LEEANNE’s POV
Tuwang-tuwa na naman ang tyan ko sa dami ng nailaman ko sa kanya. Ang kaninang pinaghirapan kong tawaran na lapu-lapu ay naging si magellan sa sarap ng pagkakaluto sa kanya, sweet and sour. Favorite ko sa sweet and sour ang meatballs, pero hindi na ngayon. Iba talaga pag nagsanib pwersa si BB at Vano.
Ngayon ay magkakaharap pa rin kami sa dinning table at kumakain ng mga prutas na binili namin sa palengke kanina habang nagmimeeting...
“The weather’s not with us.” Malungkot na sinabi ni Blaire sabay subo ng manggang hinog.
“I don’t think the rain is going to stop.” Sang-ayon ni Vano na umaabot ng pinya mula sa serving plate.
“Cheer up. We can still do something fun in here. Something very, very fun.” Sabi naman ni Kevin sabay kagat sa hawak hawak na saging na tundan. May pahabol pa syang pagkindat sa’kin.
“Ano na naman ang pinagsasasabi mo dyan, Kevin?” singit kong batid na umiiral na naman ang kapervertan nya.
“What? We aim to please, baby.” Then he smirked.
“Cut the crap, Natal.” Sabi ni Vano at marahas na tinusok ang pinya sa plato nya.
Kevin raised his hands in defeat. Nagkatinginan na lang kami ni Blaire.
“So what’s the plan?” - Kevin
“Do you guys play table tennis?” tanong ni Blaire na nakangiti ng maliwanag.
Pagkatapos ng tanghalian, niyaya na kami ni Blaire. Nagulat ako nang may makitang staircase pababa na tinatakpan ulit ng eleganteng dark blue curtain ang glass door. Sinundan lang namin si Blaire hanggang sa makarating sa isang entertainment room. Inassume ko na entertainment room sya kasi merong table tennis at billiard table. May mga couch sa wall katapat nun para siguro sa mga player at sa manonood. Sa left corner, merong bar counter at nalaglag ang panga ko nang marealize na puro lavish brands ng liquors ang nakadisplay doon. Merong 6 na high chairs na nakapalibot doon. Sa right corner naman ay may double door na may tig-isang bintana. Kung hindi ako nagkakamali, mini-theater ang nasa loob non. Pinaikot-ikot ko pa ang ulo ko at laking tuwa ko nang mahagilap ang isang ministage na may isang cute na upuan na nakaharap sa parang screen? Alam na alam ko, hindi ako maaaring magkamali na Videoke yon. Malapit doon ay isang table naman na parang pang casino. Eto yung table na may drawers na lagayan ng chips ng poker. Napakaspacious ng entertainment room. Hindi ito yung tipong kinakailangang magsiksikan ng mga audience o magkabanggaan ng mga players pag naglalaro ng table tennis o bilyar.
Nang napansin kong lumapit si Blaire sa isang parang cabinet ay nanalangin akong song book ang kinukuha nya pero hindi ako pinakinggan ng genie. Hinarap nya kaming may hawak na 4 na racket at isang ping pong ball.
Pansamantala kong nalimutan ang kagustuhang magconcert dahil sa excitement. Palihim kong pinupuri ang sarili ko dahil sa 3.75 ang nakuha kong grade sa Table Tennis na PE namin last sem.
“So, how do we divide ourselves?” tanong ni Blaire habang pinapatalbog sa table ang pingpong ball.
“Baby’s mine.” Sabi ni Kevin na nakapagpakunot naman ng noo ni Vano.
“Hmmmm. I don’t think that’s a good idea. We should do it fairly. Black and white?” suggest ni Blaire at inilahad ng pataob ang kamay na para bang makikipag’maiba-taya’.
.........................
Hindi makatarungan.
Hindi talaga makatarungan ang naging laban namin.
3-0.
Sa 3-0 na resulta ng game, 0 ang sa amin ni Blaire.
Oo, wala kaming naipanalo kahit isang set.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...