-----------------------------
4/210 Days Of School.
Baby baby baby, oh! My baby baby baby, No! Thought you'd always be mine. ♩♪♩♪
Badoy ng kanta pagkapasok ko ng School. Wala pang katao tao. Pumasok na ako ng mas maaga ngayon kasi baka pag di pa ako nagising ng mas maaga, ma tuluyan na akong malate. Hahahaha.
Ganito pala dito pag wala pang masyadong tao. Ang maririnig mo lang kanta sa mga speaker na nakakabit sa bawat sulok ng building. To mention (again) na napakabadoy ng kanta nanggagaling dun. Hahahaha.
Thursday pala ngayon. Sabi ni kuya, pag Thursday daw, by room daw pag nag'ro rosary. Kaya pala walang tao sa labas puro nasa loob agad mg rooms. Umupo na'ko. Napatulala nanaman. Hindi ko namalayang may pumasok pala sa room namin.
May biglang nagsalita. "Heyy. Drop everything you're thinking gorgeous."
Wha! Nabigla ako! Napatingin ako sa nagsalita. Nakatingin sakin habang naka ngiti. Ang ganda talaga ng mata niya. ♡♡♡
Ako : oy! Kuya Paul. *ngiti*
(Oo. Siya nga. Nanaman. Hahahaha)Paul : kuya? Paul nalang. Wag nang kuya. Nakakatanda. *ngiti*
Tapos nagpunta sa may board. May sinulat. Yun ata yung Gospel Reading for today. Tapos lumapit ulit sakin.
Paul : ito na pala yung libro mo. *ngiti* salamat.
Tapos inabot sakin yung libro habang nakatitig sakin. Bakit ganito nararamdam ko? ♡♡ hahahahaha.
Nina : hi Aimee ! Kanin --- *nabigla* ay sorry!
Paul : hahaha. No. It's okay. Binalik ko lang 'tong libro. *ngiti* ah, alis na'ko. Good morning Aimee. *ngiti*
Tas pagtalikod niya, nakita niya si Mariele na kararating lang din tapos si Nina. "Ah, good morning din sainyo." Sabi niya sabay alis.
Mariele : so, wag kanang mag deny. Di mo na pwedeng sabihing 'wala lang' yun kasi narinig namin.
Nina : lalo na yung ' drop it down chu chu gorgeous.' May gorgeous gorgeous pa. Naku!
Ako : ha? *nganga*
Oh. Tulala ako. Dub dub! Dub dub! Luhhh! Bilis ng heartbeat ko! Hindi maari! Ayoko. Nakakatakot.
------------------------------------
BINABASA MO ANG
Who Am I To Say?
Storie breviIs it really possible for two different people to fall harder than what they think they can? Is it really applicable in life that so-called, Second Chance?