SATURDAY
LEEANNE’s POV
Nandito ako ngayon sa backstage at nakaupo sa harap ng salamin, tinititigan ang napagkaganda kong mukha...
JOKE!
Wala lang, I’m just composing myself. Kung kahapon kasi eh excited na excited ako lalo na’t naging successful ang last rehearsal namin ni H2, ngayon eh over kabado ako.
Hindi ako kinakabahan sa performance namin since sanay na naman akong sumayaw sa harap ng maraming tao dahil sa dance crew.
Kinakabahan ako para sa ankle ko.
I’m still wearing bandage though. Kasi kakalbuhin daw ako ni Vano pag hindi ako sumunod. Pero bukod don, natatakot din talaga ko. Baka sumakit sya ng di oras..
Baka madapa ako or something...
Tapos baka mapahiya kami...
Tapos baka mata...
WAAAAAAAAAAAHHHH!! HINDI PWEDE!
HINDI KAMI PWEDENG MATALO!!! Dugo’t pawis ang inilaan ko para sa event na to!
Mawawalan ako ng incentives pag natalo kami!
At pag nangyari yon...
MATATALO NA NAMAN AKO NI VANO SA FINACC!!
NO WAY!
Sayang naman yung ilang gabing practice! Yung pagod! Yung pawis! Yung Pagkatapilok ko! Yung bukol ko! Yung mga yelo na ginamit kong pang cold compress! Yung...
“Pards, chill. We’re going to win.” Sabi nya sabay ngiti.
Sa Kapraningan ko, di ko namalayang nasa likod ko na pala si Kevin.
Partida, nakaharap pa ko sa salamin at nakapatong na yung kamay nya sa balikat ko ah.
“Oy kanina ka pa ba dyan?”
“Yeah. You’ve been idling for almost a minute.”
“WEEEEEEH.”
“Seriously.”
“OH? AH.. EH.. Sorry.”
Naglean sya palapit sakin hanggang sa magkatabi na yung mga mukha namin habang pareho kaming nakatingin sa salamin.
“Relax, pards. Look at you. You’re gorgeous. You’re astonishing. There’s no way we’re going to lose.” Sabi nya habang nakatingin sa reflection ko sa salamin at nakangiti ng matamis.
OKAY. Speechless ako.
“Speechless, eh?”
Tumayo na sya at minasahe ang mga balikat ko.
Wala pa rin akong ma-say.
Nanatili akong tahimik at pasimpleng pinapakalma ang sarili ko.
Pero teka, bat parang ang bait naman ni Kevin sakin ngayon?
At nasaan na ang hambugrao hormones nya?
Our rehearsal went well yesterday, naperfect na nga namin e. Wala nga lang ginawa si Kevin kahapon kundi lait-laitin ako ng todo-todo at magyabang ng magyabang na kesyo ang galing-galing nya daw kaya tapatan ko daw yun para manalo kami achuchuchuchuchu...
“Come on pards, smile.” Sabi nya at ibinigay na naman ang matamis na ngiti.
Napataas na lang ang kilay ko.
Eto ba ang pambawi mo sa lahat ng panlalait mo sakin tuwing nagpapractice? -_________-
I shook my head.
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...