Take Me Away

4.7K 93 4
                                    

"Sometimes you need to run away just to see who will come after you."

Maghapong nakahiga si Angel sa kama at di alam ang gagawin. Nagpasya siyang magpa-deliver ng pizza. Ilang minuto lang ay dumating na ang pinapa-deliver niya at agad niya itong kinain. Habang kumakain siya ay biglang may tumawag sakanya.

"Hello?" Sabi ni Angel habang nakahiga at kumakain ng pizza.

"Angel? May sakit kaba? Bakit hindi ka pumasok?" Sabi ni Prince.

"Ayoko lang. Bakit ba?"

"Wait, are you alone?"

"Tss. Kailan ba ako naging hindi?"

"Okay. Got to go." Sabi ni Prince sabay baba sa phone.

Napairap nalang si Angel habang nginunguya ang pizzang kinakain.

"May pagka bipolar din 'tong lalaking toh! Hay!" Sabi ni Angel sa sarili.

Susubo na sanang muli si Angel nang may biglang kumatok. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili bago binuksan ang pinto.

"Hey, Angel." Nakangiting bungad ni Jake.

"Jake? What are you doing here? Paano mo nalaman na--"

Bigla nalang pumasok si Jake at hinila ang beywang ni Angel.

"Jake? Ano ba?! Amoy alak ka,ah!"

"Just had a few shots,babe."

"Teka! Bitiwan mo nga ako." Sabi ni Angel sabay tanggal sa kamay ni Jake sa beywang niya.

Naglakad siya palayo ngunit niyakap siya ni Jake mula sa likod.

"I need you,babe."

"Jake,please. Get away!" Sabi ni Angel sabay kalas sa pagkakayakap.

Hindi paman nakakalakad ay bigla siya kinarga ni Jake at binagsak sa kama. Pumatong si Jake sakanya at hinawakan ang magkabilang braso niya.

"Ano ba,Jake!" Sabi ni Angel habang nagpupumiglas.

Bigla niyang naalala ang pang-aabuso na ginawa ng kanyang amain dati. Kahit anong pagpupumiglas at pagpapadyak niya ay di niya makaya ang lakas ni Jake. Gusto niya lang sumigaw at magwala.

"Shhh...C'mon,babe. I thought you love me?" Sabi ni Jake

"Umalis kana,Jake! Please!"

Gustong umiyak ni Angel ngunit pinipigilan niya ang sarili. Kahit anong pagpupumiglas niya ay 'di matinag si Jake. Papalapit ng papalapit ang mukha ni Jake at wala siyang magawa kun'di ang pumikit nalamang. Nang bigla niya nalang naramdaman na nawala ang katawan ni Jake sa ibabaw niya at nakarinig siya ng pagkabasag ng mga gamit. Agad siyang napaupo sa kama at nakita ang isang lalaking naka-leather jacket na nakapatong kay Jake at binubogbog ito. Nanginginig siya sa takot at niyakap ang kanyang mga tuhod. Pinagmasdan niya ng mabuti ang lalaki at nakitang si Prince pala iyon. Agad na tumayo si Prince at itinulak si Jake papalayo.

"Wag kang mangangahas na bumalik dito!" Sigaw ni Prince habang hinihingal parin at nanlilisik ang mga mata.

Nakatulala lang si Angel at nakatitig sa kawalan. Nakakuyom parin ang nagdurugong kamao ni Prince habang dahan-dahang lumalapit kay Angel.

"P-prince.." Bulong ni Angel.

"Pinaalis ko na ang tarantadong iyon. Wag kanang matakot."

"Y-yung kamay mo."

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon