Misfortune

3.6K 64 2
                                    

"People cry, not because they're weak. It's because they've been strong for too long"

Nanginginig pa rin si Angel sa takot at nerbyos. Hindi siya mapakali at palakad-lakad lang sa kanyang pwesto habang tinatawagan si Prince.

"Ohh Prince." Bulong ni Angel sa sarili.

The cops are currently investigating the crime scene. Mr. Constiago was reported dead on arrival due to 3 stabs on his body including his back, stomach, and chest. Angel was restrained by the cops for further questions.

"Ma'am? Pwede po ba namin kayong tanungin muna?" Sabi nung isang pulis.

Tumango lang si Angel at sumunod. Pinaupo muna siya at binigyan ng tubig.

"Kayo po yung nakakita sa bangkay 'di po ba?" Sabi nung inspector.

"Opo. Ako po yung nakakita." Tugon ni Angel.

"Kung ganoon po ay may nakita ba kayong kahina-hinala bago pa ninyo nakita ang katawan ni Mr. Constiago?"

"Opo. May nakita po akong taong nakaitim na nagmamadaling pumunta sa emergency exit. 'Di ko lang po alam kung babae po ba 'yon o lalaki."

"Ganoon po ba? Matagal niyo na po bang kilala si Mr. Constiago?"

"'Di pa gaano. Our company just merged and hindi ko pa siya gaanong kilala."

"Kung 'di niyo siya kilala, bakit naman kayo makikipag-merge?"

"Because.."

Hindi makapagpatuloy si Angel sa kanyang sasabihin. Ang totoo'y bumalik siya upang isakatuparan ang kanyang balak na maghiganti at ang una niyang target ay ang pabagsakin ang kompanya ng mga Constiago. But then, she learned that vengeance is hers. She learned to forgive.

"Because?" Sabi nung inspector.

"Prince Constiago, his son, is my boyfriend. I want our companies to be one.

Tumango lang yung inspector sabay sulat sa notebook niya.

"Wala po ba kayong kilalang may galit kay Mr. Constiago?" Sabi nung inspector.

"'Di ko po talaga alam. I think Mr. Constiago is a good guy." Tugon ni Angel.

"Kung ganoon, pwede ba kayang suicide ang nangyari? May problema bang kinakaharap si Mr. Constiago?"

"As far as I know, wala naman po."

Tumango lang yung inspector at parang na kontento na sa kanyang pagtatanong.

"Thank you for your cooperation, Ms. dela Bueva." Sabi nung inspector.

Tamango lang si Angel at ngumiti. Nag-kamay muna sila bago tuluyang umalis yung inspector.

"Angel?"

Agad napalingon si Angel sa pagtawag ng isang pamilyar na boses.

"Prince!"

Agad na tumakbo si Angel papunta kay Prince sabay yakap.

"Nasaan si dad? Okay lang ba siya? Saang ospital siya dinala? Tara! Puntahan na natin siya kasi baka hinahanap na niya tayo!" Sabi ni Prince sabay hila kay Angel papunta sa kotse niya.

Agad namang nagpumiglas si Angel sa pagkakahawak ni Prince. Agad namang napahinto si Prince sabay tingin sa mga mata ni Angel na maluha-luha na.

"Bakit? What are we waiting for?" Sabi ni Prince.

Angel cupped his face and slowly, her tears fell.

"What is it?" Sabi ni Prince.

"Prince, your dad is...dead. He was dead on arrival. I'm really sorry, Prince."

Napailing nalang si Prince at tila ayaw maniwala sa mga sinasabi ni Angel.

"No, you must be joking. Dad won't leave me alone. He will never do that."

"But he already did, Prince. I'm really sorry."

He was dumbfounded and couldn't seem to move. His tears fell and he started kicking the bumper of his car. Angel hugged him from the back at whispered.

"Prince, don't worry, I will never leave you. I promise you that. We'll be together until the end of this battle."

Napahinga ng malalim si Prince at napaupo sa hood ng kanyang kotse. Tulala lang siya at walang kibo.

"Do you want to be just alone right now?" Sabi ni Angel.

Tumango lang si Prince bilang tugon. Lumapit naman si Angel sakanya at yumakap. Bago tuluyang umalis ay hinalikan niya muna si Prince sa noo.

"Ako nalang muna ang mag-aasikaso sa bangkay ng dad mo. Are you sure you're alright?" Sabi ni Angel.

"Yes. Thank you, Angel." Mahinang tugon ni Prince.

Tuluyan nangang umalis si Angel at naiwan si Prince na nakatulal parin. Naabutan nalang siya ng dilim nang mapagpasyahan niyang umakyat sa lugar kung saan nakita ang bangkay ng kanyang ama.

"Sir, 'di po kayo pwede rito." Sabi nung isang crime investigator.

"I'm the son of the victim. I'm Prince Constiago. I will do anything to help his case."

"Kung ganun ho eh umupo muna kayo rito."

Agad namang umupo si Prince. Wala kang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso't damdamin, durog siya at inaasam ang paghihiganti.

"Mr. Prince Constiago, may kilala po ba kayong may malaking galit sa ama niyo o may balak na masama sa kanya? Meron bang taong nakaalitan ang inyong ama?" Sabi nung inspector.

"I don't think so. My father is a very good man."

"Ganun po ba? Hmm.. Well, alam naman siguro natin na ang kompanya ninyo ang isa sa pinakatanyag dito sa bansa. May kilala po ba kayong tao o kompanya na may gustong pabagsakin kayo o agawan ng pwesto si Mr. Constiago? It can be your business rivals or employees and etc."

"I don't think so. My dad was so good to his employees. In business, I don't know."

"Ganoon ho ba? Kung ganoon, wala po ba kayong alam na rason upang magpakamatay ang inyong ama?"

"Kahit na maraming problema ang pinagdadaanan niya, he was such a strong person."

Napailing nalang ang inspector at tila nawawalan ng pag-asa na makakita ng solusyon para sa krimen. Nag-desisyon si Prince na puntahan ang bangkay ng ama sa ospital. Habang papalapit siya sa morgue ay agad niyang nakita si Angel nakatayo sa labas ng morgue. Pabigat ng pabigat ang kanyang mga paa habang palapit siya ng palapit.

"Prince.." Sabi ni Angel nung napansin niyang papalapit si Prince sa kinatatayuan niya.

Agad namang lumapit si Angel kay Prince sabay hawak sa magkabilang pisngi nito.

"I'm sorry.." Bulong ni Angel sabay yakap kay Prince.

Walang tugon na ibinigay si Prince. Nakatuon ang kanyang pansin sa silid kung saan nakaratay ang bangkay ng kanyang ama.

"I'll be here with you, Prince." Sabi ni Angel sabay hawak sa kamay ni Prince.

Pinisil naman ni Prince ng mahina ang kamay ni Angel bilang tugon. Dahan-dahan silang pumasok sa loob ng morgue. Sinundan nila ang nurse na naka-assign sa mga oras na 'yon. Naglakad sila hanggang sa huminto sila sa isang bangkay na nakabalot ng puting tela.

"Prince?" Sabi ni Angel.

"I want to see him."

"Kaya mo ba? You know, if 'di mo pa kaya ngayon, pwede naman tayong bumalik sa ibang--"

"No. I want see him, please." Pagmamatigas ni Prince.

Dahan-dahang inangat nung nurse ang puting tela hanggang sa dibdib ng walang buhay na si Mr. King Constiago.

"Dad.." Bulong ni Prince habang unti-unting dumadaloy ang mga luha sa kanyang mga mata.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon