-------------------------------------
So, ito ako. Nga nga sa room. Iniisip yung kanina. Kaasar po. Kaasar talaga. Unang beses siyang nagkaganun. At unang beses niya din akong hinayaang umaalis ng ganun lang. Ano problema nun?
Ang lalim ng iniisip ko. Ng biglang may mahabang Marshmallow ang lumipad sa harap ko.
Mariele : wow! For the first time. Hindi mo pinansin yung pagkain!
Nina : may problema nga.
Mariele : wala yan. Nag iinarte lang yan. Di ba? *tapik sa braso ko* HAHAHAHA.
Yes. Siya nga. Si Mariele. Ganyan talaga yan siya. Ang pinaka maasarin samin. Pinaka childish. At pinaka healthy. Oo. Mejj gifted siya sa laki. Sa height? No comment na ako jan. Pareho lang kami ee. T_T HAHAHAHAHAHA! XD pero kahit kalog, matatakaw at maiingay yung dalawang yun. Kahit ganun sila, ganun na talaga sila. Hahahaha. Mahal ko yung mga loka lokang yun. Hahahaha.
Nina : guys. Uuwi ako saglit. Habang si Ate pa bantay sa gate. May nakalimutan ako sa bahay. Walang pwedeng maghatid mga busy sila.
Ako : ganun ba? Sige sige. Go na.
Mariele : ingat ka kulot!
Nina : cute na kulot kamo. Hahaha. Sige.
At umalis na si Nina. Hahahahaha. Kulot. Oo. Kulot kasi buhok niya. Pagkaalis ni Nina. Tumabi sakin si Mariele.
Ako : naku naku naku! Sinasabi ko sayo Mariele. Tigilan mo'ko. Yang mga matang ganyan talaga ee.
Mariele : Bakit? May di ba kami alam tungkol sayo?
Ako : wala.
Mariele : pero nagkakaganyan ka.
Ako : oo na. Meron. Naku naman. Pag ikaw talaga nag'i interrogate sakin wala akong lusot!
Mariele : naman! Ako pa ba? Hahahaha. Go. Simulan mo pagkukwento.
Ako : at tatapusin mo?
Mariele : try me. Just try me.
Ako : okay. Sana naman magtino kang kausap kahit ngayon lang. Hahahaha. XD
At ayun nga. Kinuwento ko na sa kanya lahat. Joke. Hindi pala lahat. Yung kanina lang. Hihintayin ko nalang muna si Nina bago ako magkuwento ng buong buo. Nakakatamad magkuwento ng simula sa umpisa at uulitin nanaman. Hahahahahaha.
Mariele : hala! Baka totoo yung sinasabi nung mga classmates niya kaya siya nagalit?
Ako : pero ba' t ganun? Ba't sakin siya nagalit? Aba toungmother ha. Inaano siya? -____-
Mariele : ito naman. Nag alala agad. Kalma. Baka nahiya lang. Kaya ganun. Ganun talaga yun. Hayaan mo, mamaya. Bigla nanamang susulpot yun sa harap mo.
Ako & Mariele : *nagkatinginan* KABOTE! HAHAHAHAHAHAHA!
Ako : hahaha! Sabay pa talaga tayo. Pano, pasulpot sulpot din yun. Para talagang kabote. Hahahahaha.
Mariele : yaaan. Ngumiti kana ulit.
*teng teng teng teng! Freeze!* oppps! Nag ring na yung bell. Hahaha.
Mariele : sige na. Ngiti na. Balik na'ko sa upuan ko. Hahahaha. Drama mo kasi.
Ako : hahahahaha. Thank you!
At nagsimula na ang labanan. Hahahahahahaha. Labanan sa iskwela. XD Nag review na muna ako habang wala pa si Sir. Hahaha. Oo. Recitation na namin. T_T
After 10 minutes, may Announcement. May faculty meeting daw. Yun lang narinig ko. Pero teka? Ba't di pa kami magsiuwi? Anmeron? Maya maya, may pumasok sa room. Si Sir.
Sir Morallos : class. May faculty meeting kami. So wala munang recitation.
Classmates : YEHEYY! Ang saya naman!
Ako : so, uwian na Sir?
Classmates : yess! Tara na! *kanya kanya ayos ng gamit*
Sir Morallos : oo. Masaya talaga. Kasi di pa kayo uuwi. *lingon sa labas* Matz. Pasok na. Ikaw na muna mag bantay. Walang recitation pero gagawin ko nalang quiz. Get 1/2 sheet of paper length wise. Sagutin niyo yung isusulat niya sa board.
At tuluyan nang umalis si Sir. So ano na? Pag may pagkakataon, siya talaga palagi yung andun? Paul! Tantanan mo na ako. Ayan nanaman kasi yung ngiti niya tapos yung mga titig niyang ganyan. Naku nakuuu! Tigil!
So nagsulat na siya sa board. Mostly enumeration so, keri lang. Tsaka nag aral naman ako. Yung ibang kaklase ko, lalo na yung boys nag bubulungan. Hay naku. Hahaha. Dapat sekretong diskarte lang. XD
Paul : kung magkokopyahan kayo, wag naman masyadong halata. Nagbubulungan nga, rinig na rinig ko naman. Edi sana nag usap nalang kayo, diba?
At tumahimik ang buong klase. Wow. A real gentleman. Kung iba pa yun ipinahiya pa.
So ako, since tapos na pinasa ko na papel ko. Kasabay nung kay Nina at Mariele. I mean, ipinasabay. Ayokong lumapit sa lalakeng yun. Enebe. Nagtatampo nga ako diba? Hahaha. So yun, tas malaki pa oras. Itutulog ko nalang. XD
So yun na, lean na ako sa desk ko. Pumikit na. Nagising nalang ako ng nag ring ang bell. Dilat. Tingin sa paligid. Ganun pa din naman. Pero may hinahanap mata ko na hindi ko nakita. Oo. Si Paul. Umalis na siguro.
So si ako, deadma na. Ano na? Aasa? Wag ganun. Hey, Aimee, walang kayo oy. HAHAHAHA. Natawa nalang ako sa pinag iisip ko. Hahaha. Maya maya may dumating na classmate namin. Lumapit sakin. Pati na rin sina Nina at Mariele. As usual. Chismosa. Hahahaha.
Whyl : Aimee. Pinaaabot sayo. *smile*
Ako : ha? Galing kanino?
Mariele : hay nako. Painosente. Basahin mo na.
Whyl : wag daw dito!
Nina : problema mo?
Whyl : ang sabi wag daw dito. Sa bahay na daw. Sige.
At umalis na siya. Hala. Kinabahan naman ako sa sulat na 'to. Anong meron dito? -___- Pumunta akong CR. Nakita ko siya sa clinic. Ngumiti ako, pero siya tinitigan lang ako. Ba't ganun? Ba't ganito? Hanggang sa mag uwian na, yun pa din iniisip ko.
Ugh! Bilisan ko na nga ang pag uwi! Para magkaalaman na sa sulat. Dub dub! Dub dub! Oo. Bilis ng heartbeat ko. Kinakabahan ako.
----------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Who Am I To Say?
Short StoryIs it really possible for two different people to fall harder than what they think they can? Is it really applicable in life that so-called, Second Chance?