-----59th String-----

128 0 0
                                    

*TING*

The elevator doors went open and I instantaneously walked back against the mirrored elevator wall.

"Ivan?"

"Faye."

My mouth went dry. I couldn't say a word.

He walked in coolly, while I stood stoned.

"What's up?" he asked dryly.

What's up? Heck. It's been three freakin' years Ivan! And you have the nerve to ask me just like that?!

"I'm cool. Kaw ba?"

"Great." He answered with his famous lopsided smile.

"Ahh. Una na ko." I went out of the elevator and walked calmly, kahit na I'm seven floors down from our room. But I guess I made the right decision. My knees suddenly went weak. I'm glad there's a sofa nearby to catch me. Buti pa yung sofa sinasalo ako.

"Ano naman kayang ginagawa ng ulupong nay un ditto? Bwiset!" I whispered to myself.

It's been three years. Okay na ko eh. Puteks. Hindi pa pala. Bakit ganto pa rin yung epekto nya sakin? Leeanne Faye Paz! Umayos ka nga!

Pero kasi. Bakit ba kasi nandito yung ulupong na un? Nyee. Malamang nagrereview din siya Leeanne. Wait. Nagrereview. So does that mean... Dito din siya nagdodorm? HECK NO!

*BEEP BEEP: One text message*

"Mcdo. G?" – Seira

"Oh thank God!"

*MCDO*

"Shet lang. Shet lang talaga Seira! The fudge! Nandito talaga si Ivan!"

"Ano ka ba teh! Anong akala mo ikaw lang may karapatan magreview? Ikaw lang may karapatan magstay dito sa Manila? Hello! Hindi lang ikaw ang magboboard exam Leng!"

"Oo na, oo na! Alam ko naman yun! Na magboboards din sya! Pero hello! Kelangan nasa iisang dorm kami?"

"Hoy Leng, porke nakasakay mo sa elevator dun na nakatira? Di pwedeng may dinadalaw lang? Nakikireview? Mga ganon? Assumera ka talaga."

"Ano ka ba! Bawal umakyat above 3rd floor yung mga dalaw! The fact na hindi sya bumaba ng 3rd floor, that means may room sya sa Upad!"

"Malay mo tumakas."

"Hindi! Masama ang kutob ko Seira. Dun sya nagsestay!"

"SHHHHHHHHH!" saway samin ng isang... hmmm... reviewee din siguro ito na pinapaligiran ng hand-outs at libro ng FinAcc.

"Kumalma ka nga Leeanne Faye. Alam mo nang extension ng library ang Mcdo Morayta e." saway niya sabay subo ng burger. "Ikaw naturingang accountant assumera. O sige, ipagpalagay na nating tama ang hinala mo. Ano naman kung nandito siya? Mabuti nga yun e. Baka magbalik loob na sya sa Gang."

"Ano?! Anong mabuti dun sige nga? Matapos niya tayong talikuran babalik sya ng ganun-ganun na lang?! Neknek nya!"

"Hoy Leng. Graduate ka na. Magboboards ka na. Sa loob ng limang buwan CPA ka na. At magtatrabaho ka na. Tapos isip bata ka pa rin? Pambihira ka naman."

"Pwede ba Seira pass muna sa sermon. Tulungan mo na lang ako. Bukas na bukas hahanap tayo ng lilipatan kong dorm."

"Hoy bruha ka. Baka nalilimutan mong nakapirma ka na ng kontrata. Ano gusto mong makulong?"

"Kulong agad? Di pwedeng magbayad na lang ng damages for breach of contract? Sabi sa article-"

"Leng tigil-tigilan mo ko ng article article mo dyan baka sungalngalin kita. Wag mo nga kong ginagamitan ng accounting chenes mo! Nagrereview din ako! Masyadong mahirap yung math naming ngayon para intindihin ko yung mga pinagsasasabi mo dyan!"

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon