harriet sabay tabi kay Jake.

"Pakawalan niyo na kami! Ano paba ang kailangan niyo?" Sabi ni Prince.

"Are you forgetting something? Baka nakakalimutan mong engage na tayo. You don't want your father to be disappointed, right, Prince? Maraming tao rin ang excited para sa kasal natin. Ayaw mo naman sigurong maaksaya ang pagod nila sa pag-prepare ng kasal natin, hindi ba?"

"Hindi ako magpapakasal sa 'yo!"

"Talaga?" Sabi ni Harriet sabay senyas kay Jake.

Agad namang lumapit si Jake at sinuntok si Prince sa tyan. Napaluhod naman si Prince at napaubo nang ulitin ito ni Jake.

"Tama na! Please, tama na!" Sabi ni Angel.

"Teach him a lesson, Jake." Sabi ni Harriet.

Tumango naman si Jake at muling sinuntok si Prince at ngayo'y sa mukha na. Walang magawa si Angel kung hindi ang umiyak at magmakaawa.

"I w-will never marry you." Sabi ni Prince.

Muling binugbog ni Jake si Prince hanggang sa hindi na nito maimulat ang kanyang mga mata. Halos dumugo na ang mga kamao ni Jake sa kakasuntok kay Prince.

"Jake, 'wag! Nagmamakaawa ako! Huwag mo nang saktan si Prince, please!" Sabi ni Angel.

Napahingal si Jake at napalingon kay Angel. Napakunot naman ang noo ni Harriet.

"What are you doing? Sinabi ko bang tumigil ka? Don't you listen to her, Jake." Sabi ni Harriet.

Sumunod naman si Jake at muling ginulpi si Prince. Halos maglupasay na si Prince sa sahig at wala ng lakas.

"Prince!! Huwag niyo na siyang saktan! Pakiusap! Ako nalang, Jake! Ako nalang ang saktan niyo!" Sabi ni Angel sabay putol sa taling nakatali sakanyang katawan at mga kamay at agad na tumakbo papunta kay Prince.

Mahigpit niyang niyakap si Prince at hinimas ang noo nito. Napangiti naman si Prince at hinimas ang pisngi ni Angel.

"Angel.." Usal ni Prince.

"We'll fight 'till the end, Prince. Please, don't give up. Please."

Tumango naman si Prince at ngumiti. Hinalikan naman siya sa noo ni Angel at pinahiga ang ulo ni Prince sa kanyang hita.

"Very well. I don't want a dead husband either." Sabi ni Harriet sabay senyas kay Jake.

Humihingal si Jake habang lumalapit kay Harriet. Tumango naman si Harriet at ibinigay ang isang baril kay Jake.

"Go ahead." Sabi ni Harriet.

"H-huwag.." Ungol ni Prince.

Kinuha naman ni Jake ang baril at lumapit kay Angel. Tiningnan siya ng mga lumuluhang mga mata ni Angel.

"You have a choice, Jake. In this world, you need to do the lesser evil or the greater good." Sabi ni Angel.

Dahan-dahang itinutok ni Jake ang baril kay Angel. Napapikit nalang ang mga mata ni Angel.

"I can't." Sabi ni Jake sabay bitiw sa baril.

"What? You've got to be kidding me!"

"I can't do this, Harriet. I can't kill."

"Napatay mo na si tito King! Why can't you kill her this time?!"

"I never meant to do it! Aksidente ang nangyari!"

"If you can't kill her, then I will!" Sabi ni Harriet sabay kuha sa baril at itinutok ito kay Angel.

"Harriet, don't do this." Sabi ni Jake.

"Now, Prince, if you don't want this girl of yours die, you know what to say."

"Don't do it, Prince." Sabi ni Angel.

"One..Two..Thre-"

"Stop! G-gagawin ko na ang gusto mo,Harriet. I-I will marry you."

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon