-----------------------------------
Aimee, takbo dali. Takboooooo! Nyemas naman ee! Napasarap tulog ko. 6:30 na ako nagising. Nakaligo nga. Pero wala namang laman tiyan ko. Hay life. Buti sana kung may lablayp. -__- joke! Hahaha. Pagkain! Mas kailangan ko ng pagkain!
3/210 Days Of School.
6:50 AM sa relo ko. Phew! Sakto lang! May 10 minutes pa ako. SMA. Ba't kasi andami niyo ring requirements para sa gate pass. Di ba pwedeng ID lang? Daming arte din ee. -__-
So, pila na ako. Di naman masyadong mahaba tao. Siguro nakapasok na lahat. Hahaha. Ano ba yan. 3rd day palang, running for late students na ako. Hahahahaha. XD
Sunod nako sa pila. Grabe lang. Bantay sa gate be like, "Pakilabas nalang agad ng rosary, puting panyo, handbook, ID and Novena para makapasok kayo agad. Yung mga may nalabag sa rules, please step this side. Mag uusap usap tayo mamaya."
Ohh ohhh! Ako? Nga nga. Red na red nadala kong panyo! Ano ba yan. Panget ng umaga ko! Pupunta na sana ako sa pila ng 'mga lumabag sa rules' ng may lalaking lumapit sakin sabay abot ng panyo. Pagkatingin ko, si Paul pala. ♡♡ opss! Kuya Paul pala!
Paul : Good Morning. *tapos bumulong sakin* hiramin mo muna. Ay! Palit nalang tayo ng panyo!
Tapos kinuha yung panyo ko tapos pinalitan niya ng sa kanya tapos binalik niya ako sa pila ko kanina. Hala? Ano na kuya? Di ba may fine pag ganun? Bakit ??
Bantay sa gate : Miss, pasok kana. *ngiti ng may something*
Tapos tiningnan si Paul ng nakakaloko tapos si Paul naman tinaas nalang yung dalawang kamay niya. Yung parang sinasabing 'okay. Suko na ako'.
Ako : ha? Okay. Salamat. *tas akyat na sa room*
Maya maya nag ring na ang bell. Nag morning ceremony na tapos klase. The usual. Hayy nakow! Ano na si Ma'am? 3rd day, quiz agad? Wow lang.
Lunch na. Dating gawi. Punta kina kuya. Kumain ng lunch kasama mga classmate niya. Benta talaga 'tong mga barkada ni kuya sakin! Hahahahahaha. Unlimited sense of humor lang ee. Hahaha.
Pagkatapos kong kumain umalis na ako agad. Nag toothbrush. Naisipan kong tumambay muna sa lounge. Nagbasa ng libro. Ng may biglang lumapit ...
Paul : Hi! *ngiti*
Ako : ah. Hello. *ngiti* ayy! Nga pala! Bago ko pa makalimutan. Ito na po pala panyo niyo. *sabay abot*
Paul : haha. Ano ka ba. Wag na. Sayo nalang yan. And syempre. Akin na lang din 'to. *sabay taas ng panyo ko*
Okay. I'm speechless. Di ko alam sasabihin ko.
Paul : nga pala. Sa susunod puti na dalhin mo ha? Baka kasi ako naman yung maubusan ng puting panyo pag palaging may kulay yung dadalhin mo. Hahahahaha.
Ako : hahahahaha. Wala naman kasi nagsabi sayong ibigay mo yung panyo mo sakin. Hahahahahahaha.
Opps! Napalakas ata tawa ko. Natigilan siya tapos nakatitig nalang sakin.
Ako : bakit?
Paul : wala naman. Ang cute mo pala talaga. Totoo nga sabi nila. Lalo na pag nakatawa ka. *ngiti*
This time, sure akong napa nga nga ako sa sinabi niya. Ano daw sabi niya?
Paul : sige, kain na muna ako. Pahiram muna ng libro mo ha? Patapos kana naman ee. Balik ko nalang agad. *ngiti sabay alis*
Ako? Tulala pa din. Kuyaaaa! Ano yun!? Teka ano 'to? Butterflies in my stomach? Hala ano na? Imposible! Wag ganun Aimee. Ano? Aasa? Mag'a assume? Magtigil ka!
---------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/54759187-288-k917089.jpg)
BINABASA MO ANG
Who Am I To Say?
Cerita PendekIs it really possible for two different people to fall harder than what they think they can? Is it really applicable in life that so-called, Second Chance?