Catarman Fiesta

14 1 0
                                    

---------------------------

Consistent siya na naglalagay ng sulat sa locker ko. I dunno HOW ee nilalock ko naman palagi yung locker ko. Haha! Tapos, balik na kami sa dati. Sabay na ulit kami kumain. Minsan nga, siya na yung kumukuha ng lunch ko sa kuya.

.
.
.

Speaking of kuya. Sabi niya pala na dun daw muna ako kumain sa room nila. May sasabihin daw siya.

.
.
.

Lunch ..

Habang kumakain na kami.

Ako : kuya, bakit? Ano sasabihin mo?

Kuya Jr : wala naman. Na miss lang kita. Palagi nalang kasi kayo magkasama nung Paul. Nakakalimutan mo na ata ako.


Plain niyang sabi. Hmm. Nagtatampo ba 'to? Kasi nung Sunday niyaya niya akong magsimba sabi ko kasama ko si Paul.


Ako : oyyy. Si kuya. Tampo ka no? Hihihi. Sorry na.


Kuya Jr : okay lang yun ano ka ba. Yung akin lang, baka masyado kanang nag'e enjoy sa kung anong meron kayo ni Paul. Di naman sa ayaw ko pero, bhe. Lalaki din ako. Baka kasi isang araw magising kang may ibang kasama yun. Knowing na 1st yr ka siya 4th yr.



Cold niyang sabi. Naintindihan ko naman sinabi niya. Nanahimik nalang ako. Di ko rin kasi alam sasabihin ko ee.


Kuya Jr : okay lang naman sakin yung ganyan kayo. Pinapaalala ko lang naman. *ngiti* sige na. Kain kana.


Pagpapatuloy pa niya. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni kuya. Oo nga no? Di malayong mangyari yun. Aish! Basta! I'e enjoy ko nalang muna ang kung anong meron kami sa ngayon.

.
.
.

FAST FORWARD ...

Happy Fiesta Catarman! Huhuhue! XD busy tao sa bahay. Naghahanda. Ako? Taga tikim ng pagkain. Hahaha. XD sorry na. I can't resist! Hahahaha.


After awhile, may nag vibrate phone ko.

.
.

From : Paul (0926*******)

'Papasok na si mama mo. Bihis kana. :))'

.
.

Ha!? So ano pinagsasabi ng lalaking 'to? Maya maya nga, pumasok si mama ng bahay,

Mama : oh! Ba't di kapa bihis?? Naghihintay na sayo sa labas si Matz! Di mo naman sakin nabanggit nak na nanliligaw pala sayo anak ng kaibigan ko.



Sabay alis ng nakangiti. Ano daw? Nanliligaw? At naghihintay siya sa labas?



Dali dali akong nag bihis ng damit ko. From pajama to pedal short and t shirt. Tas nag paalam na agad na aalis ako saglit. Paglabas ko. Ayun nga ang mokong sa labas. Nakangiti. Infairness, bagay sa kanya ang White shirt. Whoa. Parehas kaming naka white. *^▁^* hahaha.

.
.

Ako : ba't ka napunta dito?


Paul : pinagpaalam kita kay Tita Amei. Buti nalang nubg dumating ako, kararating lang din niya. So, tara na? Tumatakbo ang oras.


Ako : ha? Pinagsasabi mo? Tsaka ba't moko pinag paalam?


Paul : andaming tanong ee. Tara na. Sabi ko pa naman kay tita iuuwi ka bago mag 11.


Who Am I To Say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon