-----15th string-----

298 2 0
                                    

LEEANNE’s POV

“Mga ineng, gising na kayo. Kakain na.” Hmmmmm. Isang malambing na tinig ang gumising sa diwa ko...

“Hoy hoy hoy. Tanghali na.” Isang gwapong boses naman ngayon...

“Hoy Kate bumangon na kayo.” Isa pang gwapong boses...

Haaaaaaayyyyyyyy ang sarap matulog. Ayaw ngumulat ng mga mata ko.

“Oh kuya kanina pa ba kayo?” – Kate. Ahh andyan na pala yung family ni Kate... O.O

Napabalikwas ako ng di oras. Hala! Kanina pa kaya sila dyan? Tumingin ako sa paligid ko. Yung mga katabi ko tulog pa. Si Kate, nasa kusina kasama si tita. At yung mga kuya nya... Yung mga gwapong kuya nya nakaupo sa sofa na medyo malapit at nakaharap sa higaang inilatag namin at nanonood ng TV. EMEGESH! Kanina pa kaya sila dyan? Itsura pa naman namin!

“Oh Leng, buti natinag ka na.” – kuya Kev.

“AH. HE-HE kuya Kev naman. Kanina pa kayo dyan?”

“Oo. Bakit?” – kuya Kev. Emegesh nakakahiya! Ano kayang itsura ko kanina? Nakanganga kaya ako? Humuhilik kaya ako? Bakit ang aga naman nila nakauwi! Sabi nila Tanghali na sila makakabalik e!

“Leng gisingin mo na din sina Seira.” – kuya Ken.

“Ah sige po.” Tapos inalog-alog ko yung mga babaitang katabi ko. “Hoy bangon na daw kayo. Breakfast time na.”

“Anong breakfast time? Lunch time na oy.” – Kuya Ken. Teka anong oras na nga ba? Tiningnan ko yung phone ko... 12:30pm na pala! O.O

“Kayo talaga. Kate anong oras na kayo natulog?” – Kuya Kev

“Mga 2am na.” – Kate. Ano ba yan masyadong honest si Kate! Lagot.

“Kaya pala e. Bangon na kayo dyan.” – Kuya Ken. Nagsibangunan na yung mga kasama ko. Hindi pa kumikibo since mga wala pa sa wisyo.

“Chaka maghilamos kayo oy. Tanghaling tapat na kayat pa mga laway nyo.” – Kuya Kev. Ayy si kuya Kev talaga. Mapang-alaska pa rin talaga. HAHAHA

“Hoy Leng, May muta-muta ka pa.” – Kuya Ken. Kinapa ko yung gilid ng mata ko...

WAAAAAAAAAAAH! Meron nga! Matutong-tutong pa! Walang anu-ano’y dali-dali akong tumakbo papuntang banyo.

Habang nakain...

Kaming lima lang ang nakaen sa mesa ngayon. Nauna na pala kasi silang kumain kanina. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung anong itsura ko kanina habang natutulog. Nakakahiya sa naggugwapuhang mga kuya ni Kate e. HAHAHAHA >:))

“Hoy Leng! Ano nang balak mo?” – Ilynni

“Anong balak?”

“Sa Party mamaya.” – Kate. AYY SHOCKS! O.O nawala na naman sa isip ko! Tanghali na wala pa kong naaayos! Ni hindi pa ko nakakauwi!

“Hala oo nga pala! Uuwi na ko!” pagkasabi ko nun, tumayo ako at pumunta sa kinalalagyan ng bag ko.

“Hoy Leng, baliw ka ba? Diba may usapan na tayo?” – Ilynni

“Anong usapan?” tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng gamit. Di na ko maliligo. Maliligo naman ulit ako bago ang party. Hahalungkatin ko pa ang closet ni ate Lian. Marami naman syang dress e. Ewan ko lang kung magfifit sa sexy kong katawan. HAHAHA. Medyo chubby si ate Lian e.

“Ulyanin ka na talaga.” – Shannan

“Ano bang sinasabi nyo dyan? Kailangan ko na magmadali. 5pm daw ako susunduin ni Ivan e wala pa kong damit hahalungkatin ko pa ang baul ni ate Lian. Wag nyo muna ko kausapin nag-aayos ako ng gamit sa bahay na ko maliligo nang maka...ARAY!” Ang sakit ng batok sa kin ni Lani!

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon