LEEANNE’s POV
“Okay class, pass your papers.” – ma’am
“WOOOOOOOOOH!”
“YEAAAAAAAAAAAAH!”
“Hello Sembreak!”
At nagdiwang ang mga kaklase ko.
Oh yes tapos na ang finals! Bakasyon naaaaaaaaaaaaaa!
THANK YOU LORD!
“Vano! Mcdo tayo!”
“I can’t. I’ll go fetch Blaire from the airport.”
“Ay ngayon na ba yon?”
“Yeah. And I can’t bring you home. I’ll just drop you to the waiting shed.”
“Ah sige.”
Mabilis na lumabas si Vano ng room. Siguro miss na miss nya na yung bestfriend nya no?
Habang inaayos ko yung mga gamit ko, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip.
Bakit ba ako nalulungkot? Bakasyon na nga e, parang ang bigat pa rin ng pakiramdam ko.
Hindi naman siguro ako babagsak diba? Bakit ba parang...
“Pards.”
“Ui Kevin. Bakit?”
“Let’s eat.”
“Sige ba! San tayo kakain? Libre mo?”
“Anywhere you want.”
“Tara! Tamang-tama gutom na... Hala!”
“Bakit?”
SHOCKS! Nalimutan ko. Sabi nga pala ni Vano sakin iwasan ko na daw si Kevin. Anong gagawin ko?
“Ah ano... Kevin kasi may...”
“Faye.”
“Vano?”
Okay. Awkward na naman kaming tatlo. >.<
“Ay oo nga pala! May lakad kami ni Vano ngayon pards e. Sorry ha, next time na lang.”
I gave him the sumakay-ka-na-lang look. Tutal dahil naman sa kanya kaya ako nagsisinungaling kay pards. Hays. Gusto ko pa namang lumamon ngayon. -_____-
“Hindi tayo tuloy.”
Napataas naman ang kilay ko. I gave him the akala-ko-ba-gusto-mong-iwasan-ko-si-Kevin look.
“Ha? Eh diba ngayon na darating si Blaire? Susunduin natin sya sa airport diba?”
“Bella?” biglang singit ni Kevin.
“Oh? Kilala mo si BB?”
“BB?”
“Bella Blaire.”
“Ah, yeah.”
Okay. Kami ni Kevin ang nag-uusap pero sila ni Ivan ang nagtititigan.
Bakit ganun? I smell something fishy.
“Keep her safe.” He said to Kevin, looking straight into his eyes, his expression’s impassive.
I was dumbfounded.
I gave Ivan the what-the-hell-are-you-saying look. Nung isang linggo lang, pumunta kami ng MOA ng di oras para lang hindi ako sumama kay Kevin sa SkyRanch. Paulit-ulit nya pa kong sinasabihan na layuan ko na sya tapos ngayon, kung kelang ako na mismo yung umiiwas sya naman nagbibigay sakin kay Kevin?
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...