"It is hard to tell your mind to stop loving someone if your heart still does."
Maagang pumunta sa A&C Inc. si Angel. Naglakad siya papunta sa elevator at sumakay. Di paman nakakasara ng tuluyan ay may kamay na pumigil dito. Agad siyang napatingin sa taong iyon. Nakita niya ang nakapamulsang si Prince at tila walang emosyon sa mukha.
"Good morning." Pormal na sabi ni Prince.
"G-good morning." Tugon ni Angel.
Pumasok si Prince sa elevator at sumadal sa may salamin. Di sanay si Angel sa ikinikilos ni Prince. Palihim niya itong tinitingnan pero nakatingin lang ito sa screen kung saan makikita ang floor ng building.
Ano kaya ang meron sa lalaking toh? May nakain ba toh? She thought while taking a quick glance at him.
"Before I forget, ito pala ang ibang mga papeles." Sabi ni Prince at may inabot na folder.
"Okay. Thank you." Sabi ni Angel sabay kuha sa folder.
Bumukas na ang pinto ng elevator at sabay naman silang lumabas. Dumiretso lang si Prince sa opisina niya gayundin si Angel.
"Ano bang nangyari sa lalaking yun?" Bulong ni Angel sa sarili habang sinasara ang pinto ng opisina niya.
"Sa halip na isipin mo ang tarantadong lalaking iyon, mag-isip kanalang ng bagong pangalan ng kompanyang ito." Sabi ni Angel sa sarili sabay upo.
Kahit di niya aminin, di siya mapakali sa ikinikilos ni Prince. Kahit papaano, nami-miss niya ito. Hinihintay niya na bumisita ito sa opisina niya at bumalik sa dating Prince. Tinuon niya nalang ang pansin sa mga papeles na ibinigay ni Prince. Habang nagbabasa siya ay may biglang kumatok. Agad napatayo at napatakbo si Angel sa pinto at agad itong binuksan.
"Pri--Jake?" Sabi ni Angel na agad kumunot ang noo nang makita si Jake na nakangiti.
"Are you expecting someone? Sorry, kung ganun--"
"No! It's okay. Bakit ka pala nandito?"
"I'm here to visit my girlfriend. And to bring her coffee." Sabi ni Jake sabay taas sa dalawang to-go na coffee.
"Ohh..Thank you,Jake."
"Di mo man lang ba ako papapasukin?"
"Of course you can." Sabi ni Angel sabay bukas sa pinto ng mas malapad.
Pumasok si Jake sa opisina ni Angel at umupo sa may table nito.
"So, how's your new office?"
"It's comfy. I'm pretty comfortable in here. I miss my old office though, but it's time for a change."
"Bakit ba pinili mong dito ka magtrabaho? I mean, you're a big shot. You can just visit anytime you want rather than staying here."
"I like to work on my business hands on. I want all my plans to be perfect."
"Well, if that suits you. So, what are these for?" Sabi ni Jake sabay taas sa folder.
"It's for the company,obviously."
Magsasalita na sana si Jake nang may biglang kumatok sa pinto.
"Who could that be? Parati bang may bumibisita sa girlfriend ko?" Nakakunot noong sabi ni Jake habang tinitingnan ang pinto.
"Silly. Teka lang,ah?" Sabi ni Angel sabay tayo at naglakad papunta sa may pinto.
Pagbukas niya dito ay bumungad sakanya ang nakapamulsang si Prince at ito ay nakatingin lang sa sapatos niya.
"Yes?" Sabi ni Angel.
Iniangat ni Prince ang ulo niya at tiningnan sa mga mata si Angel. Bumilis ang takbo ng puso niya. Para bang ang mga titig ni Prince ang makina na nagpapatakbo ng puso niya. Bago paman makapagsalita si Prince, bumukas ng mas malapad ang pinto at nakita niya si Jake na nakakunot ang noo. Agad nitong inakbayan ang kasintahan at tumingin ng diretso kay Prince.
"May kailangan kaba sa girlfriend ko,tol?" Sabi ni Jake.
"Yes. Meeting in an hour." Sabi ni Prince sabay tingin kay Angel.
"Oo alam ko. Bakit di mo nalang sinend sa e-mail?" Sabi ni Angel.
"Cause I have more files to give you." Sabi ni Prince sabay abot sa isang folder.
"Okay. Thank you."
Tumango lang si Prince at naglakad na papunta sa kanyang opisina. Umiling lang si Angel at sinara uli ang pinto.
"Magkalapit lang ba ang opisina ninyo?" Sabi ni Jake.
"Oo. Bakit mo naman naitanong yan?"
"Baka masanay yan na parating dumadalaw sayo,ha?"
"Jake, meron na siyang girlfriend. Ako, meron naring boyfriend."
"Ang mag-asawa nga naghihiwalay, tayo pa kaya? I just don't want him near you."
Napairap nalang si Angel at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Maya-maya ay nagpaalam narin si Jake at umalis. Ilang sandali palang ay may kumatok.
"Jake? Ano ba ang nakalimutan mo?" Sabi ni Angel pero walang sumagot.
Tumayo nalang si Angel at binuksan ang pinto.
"Oh Ja--Prince? Ano yun?" Sabi ni Angel.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Angel. Di niya alam kung kinakabahan ba siya o na-eexcite sa presensya ni Prince.
"The meeting will start." Prince said.
"Ganun ba? Ah sige." Sabi ni Angel sabay labas sa opisina niya.
Unang naglakad si Prince patungo sa elevator at nakapamulsa. Sumunod lang si Angel hanggang sa pagpasok sa elevator. Tahimik silang sumakay at wala silang imikan.
"What's going on?" Angel broke the ice.
"What do you mean?"
"Wala. Never mind."
Binaling nalang ni Angel ang tingin sa floor indicator ng elevator. Nanatili silang tahimik hanggang sa pagdating nila sa meeting hall. Magkatapat na umupo sina Angel at Prince. Si Angel ay di nakikinig ng maayos dahil sulyap siya ng sulyap kay Prince na seryosong nakikinig.
"That's a great idea! Right,Angel?" Sabi ni Mr. Constiago.
"I'm sorry. What was that?"
"Are you okay, Angel? Wala ka ata sa sarili mo ngayon? May sakit kaba?"
"No, I'm sorry about that. Can you please repeat what you've said?"
"As I was saying, maganda ang idea ni Prince."
"What idea?" Sabi ni Angel.
Napa-face palm nalang si Mr. Constiago at napailing. Napatawa nalang siya ng bahagya.
"The new company name. DC United Inc."
"Ahh..Yeah! It's a great one. Nice one! I like it." Sabi ni Angel.
"Okay! DC United it is then! I'm sure the media will know about this. Get ready to be featured in magazines."
Ngumiti naman si Angel at muling sumulyap kay Prince na nakangiti ring tumango sa ama.
BINABASA MO ANG
Innocent Seductress (COMPLETE)
RomanceShe was hurt. Yes. She was judged. Yes. Pain can change people and it also changed her. She was never perfect but she was perfectly imperfect. Society sucks. It's true. But how can this innocent angel keep up with a hell-like society? Can she learn...