"The secret of getting ahead is getting started."
Niyakap ni Angel si Prince habang pinapanood nila si Jake na inilalagay sa stretcher at ipinapasok sa ambulansya.
"At last, it's all over." Sabi ni Prince.
"No, Prince, it's just a new beginning." Tugon ni Angel.
Napalingon sila kay Harriet habang pinagtutulungan ng mga pulis na hulihin dahil nagtatakbo ito at nagpupumiglas.
"No! Get away! Let me go! I have a wedding! You can't do this! My airplane is waiting for me!" Sabi ni Harriet habang nagpupumiglas.
"May sira na yata ang isang 'to." Sabi nung isang pulis.
"I have money! Do want money? How much, huh? 1 million? 1 billion? Just say it! I'm rich! I can pay you! All of you!" Sabi ni Harriet habang ipinapasok siya sa loob ng police car.
"Idala niyo na 'to sa mental, ah?" Sabi nung isa pang pulis.
Napailing nalang si Prince. Hinawakan naman ni Angel ang kanyang kamay kaya napangiti siya.
"Kawawa naman si Harriet noh?" Sabi ni Prince.
"Oo nga eh. She's just blinded by love for wealth and influence from her mom."
"Tama ka dyan. Well, enough about her, let's talk about us."
Ngumiti naman si Angel at nagtaka naman si Prince.
"What?" Sabi ni Prince.
"Nothing. I just can't help but smile when you mention us. You know, me and you."
"Yes. That's me and you and nothing else."
"I love you, Prince." Sabi ni Angel.
Ngumiti naman si Prince at humarap kay Angel. Nagtaka naman si Angel.
"What? Are you just gonna stare at me all day and-"
Angel wasn't able to finish her sentence when Prince sealed her mouth with a kiss. She didn't protest but instead, she returned passionate kisses.
"I love you too, Angel." Sabi ni Prince.
Niyakap naman siya ng mahigpit ni Angel at sinuklian din niya ito ng napakahigpit na yakap.
"Angel.."
Napalingon naman silang dalawa at napangiti si Angel nang makita ang taong tumatawag sakanya.
"Dad.." Tugon ni Angel.
Agad namang niyakap ni Angel ang ama. Tuwang-tuwa siya at tila parang isang batang nawala at muling natagpuan ng mga magulang.
"I was so worried about you. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Thank God you're okay." Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Huwag ka na pong mag-aalala, okay lang po ako. I'm a tough girl remember?" Tugon ni Angel.
"But you are and will always be my princess, Angel."
"Of course. But, where's the king's queen?"
"She's at the castle, guarded and secured."
Napatawa nalang sila. Napangiti nalang si Prince at napansin naman siya ng ama ni Angel.
"Hijo, halika." Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Yes, sir?" Tugon ni Prince.
Tinitigan lang siya ni Mr. dela Bueva kaya ninerbyos siya. Akala niya'y galit ito sakanya dahil na-kidnap ang anak nito dahil sakanya.
"Sir? Sir, I'm so sorry. I didn't know. I have no idea. 'Di ko po talaga inaasahang ganun po si Harriet at si tita. I swear, sir, I will never let this kind of things happen to her ever again. I will make sure that your daughter will be safe in my arms. Sir, I will protect her even if it costs my life -"
Hindi natapos ni Prince ang kanyang sasabihin nang ipinatong ni Mr. dela Bueva ang kamay nito sa balikat niya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Prince.
"Prince.." Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Sir?"
"Dad nalang at 'wag ng sir."
Nakahinga naman ng maluwag si Prince at napangiti. Napatawa nalang sina Angel at ang kanyang ama dahil sa naging reaksiyon ni Prince.
"Thank you, dad." Tugon ni Prince.
"No, it's me who should thank you. Salamat at ipinaglaban mo si Angel. Thank you also for saving her. You sure are her prince charming. Don't worry, I trust you. Just keep her safe or else."
"Dad!" Sabi ni Angel.
Napatawa nalang silang tatlo. Nagkamay muna sina Prince at Mr. dela Bueva bago sila tuluyang umuwi. Nang makarating sina Angel at Mr. dela Bueva ay agad hinanap ni Angel ang ina.
"Ma?"
"Angel, anak?"
Agad namang nilapitan ni Angel ang ina na nakaupo sa sofa at niyakap niya ito.
"Nag-alala ako ng husto saiyo."
"Huwag ka na pong mag-aalala, nandito na po ako at wala nang manggugulo sa atin. Magiging masaya na po tayo ng tuluyan."
"Salamat naman."
"Ang saya ko po talaga ngayon, ma."
"Mas masaya ako, anak. Ngayong wala ng gulo, pwede na tayong magsimula ulit."
"Oo naman po, ma. This time, no hatred and grudges. This time, love and the greater good will win."
Nagyakapan naman ang mag-ina. Lumapit din si Mr. dela Bueva at napangiti habang pinapanood ang kanyang mag-ina.
"Pwede ba akong sumali dyan?" Sabi ni Mr. dela Bueva.
"Opo naman, dad." Sabi ni Angel.
Hinila ni Angel ang ama at nagyakapan sila. Pakiramdam niya ay kontento na siya at wala na siyang mahihiling pa.
Kinabukasan ay masayang-masaya ang mga empleyado sa DC Inc. nang makabalik sina Angel at Prince. Pagpasok palang nila sa pinto ng fuction hall ay agad silang sinalubong ng malakas na palakpakan at hiyawan.
"Welcome back, sir at ma'am." Sabi nung babae.
"Namiss po namin kayo. Salamat naman po at okay lang kayo." Sabi pa nung isa.
Ngumiti naman sila sa bawat empleyadong madaanan nila. Napahinga ng malalim si Angel.
"It's good to be back." Sabi ni Angel.
"You were never been gone actually." Tugon ni Prince.
"Huh?"
"Its because, you're in my heart and will always be until eternity."
Napangiti naman si Angel at kinurot ang pisngi ni Prince.
"Prince, Angel, come over here."
Napalingon sila nang tawagin sila ni Mr. dela Bueva. Agad naman silang sumunod at lumapit kay Mr. dela Bueva.
"Okay, dahil bumalik na sina Angel at Prince, I will give you all a bonus!" Mr. dela Bueva said over the mic.
Tuwang-tuwa naman ang mga empleyado at nagpalak-pakan. Napangiti rin sina Prince at Angel sa ginawa ni Mr. dela Bueva.
"So I suppose okay na ang lahat. Now, ang kulang nalang ay kasal."
Naghiyawan naman ang mga empleyado at nagpalakpakan. Ang magkahawak kamay na sina Angel at Prince ay nagtinginan naman at napangiti.
BINABASA MO ANG
Innocent Seductress (COMPLETE)
RomanceShe was hurt. Yes. She was judged. Yes. Pain can change people and it also changed her. She was never perfect but she was perfectly imperfect. Society sucks. It's true. But how can this innocent angel keep up with a hell-like society? Can she learn...