Moving Closer

4.3K 97 2
                                    

"If you want to go fast,go alone. If you want to go far,go together.

"Miss Angel, sir Prince! We've been looking for you!" Sabi nung isang baklang make-up artist.

"Sorry. Na-entertain lang kami sa ganda ng view. Magsta-start na po ba tayo?" Sabi ni Angel.

"Yes. Actually malapit nang matapos sina Mr. Constiago at Mr. dela Bueva. Kayo na po ang susunod."

Tumango lang sila at sumunod sa make-up artist upang make-up-an na sila. Pinagbihis narin sila at hinihintay nalang matapos ang kanilang mga ama.

"Are you ready?" Prince said while styling his hair.

"I'm always ready."

Bahagyang napatawa si Prince at inayos ang kanyang damit. Pagkatapos ng ilang shots ay sina Angel at Prince na ang sumunod.

"Dito po kayo." Sabi nung assistant.

Sumunod naman sila at pumwesto sa harap ng camera.

"Uhm..Tumalikod po kayo ma'am, at boss, do'n po kayo sa likod ni ma'am at yakapin niyo po ang beywang niya. Ipatong niyo rin po yung baba niyo sa may balikat ni ma'am, boss. Idikit niyo rin po ang mga pisngi niyo."

Napalunok at napasinghap nalang si Angel nang maramdaman ang pag gapang ng mga kamay ni Prince sa bewyang niya. Narinig niya nalang ang mahinang pagtawa ni Prince.

"Chill. Wag kang tense." Bulong ni Prince.

Mas lalo siyang na-tense nang nagsalita si Prince. Ramdam na ramdam niya ang paghinga ni Prince.

"Make it fiercer. Look at the camera and let it see how powerful you guys are. Yung tipong wala kayong kinatatakutan." Sabi nung photographer.

Sumunod naman sina Prince at Angel. Naramdaman nalang ni Angel ang paghigpit ng yakap ni Prince kaya napasinghap siya.

"Ano ba? Stop it will you?" Bulong ni Angel.

"Fiercer nga diba?"

"Yes, fiercer, not tighter."

Napatawa ulit ng bahagya si Prince at napailing.

"Okay, good job. This time naman po ay magharap po kayong dalawa. Boss, ilagay niyo po ang isang kamay niyo sa beywang ni ma'am. Tapos kayo naman po ma'am, ilagay niyo po ang isang kamay niyo sa dibdib ni boss. Sa may balikat po." Sabi ng photographer.

Sumunod naman sina Angel at Prince. Ngumisi si Prince nang magtama ang kanilang mga tingin. Dahan-dahan niyang niyakap ang beywang ni Angel at mas inilapit sa kanyang katawan.

"Cut it out, Prince." Bulong ni Angel.

"You're too stiff. Chill ka lang. Loosen up." Natatawang sabi ni Prince.

Umirap nalang si Angel at di nalang pinansin si Prince. Nung may ina-adjust yung photographer ay ngumisi si Prince at dahan-dahang inilapit ang mukha niya kay Angel.

"What are you doing?" Sabi ni Angel na hindi makagalaw sa higpit ng kapit ni Prince sa beywang niya.

"What? Closer nga diba?"

"Wala siyang sinabing ganoon noh!"

Prince smirked and slowly moved his lips to hers. She wanted to move but it seems like her feet are nailed on the ground.

"Prince.." Bulong ni Angel.

"Angel.." Bulong ni Prince habang unti-unting lumalapit sa mga labi ni Angel.

Innocent Seductress (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon