LEEANNE’s POV
“Buti naman nagbago isip mo.” – Zeke
“San na tayo pupunta?” I asked.
“Sa Mcdo.” Tapos ngumiti sya. WAAAAAHH how I missed his smile. Napatitig na lang ako. Naalala ko tuloy nung…
“Uy, ayaw mo ba?” – Zeke
“Ay sabi ko nga. Tara na! Hello Mcdo Fries!” sabi ko.
Sa Mcdo…
Nandito kami ngayon sa Mcdo Pala-pala, 2nd floor para wala masyadong tao. Bumaba sya para umorder ng pagkain. Syempre hindi mawawala ang Large fries ko. WAAAH ang saya! At least nakalibre pa ko! Kung si Vano ang kasama ko ngayon, e di napagastos pa ko. Mehehehehe
Kidding aside. Masisisi nyo ba ko kung kay Zeke ako sumama? Sa totoo lang, I really hate it pag pinapapili ako. Hate na hate as in superdupermegahyper ayaw kong pinapapili ako, swear. Kaso, sabi nya kasi kailangan na naming mag-usap. Para bang may mangyayaring hindi maganda pag hindi kami nag-usap ngayon. Baka, magiging sila ni Blaire!? NOOOOOOOOOOOOO! O kaya baka lilipad sya papuntang ibang bansa? NOOOOOOOOOOOOO! O kaya, baka mauubos na yung nararamdaman nya para sakin? NOOOOOOOOOOOOOO! Wag muna ples! O kaya, baka…..
“Uy, bat ganyan itsura mo? – Zeke. Ayy nandito na pala sya. Ang dami ko kasing iniisip e, napakamakabuluhan pa. mehehe
Ah basta. Tingin ko naman tama ang desisyon kong makipag-usap sa kanya. At least malilinaw na lahat-lahat diba tsaka pwedeng-pwede kami lumabas ni Ivan kahit kalian. Tutal lagi naman akong binibigay ni kuya Liam sa kanya. Tsssss E si Zeke, di naman sya masyado natambay kina Rj tapos bihirang-bihira talaga kami magkakita. Wag na kayo magalit sa kin guys. Alam ko gusto nyo din pumunta sa Sky Ranch. Intay-intay lang kayows. ;))
“Uy, ayos ka lang ba?” – Zeke. Ayy oo nga pala mag-uusap kami. Mehehehe
“Ah oo ayos lang ako. Wieeeeeeeeee salamat!” binigay nya na sakin yung Large Mcdo Fries ko tsaka McFloat.
“Namiss kita.” Sabi nya bigla. Hala na, awkward. >.<
“Ah, HEHE. Namiss ko din tong mcdo fries e! tagal ko ng di nakakain nito!”
“Ako ba, hindi mo namiss?” hala na, awkwardness na talaga itu!
“Ah, HEHE. Namiss din naman kita no.” Kung alam mo lang! Sobrang namiss kita!!!!!!
“Parang labas naman sa ilong.” Napakaseryoso nya. Hala ano ba to. Ivan tara na magSkyranch na lang tayo!
“Ehehehe eto naman masyadong seryoso.”
“Kaya nga tayo nandito para mag-usap ng maayos.” Ayy napahiya naman ako dun.
“Ayy sorry naman. Ano ba kasing pag-uusapan natin talaga?”
“Alam mo bang mahal na mahal pa rin kita? Ni hindi nga nabawasan e. Kahit iniwan mo ko ng basta-basta.” Aww.. Mahal nya pa daw ako! Mahal na mahal pa nga! Shocks kinikilig ako pero kelangan magpigil. Pero teka, anung sabi nya? Iniwan ko daw siya ng basta-basta?
“Basta-basta? Ganun ba talaga tingin mo sakin?”
“Eh ano? Ganun yung nararamdaman ko. Ganun naman talaga yung nangyari diba? Bigla mo na lang akong iniwan.”
“Zeke, ilang beses ko bang sasabihin sayo na nakipagbreak ako para makapagconcentrate sa pag-aaral ko.”
“Oo, maraming beses mo nang sinabi. Pero sa totoo lang, kahit ilang beses mo pang sabihin yan hindi ko yata kayang paniwalaan.”
“Ganun na ba talaga kasama ang dating ko sayo?
“Hindi. Hindi ko magawang maniwala sayo dahil sa nakikita ko sa inyo nung Ivan na yun.”
BINABASA MO ANG
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...