“hoy Leeanne.. hoy Leeanne gumising ka na jan.”
“hmm… ajshdkajshduaehdkaksjhdakusdhjshduhewkjdskjdnbusdhkjsdbnj. 5mins na lang.”
“Ano? Leeanne Faye. Anak ng… gumising ka na.”
“Sabe ko hindi pa nag aalarm yung phone ko! 5mins lang!”
“5mins ka jan, late ka na sa exam mo bahala ka.”
Anak ng tokwa naman oh. kahit kelan ang ligalig ng kuya ko potek. Haaaaaaaaaay ang sarap ng tulog ko. Napanaginipan ko si Richard Guttierez. Hinug nya daw ako, aww :>> E di ba sabi nila, kung sinuman yung napanaginipan mo e namimiss ka. Shocks, kilala nya pala ko. (^.^)
“Hoy!”
“Oo na! babangon na nga e! aga-aga sinisira mo ang beauty ko. Hmf”
Teka anong oras na nga ba? Tiningnan ko ung wall clock sa tapat ng kama ko…
Anak ng tokwang pinrito ng lola mong panot! 9:30 na! 10am yung exam ko! Tae naman o! hindi na naman nag-alarm tong lecheng phone ko! Bwiset!
“Kuyaaaaaaa! Bakit ngayon mo lang ako ginising!? Alam mo namang isang oras before exam dapat naalis na ko ng bahay! Wala pa yung 1 hr na preparation ko!”
“Kanina pa kaya kita ginigising. Tulog mantika ka kasi. Alis na ko. Galingan mo sa exam mo pre. Wag ka na maligo. Babye!”
Leche talaga yung hinayupak nay un. Tsk. So… Sige na nga! Wala ng ligo ligo. Pag nalate ako, hindi na ko papayagan magtake ng entrance exam, so it means magbabayad na naman ako para sa pagpaparesched. Wag na uy.
Ayan, naghilamos at toothbrush na lang ako tapos bihis. Wala na ring kain kain. Haaaaaay. Sana lang makapasa ko. Pangarap ko talagang makapasok sa La Salle. Kase… wala lang. feel ko lang. mehehe
So ngayon, nakasakay na ko ng jeep papuntang De La Salle University- Dasmarinas. Buti na lang 15 mins lang ang byaheng jeep. Maliban na lang kung nachempuhan kong makasakay sa pagong na jeep.
Ayy oo nga, habang nasa byahe pa ko, magpapakilala na ko. I’m Leeanne Faye Paz, 17 years of age, residing at Metrogate Dasmarinas city, Philippines! Hoy hindi porke nakatira sa Metrogate, mayaman na ha. Bigay lang to ng lolo kong businessman kay amang. Simple lang kami, hindi mayaman, hindi mahirap. Sakto lang. Lima kami sa pamilya. Si amang, si inang, tapos si ate Lian Faye (27y.o), si kuya Lee min ho, joke lang. si kuya Liam Pane (21y.o) at si ako, syempre. J
Bilang isang tao, simple lang din ako. Hindi maganda, hindi rin naman panget. Sakto lang. hindi ako mataba, hindi rin mapayat. Sakto lang. Hindi matangkad, hindi pandak. Sakto lang. Hindi mabaet, hindi masama sakto lang. Ah basta! To sum up, sakto lang akong tao. Simple, Walang Arteng Ganda (SWAG dude). Mehehe
Makikilala nyo na lang ako ng lubos sa pagdaloy ng kwentong ito.
At eto na nga, nandito na ko sa magiging paaralanan ko sa kolehiyo. Naks! Kala mo makakapasa talaga sa entrance exam e, wala ngang laman ang tyan. -.-
Matapos ang mahabang lakarin mula Gate 3 hanggang College of Engineering, Architecture and Technology (CEAT), ayun, halhal na ako. Nasa gitna kasi yun ng univ tapos madadaanan pa yung oval so malayo sya talaga. Pagkapasok ko sa building, sumakay ako sa elevator, ang problema… Hindi ko alam kung sang room ako! Anak ng. pano ba to. Sang floor ako bababa? Ah bahala na nga.
Nasa 6th floor na ko, eto na yung pinakamataas na floor. Hindi ko pa rin alam kung san ang room ko, 9:55 na! dalawa na lang kaming nasa elevator ngayon, at isang gwapong nilalang pa ang nakasabay ko. Aaahhh, kapag sinuswerte nga naman. Sa kanya kaya ako magtanong? Hihihi ^_^
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...