Watdafuq Days II

11 1 0
                                    

--------------------------------------------

Typical Days. Yes. Typical. Wala naman kasing nangyaring bago. Ganun na talaga natapos yung lahat samin. Like, "watdafuq!? Ano problema? Masaya naman kami." OKAY. So much of that. Feast day na ni St. Michael. Walang choice kaya pumunta na akong school. Tsaka Victory Ball din kasi. Ano na? Papahuli ako sa party dahil lang sa may masakit sakin? Poor. Hahahahaha. XD

.
.
.
.
.


Sa Party. Oo, party people ako Hahahaha. Gala ng mata sa paligid. Okay, clear. Hahahahaha. Pumunta na akong ground dance for all ee. Hahahahaha. Pero di rin ako nagtagal. Ugh! Naalala ko yung gabing una niya akong hinatid sa bahay. Yung gabing unti unti sinasabi niya mga nararamdaman niya para sakin. Lahat. Lahat na pwedeng maalala sa gabing yun. Hayyy! Nawalan ako ng gana. Umupo nalang ako ulit.

.
.
.
.

Pagkaupo ko, parang bigla nalang tumahimik yung palagid ko. Parang naki simpatya sa kalungkutan ko. Hahaha. Emegherd. XD So, para maaliw ako at makalimutan ko pinag iisip kong di naman tama, naglakad lakad ako. Hanggang narating ko ang may canteen, bibili sana ako nung lumabas mula dun si kuya Rex.

.
.

Kuya Rex : heyy young lady. You look great. Sino hinahanap mo? Si Paul ba?


Ako : ha? No. Hindi. (Iwas ko pa ng tingin) bibili lang ako ng tubig. Puro kasi softdribks nasa mesa namin. Hehe. Sige, una na ako.






At dali daling umalis. Pag pasok ko naman ng canteen, nasa isang mesa si Kuya Mark, di ko na pinapansin. May kausap din naman. So, unupo na muna ako sa isang mesa malapit sa pinto. Maya maya, nakiupo na si kuya Mark and Rex.









Ako : hmmm? Ano meron sa mga matang yan mga kuya? Nangungusap ee. Hahahaha. Alam niyo di naman ako manghuhula, kaya sabihin niyo na gusto niyong sabihin. Hahaha




Kuya Rex : how can you do that? I mean, you can still manage yourself to laugh. How come?




Kuya Mark : galing mong magtago ng nararamdaman mo. Pero di maikukubli ng mga mata mo ang lungkot na nanjan sa loob mo.




Ako : I don't own all the problems in the world naman diba? It's still a blessing and I guess enough reason for me to smile. *ngiti*





Di pa sila nakuntento. Kung ano ano pa pinagsasabi nung dalawa at pinagtatanong. And Me? O.O Halaa? Pinagsasabi nitong dalawang 'to? Hahahahaha. Di na ako sumagot. Tinawanan ko nalang sila. Sa di kalayuan ng inuupuan ko, may nakita akong matang kanina pa nakatingin sakin. Uneasy na ako sa pagtawa. And slowly it registers to my senses, si Paul yun. And papalapit samin.




I don't know what to do. Di ako mapakali. Napansin naman ni kuya Rex yung pagkailang ko kasi nakikita niya rin ang nakikita ko. Binulungan nalang niya ako, "wag kang aalis. Mag usap kayo." Then sila ang tumayo upang umalis. Kasabay naman nun ang pag upo ni Paul sa harap ko.








Silence. Nakakabinging katahimikan. Yung gusto ko siyang hawakan, pero di nga pwede. Tiningnan ko siya, pero di makatingin sakin ng diritso.




"Paul .." ito lang lumabas sa bibig ko. Di ko alam. Ang weird. Ito nanaman. Tinititigan niya lang ako. Nakikita ko sa mata niya na nag aalala siya sakin pero parang pinipigilan niya sarili niyang lumapit sakin. Di nako nakatiis. Umalis nalang ako.







.
.
.

At bago pa man ako makaalis, nasabi ko na ang mga salitang sigurado akong pag sisisihan ko sa huli .....

.
.
.
.

"Paul, ayoko na. Tama na. Di ko alam kung ano tayo. Anong meron tayo. Pero kahit na ano pa man yun, GUSTO KO NANG TAPUSIN YUN."




Pagkasabi nun, tuluyan na akong lumabas ng canteen. Diritso sa area namin kinuha ang gamit ko at umalis na. Ba't parang ang sakit? Naramdaman ko nalang ang nangingilid kong luha. Nakita ko pa mukha niya kanina bago ako tuluyang makaalis, napasapo pa siya sa ulo niya. Buti nalang walang bantay dun kasi nasa kitchen.





Hanggang sa naka uwi ako, wala akong ibang maisip kundi yung ..


Tapusin yun.

Tapusin yun.

Tapusin yun.



------------------------------------------------

Who Am I To Say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon